Bumped
Kinabukasan ay maagang umuwi sina Stacey, Vienna at Jersey dahil narin sa may pasok pa kami. Nawala narin ang sakit ng ulo ko dahil narin siguro sa pinainom na gamot ni kuya Bullet sa akin. Pagkatapos kong kumain ay sinabi ni Papa na ihahatid niya ako sa School.
Tahimik lang kami sa buong biyahe. Paminsan-minsan ay nagku-kwentuhan kami sa kung anu-anong mga bagay. Kagaya nalang ng sinabi niya na kailangan ko na raw matutong mag-drive para naman daw hindi ako nagko-commute paminsan, pero isinantabi ko na muna iyon dahil abala pa sa School ngayon. Siguro ay sa bakasyon nalang ako magda-driving lessons.
Nang nasa tapat na kami ng napakalaking gate ng Eastwood's ay ipinahinto ko na kay Papa ang sasakyan at sinabing doon nalang ako bababa.
"Sigurado ka bang dito ka nalang? Pwede ko naman itong ipasok para hindi malayo ang lalakaran mo," aniya.
"Huwag na, Pa. Isa pa, hindi naman po ganon kalayo ang lalakaran ko," sagot ko.
"If that's what you want," natatawang sabi niya. "Take care," pahuling sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
Pagkatapos kong magpaalam ay bumaba na din ako ng sasakyan. Pagkapasok ko sa loob ng School ay kakaunti nalang ang mga estudyanteng nakalabas dahil narin siguro sa oras na ng klase.
Eksaktong pagkadating ko ng classroom namin ay pumasok na rin si Ms. Abalos, ang prof. namin para sa aming first subject. Kaagad na niyang sinimulan ang pagtuturo at maya't-maya pa ay nag-report na kami ni Jersey. Mabilis na lumipas ang dalawang subjects namin para sa umagang ito. Ngayon ay oras na ng lunch at pinag-usapan namin ni Jesey na hintayin nalang namin sina Stacey at Vienna sa Cafeteria. Tinext ko si narin sina Stacey at Vienna para sabihin iyon.
"Ugh! Mrs. Lim is annoying, palaging nago-overtime!" Salubong ni Vienna sa amin.
"Psh, kulang na nga lang at ipagsigawan ko kanina sa buong klase na nago-overtime na siya! Like, duh?! May balak pa ba siyang i-dismiss tayo?" Asar at sarkastikong sabi ni Stacey.
"Chill!" Ani Jesey at lumapit siya sa dalawa. "Gutom lang 'yan," at saka niya sila inakbayan.
"Oo! At talagang kakainin ko ng buhay si Mrs. Lim kapag nag-overtime pa siya!" Asar na sabi ni Stacey at natawa nalang kami sakanya.
Habang kumaikain kami ng lunch ay nagku-kwentuhan din kami at ang aming pinagku-kwentuhan ay tungkol sa mga profs. namin. Mabuti na lamang at puro mababait ang profs. namin ni Jersey kung kaya't wala kaming problema doon, siguro ay maliban nalang kay Mrs. Karangyaan. May kasungitan siya sa klase at ang gusto niya ay saksakan ng katahimikan ang klase sa buong pagtuturo niya. As in ang gusto niya ay walang nagsasalita ni isa kung hindi siya lang.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng lunch namin nang biglang umingay sa Cafeteria. May mga naghihiyawan na babae na mukha pang kinikilig at hinahampas ang sino mang katabi.
"Oh. My. Gosh. Is that Pyxis, the guy wearing the jersey number 13?" Ani Vienna na nakatingin sa pasukan ng Cafeteria.
"Si Pyxis nga! Ang gwapo, kaloka!" Ani Stacey habang hinahampas sa balikat si Vienna, at si Vienna naman ay hinahampas narin si Stacey, so naghahampasan sila.
Tumingin ako sa tinitignan nila at may papasok na tatlong lalaki. Nakatagilid sila sa amin kung kaya't hindi ko masyadong makita ang mga itsura nila. Halatang basketball players sila dahil nakasuot pa sila ng jersey. Kulay itim ito at kulay puti naman ang numero pati narin ang apelyido at ang pangalan ng team nila, pero hindi ko makita ng malinaw ang mga iyon dahil nga nakatagilid sila at bukod pa don, may mga nakaharang na mga babae sakanila.
"Hay, ang dami talagang nagkaka-crush kina kuya Pyxis," ani Jersey.
"Kuya?!" Hindi makapaniwalang sabay na sigaw nila Stacey at Vienna kay Jersey.
BINABASA MO ANG
Fall of the opposites
Ficção GeralA story of an almost-perfect girl and a bad*ss guy. Let's find out on what will they do if they realize that they are falling in love with each other. But, what if a revelation change them? Will they still be able to catch each other's falling heart...