The Ramirez's
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama diretso sa aking mukha. Dahan-dahan akong tumayo sa kama para takpan ang bintana ng kulay bughaw na kurtina habang kinukusot ang aking mga mata.
Napatingin ako sa light blue wall clock na nakasabit rin sa light blue at may touch of dark blue na pader. Alas-dose na pala ng tanghali!
Mabilis kong ginawa ang mga kailangan kong gawin. Mula sa pagtu-toothbrush, paghihilamos, pag-aayos sa aking sarili hanggang sa pag-aayos ng aking kama.
Nang makalabas ako ng kwarto ay nakita ko kaagad ang aking mga kuya na nasa sala sa ibaba. Abala sila sa panonood ng action movie kagaya ng nakagawian nila sa tuwing walang pasok.
Bumaba ako at sinalubong ako ng matamis na ngiti ni kuya Bullet pagkakita sakin.
"How was your sleep, our Princess?" Malambing na tanong niya sakin.
"Maayos. Nakatulog ako ng maayos, kuya." Sagot ko sakanya saka ko siya ginantihan ng matamis na ngiti.
"Good. Are you hungry? Do you want a brunch in bed? Well, just in case you're still tired." Concern na tanong niya.
"I'm fine, kuya. Besides, tinanghali na ako ng gising kaya siguro enough na 'yon para makapagpahinga ako. Hmm..siguro ay kakain nalang muna ako." Pagpapaliwanag ko sakanya. "Kayo kuya, kumain na ba kayo?" Tanong ko.
"Yup, kanina pa." Sagot niya. "Eat a lot."
"Yes kuya, I will." Pagsang-ayon ko sakanya saka niya ginulo ang buhok ko.
"Tama bunso, nangangayayat ka na sa kakaaral oh!" Halos mapasigaw ako nang biglang nasa tabi ko na pala si kuya Cyrus at pinipisil-pisil ang braso ko.
"Siguro hindi ka kumakain ng lunch sa School, ano?" Ani ni kuya Cyclone na nakipisil narin sa aking kaliwang braso.
"Tama. Kaya nga siguro patpatin si bunso, bro." Sang-ayon ni kuya Cyrus kay kuya Cyclone.
Nakuha pa nilang ngumisi at mag-akbayan.
"Kumakain kaya ako ng lunch sa School." Protesta ko.
"Hey, hey, don't piss her off." Ani ni kuya Bullet kina kuya Cyrus at kuya Cyclone. Lumingon siya sa akin. "Just eat already so that you can rest well." Nakangiting sabi niya.
Tumango ako at ngumiti. Tiningnan ko naman sina kuya Cyclone at kuya Cyrus na ngayon ay busy na ulit sa panonood ng action movie na para bang walang nangyari. Napailing nalang ako.
Dumiretso na ako sa kusina. Nakahapag na doon ang Sinigang na baboy at mukhang mainit-init pa ito. Mayroon na ring nakahapag na kanin sa mesa.
Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor. Tumikim ako ng kaunting karne at dahan-dahang nginuya. Hindi talaga pumapalya si Mama pagdating sa pagluluto. Ang sarap!
Patapos na ako sa aking pagkain nang dumating si Mama sa kusina.
"Ma!" Bungad ko. "Ang sarap po ng luto niyo, as usual."
"Glad you like it," Nakangiting sabi niya. "Oh, nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong niya.
Tumayo ako pagkainom ko ng isang baso ng malamig na tubig. Kinuha ko ang platong pinaggamitan ko kasama ng mga kutsara at tinidor at inilagay sa sink.
"Opo, Ma. Maayos po ang tulog ko." Sagot ko.
"Did you enjoy your birthday party yesterday, Princess?" This time, si Papa naman ang nagtanong na nasa kusina narin.
Nakapambahay lang sina Mama at Papa hindi tulad ng lagi nilang suot na pormal na damit since weekend ngayon kaya wala rin silang pasok sa trabaho. Mukhang wala ring planong umalis ngayong araw ang mga kuya ko at pati narin ako ay walang balak na umalis ngayong araw. Siguro ay mananatili lang kaming lahat sa bahay ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Fall of the opposites
General FictionA story of an almost-perfect girl and a bad*ss guy. Let's find out on what will they do if they realize that they are falling in love with each other. But, what if a revelation change them? Will they still be able to catch each other's falling heart...