"Balita ko nag-trend ang topic niyo last time ah." sabi ni Aiye sa akin pagkababa ko.
"Alin? Iyong about sa love?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.
"Oo. Talaga namang magte-trend 'yon. Hinugot mo pa naman sa talamapakan ng ninuno mo 'yong sinabi mo." sabi niya at humagalpak ng tawa.
"Luka ka. Himala nga nakinig at sobrang ineresado sila sa topic, nag-participate at nakiayon talaga." sabi ko ng nakangiti.
"Edi mabuti kung ganun. Ay siya nga pala, nakalimutan ko pupunta pala ang pinsan ko rito."napatayo pa siya ng maalala niya ang bagay na iyon.
"Anong oras daw? Bakit ngayon mo lang sinabi?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Mamayang alas-sais pa naman. Sorry na, nawala po kasi sa isip ko." nakangusong sabi niya.
"Alas tres pa lang naman, may oras pa tayo para magluto. May kasama raw ba?" sabi ko sa kanya.
"Mga ka-banda niya. Lima lang naman sila kaya konti lang ang lulutuin natin." sabi naman niya.
"Sige. Maramin pa naman tayong stock sa ref." sabi ko at tinali ang buhok ko. Kanya-kanya na kaming gawa. Hindi kami nag-uusap habang nagluluto. Mga alas-singko na kami nakatapos.
"Hay.Salamat na at natapos rin. Maliligo muna ako, ang dungis-dungis kong tingnan." apaalam ko kay Mariae. Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Tulog na pala. Napagod siguro. Pumasok na lang ako sa banyo. Mga treinta minutos rin siguro ang tinagal ko roon. Paglabas ko tulog pa rin ang bruha.
"Hoy. Mariae Sanchez, kung gusto mong matulog huwag dyan sa sofa." sabi ko sa kanya at tinutusok-tusok ang pisngi niya.
"Ano ba. Natutulog 'yong tao eh." sabi niya at iwinaksi ang kamay ko.
"Andyan na sila sa labas." sabi ko sa kanya. Bigla siyang bumangon.
"Ha?Asan?Kanina pa ba? Bakit hindi mo pinapasok?" natatarantang sabi niya at tumakbo sa pintuan. Tawa ako ng tawa kasi niloloko ko lang naman siya.
"Oh, insan? Kanina pa ba kayo dyan? Pasensya na nakatulog kasi ako." napatigil ako sa pagtawa nang magsalita siya.
"Ngayon ngayon lang din naman, insan. Ayos lang 'yon." narinig kong sagot ng kausap niya.
"Pasensya na ha. Hindi kasi marunon magbukas ng pintuan ang kasama ko sa bahay kaya kailangan niya pa akong gisingin para makapasok kayo." sabi niya at n]inirapan ako.
"May kasama ka rito?" tanong ng pinsan niya.
"Oo, kaibigan ko at part time instructor sa school mo." sagot naman ni Mariae.
"Ah." sabi naman ng pinsan niya.
"Pasok na muna kayo. Asan na 'yong iba mong kasama?" tanong ni Aiye.
"Papunta na, may dinaanan lang." sagot ng pinsan niya. Pumasok na ang pinsan niya at nagulat ng makita ako. Ako rin nagulat.
"Nga pala, Steph si Reynan, Insan si Steph kaibigan ko." pagpapakilala ni Aiye.
"I know her/ Kilala ko siya." sabay naming sabi. Nagkatinginan lang kami. Tumaas ng kaunti ang labi niya.
"Oh? Really? Saan? Paano? Kelan?" sunod-sunod na tanong niya na parang hindi makapaniwala.
"Yes.Sa school. Instructor ko siya sa MSCED. Simula nung pasukan." bored na sagot ni Reynan.
"Ah. Hindi ko alam 'yon ha. Bakit hindi mo sinabi sa akin,Steph?" tanong niya sa akin.
"Alam ko bang siya ang pinsan mo? Hindi naman 'di ba?" sagot ko sa kanya. Maya-maya may narinig kaming katok kaya binuksan niya ulit ang pintuan.
"Buti naman at nandito na kayo. Pasok." sabi ni Mariae. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking pinaka-kinaiinisan ko. Nagtama ang paningin namin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Nga pala guys. Si Steph, kaibigan ni Aiye. Instructor ko rin sa school niyo Clerk. Steph, si Clerk,Reylan at Chebby, mga ka-banda ko." pagpapakilala ni Reynan sa amin.
