Chapter 6

17 2 0
                                    

The Ruiz's

Nakahawak ako sa magkabilang tali ng  backpack ko at nilalaro ang mga paa ko habang naghihintay sa labas ng bahay. Hinintay ko sina Stacey, Vienna at Jersey dahil napag-usapan namin na maagang pumasok ngayong araw. Kagaya ng inaasahan ko, sinabi nila na magiging abala na sila kaka-practice simula mamayang lunch kaya naisapan namin na maagang pumasok ngayon para sabay-sabay na kumain ng breakfast sa School's Cafeteria.

Hindi nagtagal ay huminto na sa mismong harapan ko ang itim na kotse ni Vienna. Binaba niya ang window niya at sinenyasan ako na pumasok na. Hindi kami naging tahimik sa sasakyan habang patungo ng School dahil nakikisabayan sina Stacey at Vienna sa kanta na pinatugtog ni Vienna, dahilan kung bakit nagkakasiyahan kami sa buong biyahe. Pagkarating namin sa School ay dumiretso na kami kaagad sa Cafeteria. Um-order kami ng almusal at kaagad na humanap ng magandang pwesto.

Habang kumakain kami ay tinignan ako ni Stacey ng naka-kunot ang noo. "M-may dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko.

Pero imbes na sagutin niya ako ay nanliit ang mga mata niya habang tinitignan ako. Ngayon ay mas lalo akong naguguluhan sakanya. Nagpatuloy nalang akong kumain at hinayaan lang siya. "Bes, anong ginawa mo, bakit parang kanina ka pa nila tinitignan ng masama?" Biglang tanong niya.

Napahinto ako bigla. Iyon din ang mismong iniisip ko magsimula kaninang makita ako ng ibang estudyante. Inisip ko na imahinasyon ko lang iyon pero pati pala si Stacey ay nakahalata na.

Ngayon ay napahinto narin sa pagkain sina Vienna at Jersey. Lahat sila ay nakatingin sa akin at naghihintay sa isasagot ko. "Hindi ko rin alam, Stacey." Tanging naisagot ko at nagpatuloy na sa pagkain.

Ipinagpatuloy na lang rin nila ang pagkain nila at hindi na sila nagtanong pa. Natahimik kami ng ilang sandali. Maya't maya pa ay bigla kaming napatingin sa dalawang babae na huminto sa mismong gilid ng table namin. Sina Ehra at Danica, classmate namin ni Jersey.

"Scarlet, I'm so inggit! Sa susunod talaga sasadyain ko siyang bungguin," kinikilig na sabi ni Ehra.

"Alam mo bang ikaw palang ang kauna-unahang in-ask niya ng date? Gosh! Haba ng hair mo, girl!" Kinikilig na sabi rin ni Danica.

"Sige, see you later sa room. Don't forget, balitaan mo kami sa date niyo ha? Bye!" Panghuling sabi ni Ehra saka na sila umalis.

Kaagad na tumingin sa akin ang mga kasama ko pagkarinig nila ng sinabi nila Ehra at Danica. "Date?!" Halos sabay-sabay na hindi makapaniwalang sabi nila.

"Walang date," simpleng sagot ko.

"So, what are they talking about?" Tanong ni Vienna. "Wait, you need help? Just ask me. I'll be glad to make-over you for your first date!" Masayang sabi ni Vienna.

"Vienns," mahinahon kong sabi. "Walang date na mangyayari," ulit ko.

"Ayy sayang," dismayadong sabi niya.

"Bes, ano yun? Sinong tinutukoy ni Ehra na sa susunod ay dapat niya ng banggain?" Tanong ni Stacey.

"Iyong Pyxis," sagot ko.

"Pyxis? You mean yung basketball captain na  nandito rin sa Cafeteria nung lunch time kahapon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Ngayon ay tuluyan silang napatigil sa pagkain.

"Oo," sagot ko. Tumingin ako sa kinakain ko dahil hindi ako komportableng nakatuon ang atensyon nila sa akin. "H-hindi sinasadyang nakabungguan ko siya kahapon," nauutal na sabi ko.

"And?" Tanong ni Stacey.

"Pinag-sorry niya ako ng maayos," sagot ko.

"And?" Tanong pa niya.

Fall of the oppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon