Dream 9: Ang Muling Pagkikita

41 2 0
                                    

Sa isang resort kami nakarating at sa unang tingin mo palang, mauhulaan mo na kaagad na mayayaman ang mga taong nasa loob. Sa dinami-rami  ng mga magagarang  sasakyang nakaparada mula sa parking lot hanggang sa kalsada. Dahil sikat ang Head Band, marami-rami rin ang mga bumati sa kanila habang papasok kami sa venue.

"Grabe, ang gara niyo talaga. Ang dami namang sikat na personalidad dito. Andito pa si Alden Richards, sana in-imbita niyo ang Super Juniors at Exo," manghang-mangha na bulalas ni Mariae. "Sana sinabi niyo sa akin kanina para nakapagdala ako ng piktyur  nila ni Yaya Dub at nang makapag-pa-autograph ako," dagdag niya sabay hampas kay Reylan na nananahimik.

"Aray ko. Bakit kailangan mo pa akong hampasin? Wala kang karapatang hawakan ko, kundi ihahabla kita," nakakunot ang noong reklamo ni Reylan na siya namang sinagot lang ni Mariae ng isang pekeng ngiti.

"Kayong dalawa, manahimik kayo. Nakakahiya sa mga taong makakakita sa inyo na parang aso't pusa. Mahiya nga kayo dahil hindi natin lugar ito," sermon sa kanila ni Reynan na siyang ikinatahahimik nilang dalawa.

"Asan na ba kasi si Clerk?" tanong ko sa kanila."Kanina pa tayo rito pero ni anino niya hindi ko nakita."

"Baka naman abala lang, marami kasing ginagawa 'yon, hindi kaya baka nakipaghuntahan na kay Jonel, matagal na kasing hindi nagkikita ang mag-pinsang iyon." sagot ni Chebby. "Tatlong taon na rin silang hindi nagkita simula nung umalis si Jonel papuntang ibang bansa." Sa sinabing iyon ni Chebby nagkatinginan kami ni Mariae at iisang tanong lang ang gusto naming sabihin sa isa't-isa. 

"O, ayan na pala si Clerk. Pare, halika rito, kanina ka pa namin hinahanap hindi ka naman mahagilap." tawag ni Reylan nang makita niya itong naglalakad.

"Kanina pa kayo? Bakit hindi man lang kayo tumawag sa akin?" tanong ni Clerk pagkalapit sa amin. Tiningnan ko siya subalit ni sulyap hindi man lang niya magawa. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano at ano ang sisimulan ko. Baka nagkataon lang na ang Jonel, na dating minahal ko at ang Jonel, na pinsan niya ay magkapareho ng pangalan ngunit magkaiba nang katauhan. 

"Nawala sa isip namin sa sobrang mangha sa lugar na 'to. Nga pala, asan na 'yong pinsan mo? Himala at hindi ko nakitang nagpa-kalat-kalat ngayon dito." sabi ni Reylan at sinundan ng tawa. 

"Wala pa nga e. On the way na raw siya, medyo na-traffic lang. Alam niyo naman galing pa 'yon airport, kaya konting antay lang kayo." sabi naman ni Clerk." Tara pasok na muna tayo sa loob andun sila Mama." yaya niya sa amin. Nagdadalawang isip ako kung papasok ako o tatakbo na lang pabalik sa apartment.  Iba talaga ang pakiramdam ko, ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko.

"Steffy, hoy. halika na. Ano pang tinutunganga mo riyan? Pumasok na tayo." napapitlag ako nang kalabitin ako ni Aiye. Pagtingin ko sa kanila, lahat sila nagtatakang tiningnan ako maliban kay Clerk na tinititigan ako diretso sa mata. Tingin na para bang alam niya ang nangyari sa akin.

"Ha? Ah, uuwi na lang ako, sumama kasi bigla ang pakiramdam ko." palusot ko para lang makaiwas. Parang may mali kasi. Idagdag mo pa si Clerk na pakiramdam niya hindi ako nag-eexist sa mundong ito. Akala mo may sakit akong nakakahawa na kung titingin siya sa akin mahawaan siya. 

