Jennifer's POV
("Oh my God Jen! Where the hell on earth are you? I've been calling you for days. Come back here! You're going to shoot a movie anytime next month.") Sakit sa tenga ang boses ng babaeng 'to. At ano daw?.....
Totoo nga 'yong napanuod ko sa TV.
"What!? You accepted the project without me knowing?" napalakas tuloy ang boses ko.
("Oh, I'm sorry dear... I just thought you'd be happy because this is the big break you've been waiting for. At last...")
"Yeah right, I've been waiting for that one but still you did not inform me. Why is it so easy for you to decide and to accept projects without me knowing? I already told you Kath that I went here not for vacation but to fix our family problem." sabi ko habang sinasabunutan ang sariling buhok gamit ang isang kamay.
("I'm sorry..... But you still have more days before that one month vacation is over, right?")
Ang kulit lang ni Katherine. Paano ko 'to sasabihin kay Liam? Payagan kaya niya ako?
Napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin.
Lagot na!....
"I'm not done here... Just tell them to look for another one. I can't make it. I still have lots of things to do." sabi ko na nag-iwas ng tingin kay Liam.
("That's not possible Jen. We'll be sued.")
"They can't do that. I did not signed the contract or any agreement."
("But I did. I signed an agreement.") natampal ko ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Oh my God!...... I can't believe this is happening... Get an appointment with a lawyer. Call me after. I need to hang up. Bye." sabi ko at binaba ang cellphone ko. Napahilot ako sa sintido ko.
Problema na naman.....
Paano na 'to kung wala talaga akong choice?
Paano na ang agreement namin ni Liam?
Wala akong pinirmahan na kahit ano pero nakasalalay naman ang kompanya at iba pang properties namin.
Haay!!
God! Help me......
"Ang lalim naman ng iniisip mo." sabi ni Liam na siyang nagpaigtad sa akin.
Sino ba naman kasi ang hindi.....
Nakakagulat kaya siya. Nakita ko lang kanina na nakaupo siya do'n sa swivel chair niya tapos biglang nasa tabi ko na siya dito sa couch.
"Liam naman.... Nakakagulat ka kaya." sabi ko na hinihimas ang bandang dibdib ko.
"Ano ba kasi ang iniisip mo? Share mo na baka matulungan kita." sabi niya na nakatingin sa akin.
"Hmmm... May problema lang ako. Ewan ko kung may option pa ba ako o mapipilitan akong gawin 'yon." sabi ko sabay napahilamos ang dalawang kamay ko sa mukha ko.
"Tungkol ba 'yan sa bagong movie?" sabi ni Liam na seryosong nakatingin sa akin. Tumango lang ako.
"Jen, kung kailangan mong bumalik do'n, okay lang. Ibabalik ko naman sa'yo ang kompanya niyo. Ayaw ko 'yong napipilitan ka lang na magstay dito dahil sa takot mo na hindi ko ibalik sa inyo ang pag-aari niyo na nasa akin."