"Hi. Reylan Flor nga pala, drummer." pagpapakilala nung lalaking gwapo, maputi at matangkad.
"Hi din. Steph, Stephanie Quidta." sabi ko naman na nakangiti at inabot ang kiamay ko sa kanya. Inabot niya iyon at hinalikan ang likod ng palad ko. Gentlemen.
"Hello. Chebby Nojas, pianist. It's nice seeing you." nakangiti niyang sabi at ginawa rin ang ginawa ni Relyan. 'Yong bastos na lalaking nakabungguan ko sa mall ay hindi ako pinansin. Bastos talaga. Hindi porke't sila ang may-ari ng school at company na pinagtatrabahuhan ko ay hahayaan ko ng bastusin niya ako.
"PAgpasensyahan mo na si Clerk, ganyan talaga 'yan kapag may nakabangga." pigil ang tawa ni reylan habang sinasabi iyon.
"Andun ka sa mall?" nanlalaki ang mata ko habang tinatanong siya.
"Yep. Hindi lang ako, lahat kami at kasama pa namin mga girlfriends namin nun." sabi naman ni Chebby. Geez. Nakakahiya ang pangayyaring iyon kaya nga ayaw ko nang maalala pa.
"Tara na. Ano pang hinihintay niyo dyan? Kakain na tayo, wala ba kayong balak?" sigaw ni Mariae mula sa kusina.
"A-ah. Tara na guys. Pwede bang huwag niyo nang ipaalala pa ang nangyaring iyon?" tanong ko sa kanila. Tumango naman silang dalawa.
Pagkatapos namin kumain, pumunta ang mga boys sa sala at hinanda ang videoke. Kami naman ni Mariae ay naiwan sa kusina.
"Steph, matanong ko lang." biglang sabi ni Mariae. Simula kasi nung dumating sila Reylan kanina tumahimik na siya.
"Hmm?" sabi ko lang.
"Bakit parang may something sa inyo ni Clerk?" tanong niya.
"HA? W-wala naman. Bakit?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Totoo? Parang lang kasi. Alam mo 'yong tipong may kuryenteng namamagitan sa inyo sa sama ng tingin niyo sa isa't-isa? 'Yon 'yon eh." nakangising sabi niya.
"Wala ah." sabi ko naman. Baka kasi tuksuhin lang ako kapag nalaman niyang si Clerk ang nakabangga ko.
"May past kayo 'no?" pangungulit pa niya.
"Wala ah. Baliw ka ba? Hindi ko nga kilala 'yong tao tapos sasabihin mong may past kami?" naiiritang tanong ko sa kanya.
"Bakit ka galit?" tanong niya.
"Hindi ako galit. Nagpapaliwanag lang." sabi ko sabay walk out. Matutulog na lang ako.
"Hoy. Saan ka pupunta? Biro lang, ikaw naman." sigaw niya. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy sa lang sa paglalakad. "Hoy. Bumalik ka nga rito." sigaw pa niya ulit.
"Heh. Ewan ko sayo. Mag-isa ka dyan. Andyan si Sadako." sigaw ko rin sa kanya. Alam kong mananakbo 'yon takot kasi sa horror.
"Uwaaaaaa. Asan? Huwag mo kong iwan. Ayoko pang mamatay." hindi nga ako nagkamali. Ambilis niyang tumakbo kaya hindi niya napansin ang maliit na upuan kaya muntik na siyang madapa kung hindi niya ako naitulak. Sabay kaming sumigaw kasi an-out balance ako.
"Steph." sigaw niya. Pumikit na lang ako, anytime tatama ang likod ko sa sahig. Pero naramdaman ko na lang na may humawak sa beywang ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Clerk na sobrang lapit ang mukha sa akin. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso niya. He saved me even though hindi kami nagpapansinan.

BINABASA MO ANG
Love Dream
RomansaAlam niyo ba ang love dream ni Franz Liszt? Walang lyrics 'di ba? Classical music kasi. Narinig ko 'yon sa Professor namin, kaya naisipan kong gawan nang kwento ang tugtog na iyon. Dito niyo malalaman kung Love Dream ang title nun.