10th floor
Alas-tres na ng umaga nang makauwi kami galing ng Airport para ihatid sina Mama. Ngayon ay pagod at inaantok pa kami. Matapos naming mapag-usapan ng mga kuya ko na matulog muli dahil may pasok pa kami mamaya ay dumiretso na ulit kami sa mga kwarto namin.
Mga 6:30 na nang magising akong muli dahil sa ingay ng mga kumakalampag na gamit mula sa kusina. Napakunot ako ng noo, nagtataka kung sino man iyong gumagawa ng ingay sa ibaba. Tumayo ako sa kama at isinuot ko ang mga dilaw kong pambahay na tsinelas na may mukha ng aking favorite cartoon character.
Pumunta ako ng banyo para magmumog sandali at mag-ayos ng buhok. Nagmadali akong bumaba ng hagdanan at kaagad na dumiretso sa kusina.
Nang makita ko siya ay napahinto ako. Hindi ko matukoy kung sino siya, ni hindi ko matukoy kung babae o lalaki ba siya. Ang nasisiguro ko lang ay hindi siya isa sa mga kuya kong kambal. Naka-all black siya, mula ulo hanggang paa. Ang jacket niya ay may weird na drawing sa likod at nakasuot din ang hood nito sa kanyang ulo, dahilan kung kaya't hindi ko matukoy kung sino siya.
Dali-dali kong kinuha ang walis tambo sa isang tabi at dahan-dahan akong lumapit sakanya. Pakiramdam ko'y anumang oras ay maaari kong mabali ang hawakan nito dahil sa higpit ng pagkakahawak ko dito. Nang ihahampas ko na sana sakanya ang walis tambo ay napatigil at napaisip ako. Hahampasin ko ba talaga siya? Paano kung mahimatay siya sa lakas ng pagkakahampas ko? Haist! Ano bang iniisip ko! Eh paano kung magnanakaw ito? Edi ikaw pa ang hinampas at nahimatay o kaya naman ginawan niya ng masama, Scarlet! Psh. Pero paano kapag mali ako? Paano kung hindi naman pala siya masama? Di bale na nga, mas mabuti na ang sigurado. Huminga ako ng malalim bago siya muling subukang hampasin. Itinaas kong muli ang walis tambo para kumuha ng mas malakas na pwersa.
Isa, dalawa, tat---
"Huwaaaaag!" At sa pangalawang beses ay natigilan ako. "We're not thefts. Kami yung mga maids na kinuha ng Mommy mo." Pigil niya. Sa tingin ko ay nasa 20 plus pa lang siya. Kung ang hahampasin ko sana kanina ay all black ang suot, ito naman ay napaka-colorful ng suot. Naka-pink na t-shirt, blue shorts at nakasuot ng violet headband na ang design ay napakalaking butterfly.
"Oo hija, tama ang pamangkin ko. Kami yung mga katulong na kinuha ng Mommy mo," paliwanag ng hahampasin ko sana. "Naku, mabuti na lamang pala at nakita ka ni Lavinia." Aniya saka siya napabuntong-hininga. Ngayong humarap siya sakin at nakita ko na ang mukha niya, nakumpirma kong babae siya. Tantya ko ay nasa 35 plus siya, hindi ganoon katanda at hindi rin ganoon kabata.
"Pasensya na po, akala ko po kasi kung sino na kayo." Nakangiting awkward na sabi ko habang ibinababa ang walis tambo.
"Hindi naman kita masisisi don, hija," nakangiting sagot niya. "Ayan, nakita ko na ang kawali. Nagugutom ka na ba, hija? Sandali lang ah, hindi pa kasi ako nakakapagluto." Sabi niya. Kaya pala may kumakalampag kanina, naghahanap siya ng kawali.
"Ahh, hindi pa naman po," sagot ko.
"Sige hija. Ako nga pala si Emmy, pero pwedeng-pwede mo akong tawagin na tita Ems," pakilala niya.
Ngumiti ako. "Ako naman po si Princess Scarlet, kahit Scarlet na lang po ang itawag niyo sakin," sagot ko.
"Aaaaand!" Masiglang sabi ng makulay ang damit at saka lumapit samin. "I'm Lavinia, Lavs or Lav for short. Paalala, hindi ako inggitera ah." Pakilala niya at natawa lang kami ni Tita Ems. "Sha, Pst! Sharell!" Tawag niya. Lumingon ako sa tinatawagan niya. Katamtaman ang haba ng itim niyang buhok, medyo payat at mukhang mahiyain.
Lumingon siya at lumapit samin. "A-ako? Bakit?" Tanong niya.
"Oo ikaw nga, cous. Psh. Ganito kasi 'yan, meet and greet portion," sagot ni ate Lav.
BINABASA MO ANG
Fall of the opposites
General FictionA story of an almost-perfect girl and a bad*ss guy. Let's find out on what will they do if they realize that they are falling in love with each other. But, what if a revelation change them? Will they still be able to catch each other's falling heart...