Chapter 4

121 2 0
                                    

Jennifer's POV

Nandito na ako sa labas ng bahay namin. Nakapark na ang kotse ko nang mapansin kong nasa labas pa ng gate ang kotse ni Liam. Ano na kaya ang drama ng isang 'to. Naglakad na ako palapit sa kotse nya. Binuksan naman niya ang bintana.

"Dito na lang kita hihintayin. Magpaalam ka na sa magulang mo. At kung pwede bilisan mo. Ayaw ko ng pinaghihintay." naku, umandar na naman ang pagkasungit nito. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at hinila ko siya palabas.

"What do you think your doing lady?" sungit talaga.

"Pumasok ka muna. Kilala ka naman ni mommy kaya 'wag ka ng mag-inarte jan. Sungit sungit mo, tatanda ka agad niyan." sabi ko.

"So, nasusungitan ka sa akin? Eh di uuwi nalang ako kalimutan mo na lang ang pagsalba sa kompanya nyo." sya

"Tignan mo 'to. It's not what I mean. 'Wag na kasing magsungit..... Sorry na okay? Dali pasok na tayo." ako at hinila ko na siya ng tuluyan. Hindi na siya umimik pa.

Nang makapasok na kami ay sinalubong agad kami ni mommy na napatingin naman sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Liam. Bumitaw na ako kay Liam at lumapit kay mommy sabay halik sa pisngi.

"Good evening mom. Si Liam pala, remember him?" ako

"Oo naman anak. Natatandaan ko siya... Good evening iho, kumusta na?" sabi ni mommy sabay beso kay Liam

"Ahm, okay naman po Mrs. Pineda. Kayo po?" nakangiting sabi ni Liam.

"Okay naman ako iho kahit may mga problemang iniisip. By the way, sabi ko naman sa'yo no'n diba na tita na ang itawag mo sa akin." sabi ni mommy na kunwari'y nagtatampo.

"I'm sorry po tita. Matagal na po kasi tayong hindi nagkita." si Liam

"Okay lang iho. Pero kahit matagal na tayong hindi nagkita ay gano'n ka pa rin. Hindi na nagbago, magalang ka pa rin." nakangiting sabi ni mommy.

"Salamat po. Kayo din po hindi nagbago. Palangiti pa rin po kayo." si Liam

"O siya, do'n na tayo sa hapagkainan magpatuloy sa pagkukwentuhan. Tamang tama ang pagdating niyo at may nakahain na." mommy

Revenge of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon