CHAPTER 35

5 3 1
                                    

CHAPTER 35

Nakapagdesisyon na ako. Hindi ko na kayang pakawalan ang babaeng 'to.

Ang napakasaya niyang mukha ay napalitan nang napakaseryoso. Ito ang pinakaseryosong reaksyon na nakita ko sa mukha niya. At nakakatakot ito...

"Darling I didn't mean to---"

"Yes."

"What?"

"Yes, we can start a relationship... For real."

Hindi ko alam pero... NAPAKASAYA KO!

Mas hinigpitan ko ang yakap sakaniya saka kami umikot ikot habang karga ko siya. Hahaha!

Ang saya ko! Tagal na panahon narin bago ko naramdaman ang kasiyahan na ito.

Tama nga si Mom...

I found love by looking at my gorgeous wife.

Oo nga no... Asawa ko na siya... Teka...

"Darling... Hindi ba mag-asawa na tayo?"

"Hoy abusado ka. Gusto lang kita pero di pa ganun kalalim pagkagusto ko sa'yo." Darling.

Ahhh okayy.

Ah Basta masaya ako dahil Girlfriend ko na siya for real!

"Maligo ka na, ako na tatapos magpaligo kay Zahri."

Tumango lamang siya.

ANG SAYA KO!!! After niya makaalis ay nagtatatalon ako. Hahaha!

"What are you doing?"

Tumingin ako kung sino nagsalita. It's Kiaan. Tsk.

"None of your business."

"Thanks." Kiaan. Sabay bato niya sa'kin ng Susi.

It's my Car Key.

***
7PM

Tahimik buong maghapon si Darling...

May nagawa ba akong mali?

Di'ba dapat kapag magkasama yung magkasintahan, masaya?

"Darling... Date tayo bukas gusto mo?"

"Sige." Darling.

Hays... Gulong-gulo na utak ko.

"Darling bat ka ganyan? Nagsisisi ka bang naging boyfriend mo ako?"

Tinitigan niya ako... Ang seryoso ng mukha niya nakakatakot talagaaaa.

"Sorry."

Haaa????? So nagsisisi talaga siya?

Nag-iwas na ako ng tingin dahil feeling ko ay tutulo na ang luha ko anytime. Ang bakla haysss.

"Sorry Hari... Kinakabahan kasi ako. Nagiging speechless ako." Darling.

Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.

Dali-dali ko siyang niyakap.  Okay lang naman na umiyak ako dahil nasa kwarto kami, walang makakakitang iba.

"OMG sorry Hari..." Darling

"Akala ko pinagsisisihan mong naging boyfriend mo'ko... Wag ka mag-alala tears of joy ito."

Ramdam kong niyakap niya ako pabalik. One of the best feeling ever!

"Darling sa'yo lang ako naging ganito. Ano bang ginawa mo sa'kin?"

"Nagtrabaho? Hahaha." Darling

"Wag ka nang umuwi ng Pilipinas please."

"Hindi pwede... May mamamanhikan. Kailangan niya ako." Darling

"Sama ako?"

"Nope. You have to stay here. Babalik nalang ako after niya ikasal... By the way,  ngayon lang kita nakitang umiyak hahaha." Darling

"Eh sobra nga akong nalungkot, hindi ko napigilang umiyak. Ikaw kasi hindi ka namamansin."

Tumawa lamang siya.

May na-realize nanaman ako ngayong araw...

Napakagaan sa kalooban kung nakangiti ang taong gusto mo, ngunit sakabilang banda, nakakatakot siya kung seryoso o galit ang mood. Huhu.

Niyakap ko siya saka pumikit...

***

"Hari wake up..."

Natigil ang maganda kong panaginip. Sayang magki-kiss na sana kami ni Darling sa panaginip ko...

"Why my Lovely Darling?" Pa-Goodshot tayo.

"Ngayon ang unang araw mo sa trabaho kasama ang Dad mo."

SHOCKS OO NGA!

Tinignan ko kung anong oras na.

It's 6AM in the morning.

"Salamat sa paggising sa'kin Baby Darling. Pwede ba kita i-kiss?"

Nahihiya man ako pero... HAHAHA matagal ko nang gustong mangyari 'to.

Bigla niya akong hinalikan sa labi, ngunit mabilis lamang.

"Thank you! Babaunin ko yun hanggang pag-uwi ko dito hehe."

Ang saya saya ko! Hinalikan niya ako ulit at ngayon ang unang araw ko sa trabaho sa Company namin.

One of the best feeling ever!


Good morning to all!!

Please vote and support. Thanks pooo❣️

Daring Darling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon