Family bonding
"Class dismiss," ani ng professor namin. Kinuha niya ang mga gamit niya sa desk at pagkatapos ay lumabas na siya.
"Bye, Scar. See you again tomorrow!" Paalam ni Jersey habang kinukuha ang mga gamit niya sa kanyang silya.
"Sige. See you tomorrow!" Ani ko habang kinukuha na rin ang mga gamit ko.
Pagkalabas ko ng classroom ay dumiretso ako sa locker room. Binuksan ko ang locker ko at kagaya ng inaasahan ay bumungad sa akin ang iba ko pang mga libro. Pagkatapos kong ilagay doon ang mga hawak kong libro ay dumiretso na ako sa high school department. Nagsisilabasan na rin ang mga high school students dahil luch break na kung kaya't medyo nahirapan paa ako sa pagdaan sa corridor. Nang makita ko na ang nakasulat na IV-St. Margarette sa isa sa mga classrooms ay umaliwalas ang aking mukha dahil malapit na lang ako don.
"Ate Scarlet!" Lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang nakangiting si Pythia habang kumakaway.
Ngumiti ako sakanya at kumaway din. Nilapitan ko siya at may kasama siyang dalawang babae, siguro ay mga kaklase niya.
"Roxanne, Christine, pwede bang sumabay muna ako kay ate Scarlet na mag-lunch today? Ayos lang ba sainyo kung mauna na kayo?" Tanong niya sa mga kasama.
Tumango at sumang-ayon ang dalawa sakanya at nauna na sila. Hindi na rin kami nagtagal ni Pythia doon sa harapan ng classroom nila at dumiretso na kami sa Cafeteria. Ipinagpilitan din niya na ililibre niya daw ako ng lunch kahit ayaw ko naman dahil nakakahiya naman sakanya iyon. Sa huli ay wala na akong nagawa.
"Don't worry, babawi ako," Sabi ko.
"No need, ate. Ako ang nagpumilit na ilibre ka," sagot niya. Tumigil siyang muli sa pagkain at ngumiti. "How about---" napatigil siya bigla.
"Ano iyon?" Tanong ko.
Nagpatuloy siya sa pagkain at ngumiti-ngiti. "Nevermind, ate," sagot niya. "How is the food I bought you, ate? Is it good?" Tanong niya. Ang ibinili niya sa akin ay kare-kare at ganoon din ang binili niya para sa sarili niya.
"Masarap, sa totoo lang paborito ko ito. Salamat ah," nakangiting sagot ko.
"Really? It's my favorite too!" Masayang sabi niya.
"Oo, palagi ko itong nire-request kay Mama. Tinuruan niya nga rin akong magluto nito. Teka, gusto mo bang ipagluto kita nito minsan? Para pambawi man lang," sabi ko. Kumuha ako ng laman at kaunting kanin saka na sumubo.
"Actually, hindi mo naman talaga kailangang bumawi, ate. And sure! Pwedeng-pwede mo akong ipagluto nito," masayang sabi niya. "Wait, ano pang alam mong iluto? Can you please teach me?" Excited na tanong niya kaya natawa nalang ako.
Habang nag-uusap kami ni Pythia ay tawa lang ako ng tawa. Matagal kaming natapos sa pagkain ng lunch namin dahil narin sa hindi siya nauubusan ng sasabihin. Kung noong nasa bahay nila kami at kahit alas-diyes na ng gabi non ay energetic parin siya, ngayong nasa School kami at 12:30 pa lang ng tanghali ay mas lalo pa siyang naging energetic at nakakahawa ang masayahing mood niya.
Matapos kaming mananghalian ay nagpaalam narin kami sa isa't isa dahil narin sa magsisimula na ang susunod na mga klase namin. Sa tatlong klase naming nagdaan ay tahimik lang kaming lahat ng mga kaklase ko, nakahinga nalang ako ng maluwag noong sa wakas ay dismissal na ng panghuli naming subject para sa araw na ito. Hindi talaga ako sanay na wala si Jersey.
Sinundo ako ni kuya Bullet at nagtaka nalang ako nang iba ang way na tinutungo namin.
"Kuya, saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Fall of the opposites
General FictionA story of an almost-perfect girl and a bad*ss guy. Let's find out on what will they do if they realize that they are falling in love with each other. But, what if a revelation change them? Will they still be able to catch each other's falling heart...