Chapter 4

39 3 0
                                    

Gifts

Nagising ako sa ingay at nasilaw ako sa sobrang liwanag ng ilaw na tumatama sa aking mukha. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko ulit ang pagkirot nito, para bang binibiyak na ewan.

"Bunso! Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" Nagulat nalang ako nang makita ko si kuya Cyclone, kuya Cyrus, kuya Bullet, sina Mama at Papa at pati narin sina Stacey, Vienna at Jersey sa kwarto ko! "Oy bunso, ano na?" Tanong muli ni kuya Cyclone.

"Don't worry, kuya. Nahilo lang ako," Sagot ko. "A-anong meron?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hello, nag-collapsed ka kaya kanina! Ano bang nangyari? Ka-stress! Pinag-alala mo kaming lahat ah," ani Stacey.

"And why do you look so tired kanina, Scarly? What happened ba?" Ani Vienna.

"Kaya nga, Scar. Ang tagal mong bumalik kaya nag-alala kami at pinaghahanap ka namin sa buong bar," ani Jersey.

"I was worried din, bunso, dahil hindi mo man lang ako tinawagan or kahit na tinext," ani kuya Cyrus.

Tinignan ko silang lahat na nagtanong sa akin at hindi ko alam kung sino ang unang sasagutin ko sakanila.

"Hey, hey. Let her answer you guys, one by one, okay?" Ani kuya Bullet.

Mabuti nalang at sumabat si kuya Bullet sa usapan. Napaghalataan niya siguro akong medyo natataranta.

"Princess, now tell us what happened," sabi ni Mama at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

Mas lalo akong nataranta. Anong sasabihin ko sakanya? Sasabihin ko ba iyong totoong nangyari? Pero ayokong mag-alala pa sila ng dahil doon. Nag-aalala na sila ngayon, kaya ayaw kong madagdagan pa iyon.

Dahan-dahan akong umupo sa kama ko. Ngumiti ako kay Mama. "Nahilo po kasi ako kanina sa ininom kong alak, Mama. At kaya ako mukhang pagod ay dahil nagsuka po ako sa Restroom. Sobrang sakit po ng ulo ko kaya ayon, nahimatay na po pala ako." Pagsisinungaling ko.

Pagkasabi ko noon ay kaagad kong kinagat ang labi ko. Ramdam kong ang atensyon nilang lahat ay nasa akin kung kaya't kinabahan ako. Nahalata kaya nilang nagsinungaling ako? Napalunok nalang ako.

"See? We don't need to worry. I know that our Princess is very strong," natawa nalang kaming lahat sa sinabi ni Papa. Mabuti na lamang at nagsalita siya, nabawasan ang kabang nararamdaman ko sa ginawa kong pagsisinungaling.

Nag-kunot ako ng noo nang may maalala ako. "Sino po pala ang nagdala sakin papunta dito sa kwarto ko?" Tanong ko.

Nakakahiya naman sa kung sino man ang nagdala sa akin papunta dito sa kwarto ko kung hindi ako magpapasalamat. Naisip ko na baka nabigatan siya sa akin o nahirapan sa pagbuhat o ano.

"It was Bullet who carried you," sabi ni Mama.

Napatingin ako kay kuya Bullet na tahimik lang na nakatayo sa isang sulok at saka siya ngumiti nang magkatinginan kami. "Thank you, kuya." Sabi ko at saka ngumiti. Lumingon ako sa iba. "Sorry sa pag-aalala ninyo. Look, I'm fine na oh. Salamat din sa paghatid sa akin, Stacey, Vienna and Jersey." Ani ko.

"Ano ka ba, wala 'yon. What are friends for, right?" Ani Stacey.

"And I'm sorry din, Scarly, pinainom pa kita nong black drink. If I just know that this will happen, edi sana hindi nalang kita pinilit," ani Vienna.

"Tama. Sana pinigilan na pala kita non," ani Jersey.

Natawa lang ako. "Bakit ba kayo nagso-sorry? It wasn't all your fault." Sabi ko sa kanila. "It was my fault din,"

Natawa nalang ako nang sabay-sabay silang tatlo na lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Tsk, ang cheesy," narinig kong bulong ni kuya Cyrus.

Fall of the oppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon