Chapter 8

107 0 0
                                    

Jennifer's POV

       Hindi ko na kinibo si Liam mula ng umalis kami sa office niya hanggang sa dumating kami dito sa unit niya.

       Nakakainis lang......

       Anong akala ni Liam sa akin? Bata?

       Na walang kwenta at hindi importante ang mga binili ko?

       At isa pa, madami na ba 'yon?

       Eh limang grocery bags lang naman 'yon...

       Mga ingredients sa pagluluto like condiments, vegetables, meat, beef at iba pang frozen foods.

       Hindi pa ba siya nakakapaggrocery?

       Haaay!....

       Bahala na nga siya.

       Mabuti pa ay magluluto na lang ako ng dinner namin.

       Pumunta na ako ng kitchen, si Liam naman ay pumasok sa kwarto niya.

       Nagsisimula na akong magprepare ng mga kakailanganin ko sa pagluluto ng beef stew.

       Nang maihanda ko na lahat ay sinimulan ko ng mag sauté at pagkatapos ay simmer until lumambot ang beef.

       Habang hinihintay ko na lumambot ang beef ay nagprepare din ako para sa gagawin kong vegetable salad.

       Nang matapos ko na ang paggawa ng vegetable salad ay tinignan ko ang nakasimmer at nang malambot na ang beef ay nilagay ko na ang mga natirang gulay at tinakpan muli.

       Hinanda ko na ang mesa.

       Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ni Liam.

       Nang nasa may pinto na ako ay hindi ko magawang kumatok.

       Baka galit pa kasi siya.

       Hindi ko din kasi alam kung anong gagawin ko o sasabihin ko.

       Noon kasi kapag magkagalit kami o magkatampuhan ay siya lagi ang gumagawa ng paraan para magkabati kami.

       Ngayon?....

       Ewan ko. Ang dami na kasing nagbago sa kanya.

       Mga ilang sandali pa ay kumatok na rin ako.

       Tok! Tok! Tok!

       Walang sumasagot?

       Ulitin ko nga.......

       Tok! Tok! Tok!

       Wala pa ring sagot.

       Pinihit ko na pabukas ang doorknob.

       Sumilip ako.

       Wala akong Liam na nakikita.

       Pumasok na lang ako ng tuluyan.

       At ayon!

       Nakita ko si Liam na nakahiga sa kama patalikod sa akin.

       At! Tulog?

       Nilapitan ko siya at tulog nga....

       Gigisingin ko ba?

       Kawawa naman. Mukhang pagod yata...

       Bahala na. Gigisingin ko siya.

       Tutulog-tulog na walang laman ang tiyan...

Revenge of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon