Chapter 7

105 1 0
                                    

Liam's POV

1 hour na lang at lunch time na. Nandito pa rin kami ni Jen dito sa office ko.

Patuloy pa rin siya sa pag -aayos ng mga files ko na sinadya ko talagang gulihin. Ang iba nilipat ko sa ibang folder ang laman, ang iba naman ang ginulo ko lang ang pagkakasunod-sunod ng mga pahina.

Ito na ang umpisa ng pagpapahirap ko sa kanya. Sinadya ko talagang ipakuha sa kanya kanina ang schedule ko today mula sa secretary ko na pwede ko lang namang tawagan para lang magulo ko ang mga files ko at ipaayos sa kanya.

Nakita ko mula dito sa lamesa ko si Jen na nilalatag sa carpeted floor ang mga papeles. Kitang-kita ko na parang pagod na siya sa ginagawa pero patuloy pa rin siya.

Nakaramdam naman ako ng awa. Parang nakokonsensya na'ko sa ginawa ko.

Pero hindi dapat ako makaramdam ng ganito.

Paano pa ako maghihiganti kung ganitong nagsisimula pa lang ako eh nakokonsensya na ako? Naaawa na ako?

Tinigil ko na ang pagtingin sa kanya at pinagpatuloy ang aking ginagawa.

Nang mag 12 noon na ay tumigil na ako sa aking ginagawa at tumayo. Oras na para maglunch.

Tinignan ko si Jen na hindi pa rin pala tapos sa pag-aayos ng mga ginulo kong files. Nilapitan ko siya.

"Jen, tama na muna 'yan. Lunch time na, kain muna tayo." sabi ko sa kanya.

"Mauna ka na Liam. Tapusin ko lang 'to." sagot naman niya.

Gusto niya bang mamatay sa gutom?

"Dali na. Mamaya mo na 'yan tapusin. Malilipasan ka ng gutom niyan." sabi ko. Umandar na naman yata ang katigasan ng ulo nito.

"Mamaya na nga ako.... 'Wag kasing mapilit Liam." sagot niya.

Aba't ako pa ang mapilit?

Siya na nga ang inaalala ko eh.

"Bahala ka diyan kung ayaw mo." naiinis kong sabi sabay labas ng office ko.

Bahala siya kung gusto niyang magutom.

Nakakainis na siya, parang ako pa ang dapat mag-aadjust sa pagkamatigas ng ulo niya.

Pumasok na ako sa canteen ng building. Ayaw ko ng lumabas pa. Nakakatamad na, wala ako sa mood.

Nag-order na ako ng kakainin ko.

Nang makapila na ako para magbayad ay luminga ako para maghanap ng mauupuan.

At kung mamalasin ka nga naman...

Wala ng bakanteng upuan kaya nagpasya akong ipahatid na lang sa office ko ang mga pagkain. Nagdagdag na rin ako ng order para kay Jen. Kahit papaano naman ay may pinagsamahan kami, hindi ko 'yon matiis.

Sumakay na ako ng elevator paakyata sa office ko.

Nang pumasok ako sa opisina ko ay nando'n pa rin si Jen at patuloy sa pag-aayos ng mg papeles. Mukhang nagulat pa nga siya sa pagpasok ko.

"Oh? Tapos ka nang maglunch?" nagtataka niyang tanong.

"Hindi pa." sabi ko sabay upo sa couch na malapit sa kanya.

"Oh? Bakit bumalik ka kaagad?" sabi niya.

Revenge of a Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon