CHAPTER 33
"Kanina ka pa nanjan?"
"Kararating lang. At narinig kong gusto daw ako ni Ave." Kiaan
"Tss. Pinagseselos niya lang ako. Alam naman nating tatlo dito na ako lang Mahal ni Darling. Di'ba my Darling?"
"Ah--- yeah. Yeah. That's right." Darling
"Oh. Okay. By the way, nasira yung sasakyan ko, may bumangga ata. Uuwi na kami bukas at Wala kaming magamit na sasakyan ni Binita. Pwede ba kaming sumabay sa inyo?"
Tinignan ko si Darling at binigyan ko siya ng look na "WAG MONG SASABIHIN"
Yep. Siya ang nakabangga sa sasakyan ni Kiaan.
And I know that it's his favorite car. Limited Edition ang sasakyan na yun kaya Darling, kung ayaw mong mapahamak, wag kang magsalita.
"Yeah. You can use my car."
"Thanks bro. Anong sasakyan n'yo ni Ave?"
"Wag mo nga siyang tawaging Ave, nakakairita. Dalawa sasakyan namin, gamitin niyo na yung isa, umalis ka na nga dito, nangiistorbo ka e."
Nag-wave pa ng kamay si Kiaan kay Darling bago umalis.
"Keet"
"Hoy kung ano ano nanaman sinasabi mo jan. Pustahan, mura yung sinabi mo." Darling.
"Eh ano naman? Ubos mo na ba kape mo? Pasok na tayo."
***
11PM
"Hari tabi na tayo."
"Talaga?"
Bigla akong nasiyahan, pero wait... Di niya pwedeng mahalata. Baka kung ano isipin Niya. Sabihin niya pang may gusto ako sakaniya.
Gusto ko humiga sa kama dahil pagod na akong sa sofa nalang lagi. Di ako kumportable doon, Tama.
Pumunta na ako sa kama saka humiga.
Pinatay niya na ang mga ilaw maliban sa Lamp na Dimlight lang. Humarap na ako sa Right dahil nasa left ko si Darling.
Ilang oras na ang nakalipas ay di parin ako makatulog. Tulog na kaya 'tong babaeng katabi ko?
Di ako kumportable hays. Mas sanay ko ang patagilid sa left na higa hays.
Humarap na ako sa left kung nasaan si Darling. At napatigil ako sa nakita ko.
Malapit na ang mukha niya sa akin.
Bigla kong naalala yung kiss namin nung kasal...
Naalala ko rin yung ngiti sakaniyang mga labi nung Pini-Paint ko siya...
Naalala ko yung mukha niya kapag naaasar.... Ang cute...
So far... Maliban kay Mom... Siya palang ang pinakamagandang babae na nakilala ko.
Napatitig ako sakaniyang labi. Pwede ko ba itong halikan? Kahit isang segundo lang?
Palapit na sana ang mukha ko sakaniya nang biglang may dumagan sa ulo ko.
Ang sakit! Parang bakal!
Pagtingin ko kung ano yun ay braso niya pala. Hays.
Bigla akong nagising sa katotohanan. Ano ba 'tong naiisip ko... Kailangan ko nang matulog.
Kailangan ko nang gamitin ang special technique ko para makatulog.
Isipin ang salitang Don't Think ng Sampung Beses.
DON'T THINK
DON'T THINK
DON'T THINK
DON'T THINK
DON'T THINK
DON'T THINK
DON'T THINK
DON'T THIN---***
7AM
Feeling ko di ako nakatulog. Ang sakit ng ulo ko.
"Good morning." Darling.
Ang aga aga Cellphone agad inaatupag. Tsk.
"Good morning din."
"Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Mas gusto ko pa sa Sofa."
"Uy wait... May ipapakilala ako sa'yo. Kailan kaya tayo makauwi ng Pilipinas?"
"Sino naman 'yan?"
"Friend ko, maganda siya. Tutal ayaw mo naman na kay Binita, edi ipapakilala kita sa bago."
"Tss. Liligawan ko nga si Binita."
"Hay nako sira*lo ka. Di mo nga siya pinansin kahapon e. Wala kang pakealam sakaniya. Alam kong wala ka nang feelings sakaniya."
Weh? Ganun ba yun?
Tinignan ko si Darling, nakaligo na siya. Suot niya ang dress na bigay sakaniya ni Mom.
"So sinong gusto ko na ngayon?"
Wala sa sariling tanong ko.
"Aba malay ko sa'yo." Darling
Bakit ang ganda ngayon ni Darling?
"Hoy tigilan mo nga yang kaka-titig mo sa'kin. You're making me uncomfortable " Darling
"You're beautiful."
"I think I like you..."
Napatigil siya sa ginagawa niya...
What did I just said?
Good morning to all!!!
Please vote and support. Thanks poooo

BINABASA MO ANG
Daring Darling (COMPLETED)
Teen FictionThe story of Zahra Avery and Hari. Zahra Avery: I need something. Hari: I need someone. This is a work of fiction. All rights reserved. ~Hope you'll like it. ~If you like it, then please vote and support my story. This story will give you an inspira...