"Ano? Saan ang masakit sa'yo? Naku, umatake na naman ba migraine mo? May dala ka bang gamot?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. Alam kong alam niya ang nasa isip ko kaya sinakyan na lng niya ang alibi ko."Masama pa naman kapaag umatake ang migraine mo. Kailangan na nga nating umuwi ."

"ipapakilala lang namin kayo kay Jonel, malapit na 'yon. Pagkatapos, pwede na kayong umuwi."singit ni Reynan na kanina pa nanahimik.

"Tsaka na lang kapag bumuti na pakiramdam ko. Pasensiya na talaga pero kailangan ko nang umuwi." sabi ko. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte ko para lang makumbinsi silang may masakit nga sa akin.

"Huwag niyo nang pilitin ang taong ayaw. Sabi nga niya masama ang pakiramdam niya. Pauwiin niyo at kapag may mangyaring hindi maganda riyan sagutin niyo pa." sabat ni Clerk at dumiretso na sa loob. Napasunod na lang kami ng tingin sa kanya nang may halong pagtataka.

"Anong nangyari roon? Parang asar yata sa mundo ngayong araw o baka may regla lang. Pagpasensyahan mo na ang isang iyon Steffy, sadyang may saltik lang sa utak 'yon." pagpaumanhin ni Chebby saka tumawa. Walang nakitawa sa kanya dahil lahat kami ay nagtaka kung bakit ganun ang ugaling inasta niya.

"Hayaan niyo na lang pagod lang siguro 'yong tao. Mauna na kami." saad ko at tipid akong ngumiti. Wala na rin silang nagawa kundi ang pauwiin kami. Balak pa sana nilang ihatid kami pabalik pero tumanggi ako dahil nakita kong may dumating na sasakyan.




"Nakakainis talaga ang hinayupak na Reylan na 'yon. Kuh, ang sarap-sarap niyang ibitin patiwarik sa puno ng kamatis." sentimiyento ni Mariae. Simula nang makauwi sa bahay galing sa CNB Charity, walang patid na ang pagwawala niya dahil naka-engkwentro na naman niya si Reylan.

"Ikaw naman kasi, kung sinasabi mo sa kanyang mahal mo rin siya hanggang ngayon hindi kayo aabot sa ganyang punto." natatawang sabi ko sa kanya." Kaya ikaw sister, kung ayaw mong matulad sa akin ang lab layp mo, ngayon pa lang gumawa ka na ng paraan."

"Mahal ko nga siya, pero ako ba mahal pa rin niya?" malungkot na tanong niya. Wala akong maisip na isagot sa kanya kasi hindi ko nga naman alam ang nararamdaman ni Reylan, kung may nararamdaman pa nga ba ito sa kanya. 

"Kung alam mong wala ng pag-asa, edi mag-move on ka na. Huwag mong i-hold ang past mo kasi the more na kumakapit ka, the more na nahihirapan ka. Hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya. Isipin mo na lang na isang magandang panaginip ang perpektong pagmamahalan niyo dati. Sa buhay kasi walang permanente , lahat panandalian lamang." 

"Ganyan ba ang ginawa mo simula nang maghiwalay kayo ni Jonel? Kung ganun nga, saludo naa ko sa'yo. Ni minsan kasi hindi kita nakitang maalungkot at umiyak. Ni hindi ka man lang nagdamdam nung ipinagpalit ka niya kay Lory."sabi niya.

"Oo. Wala na akong ibang magawa kundi ang ituloy ang buhay ko. Sigurado hindi siya ang lalaking nakatakda para sa akin. " 

"Kung sa akin siguro nangyari 'yon, nagbigti na ako. " sabi niya at bumungisngis.

"Sira." natatawang sabi ko. "Okay ka na ba?"

"Oo naman. Matanong ko lang, Steffy." sabi niya at lumingon sa direksyon ko."Mahal mo pa ba si Jonel? O, minahal mo ba siya?"



***

Ako ay nagbalik. Hart hart. After 48 years nakapag-UD din si ako. 

NP: Burn



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon