Liam's POV
"Hey! Akala ko ba sa bahay niyo ako titira? Bakit nandito tayo?" nagtatakang sabi ni Jen. Nagpark kasi ako sa carpark ng isang condominium.
Teka?
Sinabi ko bang sa bahay namin kami titira? Hindi ko yata maalala.
"Pwede ba Jen, hinaan mo naman ang boses mo. Ang lapit lapit ko lang naman sa'yo. At hindi ko sinabing sa bahay namin tayo titira, okay? Baba na." naiinis kong sabi. Nakakainis talaga. Kailangan pa talagang sumigaw? Ayaw na ayaw ko pa naman na pinagtataasan ako ng boses.
"Hindi ako bababa!" nakasigaw niyang sabi.
Nasabi ko na bang ayaw ko ng sinisigawan?
"Ano ba Jen! 'Wag ka na ngang isip bata jan. At anong pinagkaiba kung dito tayo titira at hindi sa bahay? Kung gusto mong dito tumira sa carpark, bahala ka." sabi ko at lumabas na ng kotse. Naglakad na ako papunta sa entrance ng condominium.
Iiwan ko siya jan.
Bahala siya.
Nakakainis na.
Akala ko ba ako ang magpapahirap sa kanya?
Bakit parang ako pa ang mahihirapan sa kanya?
"Wait!" sigaw niya. Hindi ko nga pinansin.
"Liam! Ano ba! Hintayin mo naman ako." siya pero hindi ko pa rin siya nililingon.
"Sorry na... 'Wag ka nang magalit oh... Please?...." nagsusumamo niyang sabi.
Tumigil na ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Naglakad palapit sa kanya.
Sa tuwing ginagamit na niya ang salitang please at sorry idagdag pa ang ekspresyon ng mukha niya na nagpapaawa ay hindi ko siya matitiis.
"Okay. Akin na yan, ako na ang magdadala. At kung pwede, 'wag mo na akong sinisigawan. Ayaw na ayaw ko nyan lalo na't pagod ako at gusto ko ng magpahinga." sabi ko at tumango naman siya.
Hinila ko na ang bag nya papasok ng building.
Nasa entrance pa lang ay binati na kami ng guard pati na rin ng nasa front desk nang makapasok kami.
Sumakay kami ng elevator ng walang imikan hanggang sa makapasok kami sa unit ko.
"Ang galang naman ng mga empleyado dito. Lagi ba silang gano'n? 'Yong yumuyuko pa talaga 'pag binabati ka?" ang kulit lang talaga nitong si Jen.