CHAPTER 32

5 3 0
                                        

CHAPTER 32

"Oh bat ang bilis mo naligo? Wala pa atang isang minuto?"

"Wala." Hari. Sabay harap sa'kin.

Pulang pula ang kaniyang mukha.

"Halla may sakit ka ba?"

Hinawakan ko ang noo niya. Hindi naman mainit...

"Masama ba pakiramdam mo?"

Medyo nag-aalala na'ko sakaniya.

"Nai-ready mo na ba mga gamit mo? Magready ka na." Hari.

SUPLADO!

***
9 PM

"Hari, binigyan mo'ko sasakyan pero di ko naman alam magdrive."

"Buti naman, para mailayo ka sa disgrasya." Sabi niya habang busy kadudutdot sa Cellphone niya.

"I mean turuan mo'ko."

"Ayoko."

"Edi Hindi ko magagamit yung binigay mo! Isasauli ko na."

"I'm your husband. Ipagd-drive Kita."

"Duh. We're just pretending."

"Tss oo na. Halika na tuturuan na kita. Mas magandang sa gabi ka mag-aral para wala masyadong madaming sasakyan sa daan."

Pumunta na kami. I'm so excited!!!

Ngunit kalaunan ay nagsisi rin ako...

***
10PM

"Sorry Hari di ko naman sinasadyang mabangga yung isang sasakyan sa Parking Lot."

Nandito na ulit kami sa kwarto dito sa Hotel. Tumigil na kami dahil nabangga ko yung isang sasakyan na naka-park sa Parking Lot.

"It's okay."

Nagsisisi talaga ako. Hindi namin alam kung kaninong sasakyan yun.

"It's okay. Sinabi ko na sa Manager ng Hotel at nagbigay narin ako ng pera. Sila na magbibigay sa owner ng sasakyan na nabangga mo." Hari

Naiiyak ako sa katangahan ko...

"Wag ka na malungkot. Okay naman na e."  Hari

"Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita."

Ito na lamang magagawa ko para makabawi.

"Talaga?" Napatitig siya sa'kin.

Weirdo.

"Oo nga."

"Gusto ko. Tapos doon tayo sa Veranda."

Pumunta na ako sa Kitchen at naghanap ng Instant Coffee. Ang galing nga e, may stock sila dito. Bilib ako sa mga Hotel dito sa India hehe.

Nagpainit na ako ng tubig at nung uminit na ito ay itinimpla ko na ito sa kape.

Pumunta na ako sa Veranda dala ang 2 Cups of Coffee.

"Thank youu. Can we talk?" Hari.

"Yeah. Ako muna magtatanong."

Curious ako eh...

"Nandoon kanina si Binita kasama namin. Di mo man lang pinansin. Feeling ko nagtatampo na yun sayo. Bakit kasi di mo pinansin?"

"Ano namang sasabihin ko?" Hari

"Luh. Kala ko ba liligawan mo siya? Bakit ganyan ka?"

"Ewan. Wala na sa Plano kong ligawan siya." Hari

"Halla. Ang tanda mo na. Eh paano ka? Tatanda kang binata? Isipin mo nalang ah, paano kung tumanda ka? Sinong mag-aalaga sa'yo? Kailangan mo magkaroon ng sariling pamilya Kasi iba parin yung feeling."

"Anong feeling?"

"Syempre, pamilya mo, kahit di ka tanggap ng buong mundo, may uuwian kang pamilya na magpapainit sa malamig mong puso. May pamilya ka na tanggap ka kung sino ka man. Sila lang masasandalan mo sa oras na magka-problema ka."

"Darling, tanggap mo ba kung sino ako?"

Weird ng taong 'to.

"Syempre naman. Medyo matagal narin tayong magkasama. Nakita ko na mga best at worst mo. Kung hindi, edi sana tinakbuhan na kita. Hahaha."

"Darling paano kung nagkagusto ako sa'yo?" Hari

"Pshhh. Di 'yon mangyayari. Di mo nga alam meaning ng Love eh HAHAHA."

Pagkatingin ko sakaniya ay bigla siyang umiwas ng tingin sa'kin.

Weirdooooo.

"Alam kong hindi maiiwasan na magkagusto ka sa'kin sa ganda kong 'to! Hahaha." Pagbibiro ko. Dahil nabibingi na ako sa katahimikan.

"Tama ka. Siguro imposible iyon. Pandak ka eh! Yung tipo ko, yung matatangkad! Kagaya ni Binita!" Hari

Bumalik na ang sigla niya. Buti naman. Kinakabahan na ako sa katahimikan niya kanina eh.

"Di rin kita tipo. Gusto ko mabait gaya ni Kiaan. Hahaha.---"

"Anong pinagsasasabi niyo?"

May biglang nagsalita sa likod namin.

Humarap ako sa likod and...

It's Kiaan.

Maski si Hari ay nagulat.

What to do?

Mas lalo akong kinabahan.

Good morning to all!

Please vote and support. Thanks pooo

Daring Darling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon