CHAPTER 27

4 4 0
                                    

CHAPTER 27

Nandito kami ngayon sa tabi ng dagat. Nagmumuni-muni. Umalis na lahat ng bisita at kami lamang ang natira dahil honeymoon daw namin. Haysss.

"Oh..." Pagtingin ko kay Darling ay may inaabot siya sa akin na Beer.

"San mo nakuha 'to?"

"Binigay nung Owner nitong Resort. Regalo daw sa'tin." Darling.

Ha? Di ko man lang napansin na may pumuntang ibang Tao dito sa spot namin. Di kasi ako mapakali kakaisip sa sinabi ni Mom kanina.

"Okay lang yun. Madami pang mas better." Darling.

"Ha? Anong sinasabi mo? Sinabi din ba sa'yo ni Mom?"

"Ha? Eh alam ng buong bisita." Darling

WHAT!!!????

Pinapapili kasi ako ni Mom kung hihiwalayan ko si Darling o... aanakan ko...

Di daw kasi makita ni Mom yung pagmamahal ko kay Darling kaya kini-kuwestiyon niya iyon.

Syempre, doon ako sa hihiwalayan siya. Yun naman ang Plano namin simula umpisa.

Pero... Bat naman yun sasabihin ni Mom sa lahat ng bisita? Nakapagtataka.

"Ano pa sinabi niya sa inyo?"

"Ha? Eh nandoon ka rin kanina. Sabi na nga kanina ka pa lutang eh. Wag mo masyadong isipin yun hehe. Sasamahan kita humanap ng bago." Darling

"Liligawan ko si Binita."

"Hoy makiki-Love Triangle ka? Masama yan." Darling

"Ano bang sinasabi mo?"

Kinuha ko ang Beer at uminom sa bote.

"Hindi ka ba nakikinig kanina? Engage na si Kiaan at Binita. Tapos kanina kinuha ni Uncle mo yung flowers ko at ibinigay kay Binita. Meaning malapit na sila ikasal." Darling.

Napatigil ako at napatitig sakaniya...

Sasabog na ata ang utak ko kaiisip....

Una, yung hiwalayan o anakan, ngayon engage ng First Love at Pinsan ko...

"Darling... If ever na mangyari, gusto mo ba akong maging Asawa? Yung walang halong pagpapanggap?"

"Ha? Bat mo naitanong? Hehe, di ko alam eh... Depende. Gwapo ka naman, matangkad, mayaman, pero... Di ka mabait." Darling

Kinatusan ko siya. Tss.

"Oh tignan mo nangkakatos ka pa. Sama mo talaga." Darling.

"Atleast totoo ako sa'yo. Bat ano bang definition mo ng mabait? Kiaan? Kiaan? Babaero yun!"

Inirapan lang niya ako at uminom narin siya ng Beer.

Pero seryoso... Ano na ang gagawin ko? Hiwalayan si Darling at agawin si Binita?

Pero pano ko maaagaw si Binita?

"Hari maganda ba ako?" Darling.

Tumingin ako sakaniya. OO MAGANDA KA SA PANINGIN KO!

"Okay na."

"Hoy ang sama mo. Hahahaha." Darling. Pero yung tawa niya, Hindi natural eh, pilit lang. Na-offend ko ba siya?

Sinabihan niya ako ng hindi mabait edi quits na.

Pero paano nga yung kay Binitaaaa.
Isip... isip... isip...

THAT'S IT!
May naisip akong ideya!

Paano kaya kung si Kiaan at Darling nalang tapos kami ni Binita.

Diba gusto ni Kiaan si Darling? Hehehe at gusto din ni Darling si Kiaan. Hahaha!

"Hari alam mo ba... Nung una kitang nakilala, nagustuhan na kit---"

"Darling may bago kang trabaho."

"Ah... Eh... Ano yun? Hehe."

"Akitin mo si Kiaan."

Okay na sana eh... Okay na sana ang lahat... Nang bigla niya akong sinampal.

"Hoy ano bang nangyayari sa'yo? Paagal!"

Nagwalk-out lamang siya. Bakit? Anong ?mali sa sinabi ko?

Hahabulin ko na sana siya nang bigla akong nahilo at natumba. 

Aray ko, ang sakit sa ulo.

"Hari... Hari! Okay ka lang?"

"Ha? Diba ang layo mo na? Bat ka bumalik? Diba hahabulin kita?"

"Hays lasing ka na."

"Ang baba ng tolerance mo sa alak." Dagdag pa niya.

Nahihilo ako. Gusto ko na matulog...

Please vote and support! Thanks po!!!

Daring Darling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon