Friends
Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng nagri-ring kong cellphone. Dahan-dahan kong kinusot ang mga mata ko at binuksan ang lamp shade sa may bedside table. Tamad kong inabot ang nagi-ingay na cellphone at itinutok sa aking tainga matapos kong pindutin ang answer button.
[Bes!]
Sa lakas ng tawag niya sakin ay nagawa kong ilayo ang cellphone sa tainga ko. Sa boses at sa pagatawag palang niya sakin ng 'bes' ay alam na alam ko na kung sino siya.
Napatingin ako sa light blue wall clock ko at literal na nanlaki ang aking mga mata. Nilapit ko ulit ang cellphone ko sa aking tainga. "Shemay! 2AM palang, Stacey!"
Narinig ko siyang tumawa sa naging reaksyon ko. [Two-thirty,] Pagtatama niya. Napabuntong-hininga nalang ako. [I'm sorry, nakakaabala ba 'ko?] Tanong niya.
"Honestly, oo." Sagot ko nalang at narinig ko nanaman siyang tumawa. Umikot ako sa kama at naghanap ng maayos at kumportableng posisyon hanggang sa makuntento ako. "Bakit ka nga pala napatawag?"
[Just wanted to say that I missed you,]
Napailing nalang ako. "Stacey, magkasama lang tayo noong birthday party ko."
[Pero hindi kita nasolo!] Parang batang sabi niya at dahil doon ay natawa kaagad ako.
Bibiruin ko pa sana siya pero humikab ulit ako, senyales na inaantok pa talaga ako. "Stacey, serious na. Inaantok pa talaga ako, bes e."
[Seryoso kaya ako,]
"Stacey," bigkas ko sa pangalan niya with a warning tone kunwari.
[Okay, okay,] natatawang sabi niya. [Well, tumawag lang naman ako para sabihin sayo na...] Tumigil siya at alam kong sinasadya niyang bitinin ang mga susunod niyang sasabihin.
"Na?" Tanong ko para ipagpatuloy niya ang kanyang sasabihin kagaya ng lagi kong ginagawa sa tuwing binibitin niya ako.
Madalas siyang ganyan kaya nasasanay na ako. Isa pa, palagi ko siyang kasama kaya kung minsan ay napagkakamalan kaming magkapatid.
[Na...] Ayan na naman siya sa kanyang pabitin effect.
As usual, alam na alam kong bibitinin niya lang ako hanggang sa matagumpay na niya akong maasar. Kung kaya't ngayon palang ay alam ko na ang gagawin.
"Bibitinin mo pa 'ko o ie-end ko na 'to?" Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maging effective ang pagkukunwari kong pagtataray.
Gladly, naniwala siya. [Omg! Sorry naman...] Ang tono ng boses niya ay may bahid ng kalungkutan. [Kaloka ka naman kase eh! Wala ka bang naaalala? I mean, uh, you know?]
Awtomatiko akong napaisip. Naaalala? Bigla akong tinamaan ng kuryosidad. Pinilit kong alalahanin ang kung ano mang sinasabi niyang dapat kong maalala, pero bigo ako. Ano ba ang dapat kong maalala?
"Meron ba dapat?" Tanong ko pabalik.
[Kaloka ka ah. Hindi mo ba talaga naaalala? Nakalimutan mo na ba?] Paninigurado niya. Ang tono ng boses niya ngayon ay may halong pagtatampo.
Sinubukan kong isipin ulit kung ano ba iyon at mas lalo lang akong na-curious sa aking ginawa. Bakit siya nagtatampo? Ano ba ang nalimutan ko? Ano bang ikinakatampo niya?
Pinilit kong alalahanin muli ang dapat kong maalala pero bigo talaga ako. Siguro ay dahil madaling araw palang at medyo wala pa ako sa mood kaya siguro hindi pa nagfa-function ng mabuti ang utak ko.
"Ano ba 'yon?" Curious na tanong ko. Shemay, oo nga pala! I almost forgot! Napatampal nalang ako sa aking noo nang sa wakas ay maalala ko na. "Alam ko na! Wait lang ite-text ko lang sandali si Jersey," Natatarantang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Fall of the opposites
General FictionA story of an almost-perfect girl and a bad*ss guy. Let's find out on what will they do if they realize that they are falling in love with each other. But, what if a revelation change them? Will they still be able to catch each other's falling heart...