Jennifer's POV
Maaga na naman akong nagising. Nasanay na talaga akong gumising ng maaga. Naging maayos naman ang tulog ko sa kabila ng paulit-ulit na pagsagi sa isip ko ng nangyari sa amin ni Liam kagabi.
Naghilamos lang ako at lumabas na ng kwarto para maghanda ng almusal namin ni Liam.
Pagkalabas ko ng kwarto ay may naamoy na ako mula sa kusina. Amoy ng nilulutong pagkain.
May nagluluto?
Gising na si Liam?
Ang aga naman yata....
Papasok na ako ng kusina nang may biglang lumabas na matandang babae mula dito.
"Ay! Santisima!" sabi ng matanda sabay 'sign of the cross'
"Pasensya na po kayo ma'am. Hindi ko po kasi inaasahan na may bisita pala si sir." sabi ng matanda habang hinihimas-himas ang dibdib.
"Okay lang po nanay... Sorry po, nagulat ko kayo." nakangiti kong sabi.
"Ay naku ma'am... Wala po 'yon, nagulat lang po talaga ako kasi hindi ko inaasahan na may bisita si sir. Ngayon lang nangyari na may ibang tao siyang pinapasok dito. Ako po pala si Lita." sabi ng matanda.
"Gano'n po ba?.... Ako po si Jenny, kinagagalak ko po kayong makilala nanay Lita. Kumusta po ang bagay na inaasikaso niyo po?" nakangiti kong sabi sabay lahad ng kamay ko. Inabot naman ni nanay Lita ang kamay niya sa akin.
"Kinagagalak ko din kayong makilala ma'am. Naayos ko naman po ang problema sa amin ma'am... Ang bait nyo po. Masaya ako at ikaw ang naging girlfriend ni sir." sabi ni nanay Lita at ngumiti pa.
"Po? Girlfriend po? Naku, hindi po nay... Hindi po ako girlfriend ni Liam. Personal Assistant niya po ako." natatawa kong sabi.
"Ay! Gano'n po ba? Pasensya na po kayo ma'am. Akala ko lang po kasi... Ngayon lang po nangyari na may pinapasok si sir dito na iba kaya akala ko girlfriend ka niya. Sorry po talaga ma'am." Seryosong sabi ni nanay Lita.
"Hahaha! Okay lang po nanay.... Tulungan ko na po kayo sa pagluluto?" natatawa kong sabi.
"Wag na po ma'am.... Kaya ko na po." sagot naman ni Nanay Lita.
"Ahhm... Sige po, magjajogging na lang po muna ako nay." sabi ko