Friends? Friends.
Nagkunot ako ng noo sa sinabi niya. Good thing I'm stuck here with you. Tinanong ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin don at ang sinabi lang niya sakin ay dahil kapag siya lang daw kase ang nasa-stuck dito ay wala siyang makausap kaya sobrang naiinip daw siya, dahilan kung kaya't natatapos niya daw ang isang libro sa loob ng ilang oras lang dito. Hindi ko nalang pinansin iyon.
"Ahh," medyo awkward na panimula ko. "Bookworm ka pala."
Napatingin siya sakin. "Yeah, like---" natigilan siya bigla.
"Like?" Tanong ko.
"I...I mean I read books like this one," pinakita niya ang librong hawak niya. "The Skull. It's kind of a mystery, horror book." Ito yung kinatakutan ko kanina. Tumango-tango nalang ako. Isa pa, wala na akong alam sabihin sakanya baka isipin pa niya na fc ako or feeling close. Nalaman ko lang 'yong fc kay Stacey noong isang araw.
Nakaupo ako sa isang silya at naglalaro ako sa cellphone ko, tumitingin-tingin sa signal bar nito kung sakaling magkaroon kahit isa. Siya ay nakaupo sa silya malapit sa bintana, siguro doon ang laging pwesto niya kapag nagpupunta siya dito. Tahimik lang kami hanggang sa biglang umingay ng weird na tunog ang ilaw at kumislapkislap pa. Nagkatinginan kaming dalawa. Iniisip niya rin kaya ang iniisip ko?
"Va---" natigilan ako. Namatay na ang ilaw at sobrang dilim na ngayon, ni hindi ako makakita ng kahit ano. Ginamit ko ang cellphone ko pang-ilaw at hinahanap si Vance. Natatakot ako, takot ako sa dilim. Hindi ko kakayanin ng mag-isa kaya mabuti narin ang may kasama. "Vance?" Tawag ko sakanya.
Lalo akong kinilabutan nang may marinig akong pagkalampag ng silya, at sigurado akong malapit lang ito sa kinatatayuan ko ngayon. Siguro ay siya 'yon. "V-vance?" Nauutal na tawag ko. "Va---" napasigaw nalang ako ng may masagi ako. Isang silya, nasa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko at huminga ng malalim. Akala ko kung ano na. Sinubukan ko itong hilain pero mabigat ito.
"Hey, hey! I'm here," naalis ang kaba ko nang marinig ko ang boses niya. "Don't move the chair, or else I'll fall right to you."
"S-sorry," saad ko. "Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko.
"Trying to fix the light bulb," sagot niya. Maya't-maya ay narinig kong kumalampag muli ang silya. "I can't, sira na talaga siya. Kailangan ng mabago." Dismayadong sabi niya.
"Hayaan mo na. Let's just wait for your friends to come." Sagot ko.
Biglang may kamay na dumapo sa likuran ko. "Doon tayo. Mas maganda kung magkasama tayo," aniya. Hindi na ako tumanggi pa. Aaminin kong takot akong mag-isa kung kaya't sumunod na lang ako sakanya.
Gamit ang ilaw na nagmumula sa cellphone naming dalawa ay nakita namin ang dinadaanan namin. Umupo kami sa sahig sa isang sulok at sumandal sa pader. Sabay pa kaming nagbuntong-hininga kaya nagtawanan pa kami.
"Now we're stuck in this cold, dark room. You weren't able to take your quiz and I'm not able to go home early." Aniya.
Huminga ako ng malalim. Niyakap ko ang mga tuhod ko. "Sorry. It was all my fault."
"It's okay though. Besides, it's boring in our house just watching movies and doing some random stuffs, you know." Saad niya.
"Pero boring din dito. Na-stuck na nga tayo, sobrang dilim pa." Sagot ko.
"Unless we'll do something," naramdaman ko siyang gumalaw bilang magkalapit lang naman kami. "Let's play a game."
"Anong klaseng laro?" Nagtatakang tanong ko.
"How about...guess how many pens are in my hands, then if you guessed it right, you'll have the chance to ask a question and let's answer honestly. Just one question per right guess." Paliwanag niya. "So, uh, game?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Fall of the opposites
General FictionA story of an almost-perfect girl and a bad*ss guy. Let's find out on what will they do if they realize that they are falling in love with each other. But, what if a revelation change them? Will they still be able to catch each other's falling heart...