Chapter 12

124 0 1
                                    

Liam's POV

       Pinacancel ko na lang ang meeting ko pa sana. Hindi kasi ako mapakali sa narinig ko mula pa kaninang umaga.

       Iiwan kaya ako ni Jen?

       Para mawala ang sobrang pag-iisip ko, niyaya ko na lang si Jen na kumain sa labas. At dito ko siya dinala sa restaurant na pag-aari namin ng kaibigan ko.

       Nasa mataas na bahagi ang kinatatayuan ng restaurant. Makikita  ang mga naglalakihang gusali at ang dagat sa ibaba. May man-made forest malapit sa restaurant. May mga nakatanim din na mga bulaklak na pinamamahayan ng iba't-ibang uri ng paru-paro. Relaxing talagang tingnan ang paligid.

       "Wow! Ang ganda talaga dito."

       Nakakatuwang tignan si Jen. Manghang-mangha siya sa tanawing nakikita. Nilibot pa niya ang paligid. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

       "Long time no see bro! Kumusta?" sabi ni Jake, kaibigan ko at isa din sa may-ari nitong restaurant. Napalingon naman si Jen sa direksyon namin. "At for the first time may kasama kang babae. Ito na ba?" bulong niya sa akin ng makalapit.

       "Sira! Hahahah!" sabi ko sabay batok sa kanya. "Jen si Jake kaibigan ko, isa sa may-ari nitong restaurant."

       "Hi Jake! Nice meeting you." sabi ni Jen at ngumiti kay Jake

       "Jen? As in Jennifer Pine?...." at tinignan si Jen na parang sinusuri talaga. "Ikaw nga!" pasigaw na sabi ni Jake

       "Ano ba bro, hinaan mo naman ang boses mo." sabi ko sa kanya, baka may makarinig pa

       "Pasensya na bro, nagulat lang ako. Akala ko kasi kahawig lang..." sabi ni Jake na kay Jen nakatingin

       "Liam... Okay lang." nakangiting sabi ni Jen

       "Mabuti pa pumasok na tayo, nagugutom na ako." sabi ko sabay hila ng kamay ni Jen. Iba naman kasi ang mga titig ni Jake kay Jen, parang hinuhubaran na niya. Sabagay, kilala si Jake bilang playboy.

       "Good morning sir Liam, good morning ma'am." bati sa amin ng security guard na siyang nagbukas ng pinto. Tumango lang ako at si Jen naman ay ngumiti sa kanya.

       "Bakit ka kilala ng guard? At first name talaga? Madalas ka ba dito?" tanong ni Jen sa akin

       "Hindi ba nasabi ni Liam sa'yo na isa siya sa may-ari nitong restaurant?" singit naman ni Jake, kahit kailan talaga ang isang 'to.... Magtatanong ka ba kung alam mo na? Si Jen naman ay tumingin sa akin ng 'nagtatanong look'

       "Mamaya na ang maraming tanong Jen. Gutom na ako." sabi ko sa kanya, tumango naman siya sa akin at ngumiti.

Revenge of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon