CHAPTER 3
"ZAHRA AVERY MENDOZA!!!!!" Sigaw ng kaniyang ate.
Aishhhh ang aga aga. Nagising siya sa malakas na kalabog nang kaniyang pintuan. At syempre, sa Sigaw nang kaniyang ate. Napakatinis pa naman.
Dalawa lang sila ng ate niya sa bahay. Abroad ang mommy niya, at ang daddy niya ay, di niya alam. Wala siyang ideya.
"Bakit ate?"
Di siya sinagot ng kaniyang ate bagkus Ito ay umupo sakaniyang kama.
"Diretsuhin na kita. Kalat ka na ngayon sa Facebook bilang Scammer. Totoo ba ito?"
"Kind of."
"Haaaa???? Di Kita pinalaking ganyan. Ano nalang iisipin satin ng mga ka-work ko, ng mga kapitbahay. Ng mga friends natin. Naku naman Avery nagiisip ka pa ba?"
Nahiga sa kama si Avery at di napigilang umiyak. Ayaw sana niyang sabihin Ito sakaniyang ate dahil ayaw niyang madamay Ito sakaniyang problema.
Pero alam niya na. Iba talaga nagagawa ng social media.
Niyakap na lamang siya ng kaniyang ate.
"Sige na, sabihin mo na kung anong nangyari. Tayo rin lang naman magtutulungan sa huli." Pagcomfort sakaniya nang kaniyang ate.
Kahit umiiyak at humihikbi-hikbi pa. Pinilit niya Ang sarili na magsalita.
"Eh kasi ate di ko naman alam na ganun. Na Scammer pala yung pinagpapadalhan ko ng pera. Nung una okay naman e. Nakakakuha pa ako ng malalaking tubo."
"Oh tapos? Bat di mo nalang bayaran yung mga nag invest sayo? May savings ka naman sa bangko. I'm sure malaki yun."
"Eh ate hindi ko kaya."
"Sige tutulungan kita, magkano pa kulang?" Ate niya.
"1Million mahigit ang pera ko sa Bangko. At ang babayaran ko ay..."
"Ay?" Ate niya.
"Ay--- ay mahigit 9Million"
***
"Ate okay ka na ba?" Tanong niya sa kapatid nang magkaroon na ito ng Malay.
Nawalan ng Malay ang kaniyang kapatid matapos sabihin ang na-Scam sakaniya.
"Ha? Anong nangyari?" Tanong ng kaniyang ate.
"Nahimatay ka nung nalaman mong mahigit 9Million ang babayaran ko."
Akmang mahihimatay ulit ang ate niya nang binigyan niya Ito ng tubig. Ininom Ito ng ate niya.
"Ano ka ba namang bata ka. Kung ano ano kasi pinapasok mong negosyo!" Sermon sakaniya nang kaniyang ate.
Tahimik lamang siya. Ayaw niya nang sumabat dahil wala siyang laban rito. At alam niya sa sarili niyang siya naman talaga ang mali.
"Oh siya, madami pa akong gagawin. Maglunch time na oh. Wag mo masyadong i-stress sarili mo. Ako ang hahabulin kapag namatay ka." Pagbibiro nang kaniyang ate.
Tumango na lamang siya at tinitigan ang kaniyang ate na palabas sakaniyang kwarto.
Binuksan niya ang kaniyang FB Account... At totoo nga.
Gusto niyang sumikat. Pero Hindi sa ganitong paraan.
ZAHRA AVERY MENDOZA NANGSCAM NG 142 NA KATAO. ANG KANIYANG NINAKAW AY MAHIGIT 9 MILLION
Sabi sa isang post.
Ang sakit.
Binasa niya ang comments at Hindi makatao ang mga sinasabi nila.
Itinigil niya na ang pagbabasa at nagscroll...
Scroll
Scroll
ScrollSiya ang laman ng kaniyang Newsfeed...
Hanggang sa may nakita siyang Advertisement. Isang Dating App. May pumasok sakaniyang isip na isang paraan upang makabayad sa kaniyang mga downline.
Ang maghanap ng foreigner sa Dating App.
Installing...
Yieeee malapit na kaya sila magtagpo?
Please vote and support. Thank you
❣️❣️❣️❣️
BINABASA MO ANG
Daring Darling (COMPLETED)
Novela JuvenilThe story of Zahra Avery and Hari. Zahra Avery: I need something. Hari: I need someone. This is a work of fiction. All rights reserved. ~Hope you'll like it. ~If you like it, then please vote and support my story. This story will give you an inspira...