Jennifer's POV
Gaya ng nakagawian ko ay maaga akong nagising.
Instead na magjog ay nagstretching lang ako. Hindi pa kasi ako nakapagpaalam kay Liam na magjajog ako every morning.
Pagkatapos ng aking 15 minutes stretching ay naghanda na ako ng breakfast namin ni Liam. Nagsaing ako pagkatapos ay tinignan ko kung ano ang pwede kong lutuin. Nakakita naman ako ng ham, bacon and egg kaya 'yon na lang ang niluto ko. Nagtoast din ako ng tinapay baka kasi gusto ni Liam.
Nagtataka kayo kung bakit ako nagluluto ng almusal kung may tagaluto naman si Liam?
Kasi......
Nabasa ko lang naman kagabi no'ng uminom ako ng tubing ang note na nakadikit sa refrigerator na may emergency na pupuntahan sa probinsya ang tagaluto niya.
Kaya heto ako ngayon, tagaluto ang peg eh.
Pero okay lang, sanay na akong magluto. Simula kasi no'ng magcollege ako ay sa London na ako tumira mag-isa. This week lang ako nakauwi kung hindi ko pa nalaman ang problema namin, siguro nando'n pa ako ngayon.
Salamat talaga sa Mommy ko at tinuruan niya akong magluto kung hindi, baka nangayayat na ako sa kakakain ng mga instant foods.
Nang matapos na akong magluto ay nagtungo na ako sa kwarto para maligo at mag-ayos ng sarili para sa pagpasok ng opisina bilang personal assistant, personal maid, personal alalay at iba pang mga salitang may personal. 😜😜
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na ako para ihanda na ang mesa. Sakto namang natapos ako hang lumabas si Liam.
"Good morning. Upo ka na." sabi ko sa kanya.
"Nakaready na ah... Manang, ang kape ko po." sabi ni Liam. Hindi pa niya pala alam na wala ang tagaluto niya.
"Ako na. Wala si manang dito. May note siya oh." sabi ko sabay abot no'ng note na nakadikit sa ref. Binasa naman niya.
"Is it black or with cream?" dagdag ko
"Kaya pala... I want it black every morning." siya na tumango tango pa nang matapos mabasa ang note.
Kumuha na ako ng kape, umupo at nagsimula ng kumain. Habang kumain ay wala kaming imikan hanggang sa matapos kami.
Galit galit din minsan basta nasa harap ng pagkain.
Pagkatapos kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan namin. Hinugasan ko lahat pati na ang mga ginamit ko sa pagluluto wala pa naman si Liam bumalik pa sa kwarto niya. Baka may nakalimutan.
Umupo na ako sa couch ng matapos akong maghugas. Maya-maya ay bumaba na rin si Liam. May dala siyang briefcase.
"Tara na, marami pa akong gagawin sa office." sabi ni Liam, sumunod naman ako.
Gaya ng kagabi ay binati na naman siya ng mga empleyado ng condominium with matching yuko pa talaga.
Parang Korean lang ang peg nila?
Nang makapasok na kami sa kotse niya ay hindi na talaga ako nakatiis.
"Ahm, Liam... Gano'n ba talaga ang mga empleyado ng condominium na 'yon? Ang galang naman at kailangan pa talaga ng yumuyuko 'pag bumabati?" eh kating-kati na ang dila ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/30188919-288-k688835.jpg)