Chapter 1

262 2 0
                                    

Liam's POV

"Liam, apo... Bakit hindi ka muna magbakasyon? Magrelax ka na muna." sabi ni lolo. Nandito kami ngayon sa office ko.

"Lo, hindi ko na kailangan pang magbakasyon. Nakakapagrelax naman ako kahit nandito lang ako." sagot ko sa kanya.

"Iba naman kasi kung magbabakasyon ka. Wala kang iisiping trabaho. At isa pa, baka maaga kang tumanda kung ganyan ka kaworkaholic." Gano'n? 26 pa naman ako eh. Si lolo talaga...

Hirap naman nito. Hindi ako makahindi 'pag si lolo na ang magsasabi. Siya na lang kasi ang itinuturing kong pamilya. At malaki ang utang na loob ko sa kanya. Siya kasi ang umampon sa akin. Binibigay niya ang lahat sa akin at pinag-aral niya rin ako.

Hindi ko makalimutan kung paano kami unang nagkita.

Nakahandusay siya no'n sa gilid ng daan at walang malay. Madali naman akong nakahingi ng tulong at nadala siya agad sa ospital. At nang magkamalay siya ay hindi na niya ako pinapaalis sa tabi niya. Mula noon ay itinuring na niya akong parang isang tunay na apo.

"Hey! Liam you're idling. Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni lolo.

"I'm sorry lo. May naisip lang ako. About naman doon sa sinabi mong magbakasyon ako, I'll settle everything first before I leave. Okay?" sabi ko

"Good to hear... By the way, nabalitaan mo na ba? Tagilid na raw ang kompanyang pag-aari ng mga Pineda. May mga properties din silang binibenta at ang iba ay nakasangla sa bangko." si lolo

Pineda? Wala naman akong ibang kilala na Pineda na nagmamay-ari ng kompanya.

Sila lang.

Ang buhay mga naman.

Bilog talaga ang mundo.

"Oh? Bakit daw lo? Paano nangyari 'yon?" ako

"Ang narinig ko, may malaking halaga daw na nawawala. Hindi pa alam kung nasaan at kung sino ang kumuha. Mula kasi nang mabaldado ang matandang Pineda ay ang anak na nito ang namamahala. At nitong nakaraang buwan ay inatake naman sa puso ang anak kaya ipinagkatiwala nila sa isang kaibigan ang pamamahala." mahabang sabi ni lolo

"Diba lo may apo naman 'yong matanda?" ako

"Ang alam ko, nasa ibang bansa siya ngayon. At isa pa, walang alam 'yon sa pagnenegosyo." lolo

Oo nga naman...

Ano ba ang alam ng isang modelo at actress.

"Salamat sa information lo. Titignan ko kung ano ang magagawa ko." sabi ko


Panahon na.

Panahon na para isakatuparan ko ang aking paghihiganti.


Jennifer's POV

"What? How come? Why they didn't tell me?" gulat kong tanong sa kausap ko sa phone.

"Okay Mitch. Thanks so much. I'll be coming back there as soon as possible. Bye." ako

Bakit hindi ipinaalam ni mommy sa akin 'to? Bakit niya inilihim sa akin ang mga nangyayari?

Bakit?

Kung hindi pa umuwi ng Pilipinas ang bestfriend ko na si Mitch, hindi ko pa malalaman ang lahat.

Ang daddy ko inatake sa puso at last month pa 'yon pero hindi man lang sinabi sa akin ni mommy. Kaya pala tuwing tumatawag ako, ang sabi niya sa akin laging busy si dad.

No'n ngang malaman ko ang kondisyon ni lolo ay umuwi agad ako. Bakit ngayon hindi sinabi? Ayaw na ba nila akong umuwi?

At may isa pa palang problema....

Ang kompanyang pinaghirapan ni lolo at daddy baka mawala sa amin.

Ayaw kong mangyari 'yon.

Gagawa ako ng paraan para masalba ang kompanya.

Ngayon din ay babalik ako ng Pilipinas.

***********************************

AN: Sana po may magbasa nito.

Ang sitwasyon po ng mga main character nito ay base po sa totoong pangyayari. May dinagdag lang po ako ng konti.

Sana po magustuhan niyo.

God bless po sa lahat.

Revenge of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon