Liam's POV
Maaga akong pumunta dito sa office ko gaya ng kinagawian ko. Hindi pa ako nakapag relax nitong week na 'to. Ang dami ko rin kasing inaasikaso this past few days.
Tatlong araw na rin ang lumipas mula nang kausapin ako ni lolo tungkol sa pagbabakasyon ko. Mabuti at hindi na ako kinukulit.
Nakaupo ako ngayon at pinag-aaralan ang status sa kompanya at iba pang properties ng mga Pineda nang tumunog ang intercom.
"Yes?" taka kong sabi sa secretary ko. Wala naman kasi akong meeting at wala rin akong iniexpect na bisita.
"Sir, somebody wants to talk to you. A certain Miss Pineda." secretary ko
Miss Pineda?
Siya?
Kung siniswerte ka nga naman.
"Okay Rod, let her in." ako
Akalain nyong siya na mismo ang lumapit sa akin.
Hihingi siguro ng tulong para sa kompanya nila.
Tutulungan ko naman sila pero may kapalit.
Tignan lang natin kung makakatiis ka sa gagawin ko sa'yo.
Humanda ka Jenny.
Jennifer's POV
Dumating ako kahapon dito sa Pilipinas.
Nagkausap na kami ni mommy tungkol sa problema namin.
Nakita ko na rin ang sitwasyon ni dad. Sobrang nakakaawa. Hirap siyang magsalita at gumalaw. Parang pinipiga ang puso ko sa sitwasyon nya ngayon. At dating matatag at respitadong tao ay nakahiga na lamang sa kanyang kama.
I've never wanted this to happen but it is part of life. Seems that God is testing me on how will I handle this situation. I think, it's time for me to prove to my family that I've grown up and capable of handling problem and situations for our family.
Nandito na ako ngayon sa harap ng isang gusaling pag-aari ng tanging tao na tiyak kong makakatulong sa problema ng pamilya namin.
"Good morning. I would like to talk to Mr. Mendrez please." sabi ko sa receptionist
"Yes ma'am. 21st floor." nakangiting sagot nito sa akin. Tumango lang ako at sumakay na ng elevator.
Naku...
Bakit ngayon pa ako kinabahan.
Ano ba naman 'to.
Kung kailan nandito na ako.
Ano kaya ang sasabihin ko sa kanya?
Hindi ko alam kung paano siya haharapin pagkatapos ng mga nangyari sa amin.
Baka galit siya sa akin.
Ting!
Bumukas na ang elevator.
Bahala na.
Kaya ko 'to.
Huminga ako ng malalim at tuluyan ng lumabas sa elevator.
Nakita ko naman agad ang pinto na may nakasulat na CEO pero bago ko pa napihit ang doorknob ay may nagsalita sa likod ko.
"Good morning ma'am. How may I help you?" sabi ng isang boses lalaki.
"Ahm, sorry... I would like to talk to Mr. Mendrez. Is it possible?" ako
"Okay, I will inform him. You're name ma'am?" tanong nya, secretary yata 'to.
Seriously?
Hindi niya ako kilala?
Kung sa bagay, simple lang kasi ang suot ko ngayon. Kabaliktaran sa suot ko tuwing may pictorial ako.
"It's Miss Pineda." ako
Pumunta siya sa isang cubicle. Kinausap niya lang si Liam gamit ang intercom. Maya maya pa ay lumapit na siya sa akin.
"Pasok na po kayo ma'am." sabi niya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. Tumango lang ako at tumuloy sa loob.
Pagkapasok ko ay may binabasa siyang mga papeles na nasa lamesa nya.
"Good morning Mr. Mendrez." ako
Mula sa pagkakayuko ay nag-angat siya ng mukha.
"So Miss Pineda? What brings you here? It must be so important." siya na walang mababakas na ano mang emosyon sa mukha.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Nandito ako para humingi ng tulong sa'yo para masalba ang kompanya namin." ako
Tumayo siya at tumalikod. Humarap sa bintana kung saan makikita ang tanawin ng siyudad.
"Handa naman akong tumulong.... Pero sa isang kondisyon." siya
Huh?
Ano naman kaya?
Bahala na.
"Sahihin mo lang. Kahit ano gagawin ko." ako
Humarap siya. Naglakad at lumapit sa akin. Nasa likod ko na siya. Pareho kaming nakatayo. Lumapit ang mukha niya sa tenga ko at bumulong.
"Be my slave"
*****************************************************
AN: lagi na lang umuulan.......
Happy reading po.
God bless.....