Chapter 12

243 19 4
                                    

Enrollment day na naman. Parang kelan lang. Isang taon nalang, gagraduate na kami. Ang bilis lang talaga lumipas ang mga araw.

"Anak?" pagkatok ni Mama sa kwarto ko.

"Po?" sagot ko.

"Nasa baba na si Elmo." sabi ni Mama.

"Nakaayos ka na ba dyan? Bilisan mo na ah." dagdag pa ni Mama.

"Opo ito na po. Wait lang." sagot ko naman.

Tiningnan ko muna sarili ko sa salamin at inayos yung gamit ko. Nang okay na lahat, bumaba na ako.

Nasa hagdan palang ako kita ko na si Elmo na kausap si Papa.

Oo nga pala, nakilala na nila si Elmo. Pinakilala ko last month. Pero kilala na pala nila ito. Last month lang talaga yung pormal ko silang napakilala sa isat isa. Ayoko din naman kasi magtago kela Mama at Papa eh. Tsaka dapat lang naman na makilala sya nila Mama dahil nga nililigawan nya ako.

Pagkakita nya sakin, agad naman nya akong binigyan ng matamis na ngiti.

"Oh andyan na pala anak ko." pagpansin ni Papa sakin at tumayo.

Tumayo din si Elmo.

"Mga ingat kayo ha?" paalala ni Papa.

Tumingin sya kay Elmo. "Tandaan mo ang sinabi ko sayo."

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Papa. Anong ibig nyang sabihin?

"Opo, tito. Makaasa kayo." sagot naman ni Elmo at ngumiti kay Papa.

"Oh sige na. Alis na kayo baka matagalan pa kayo dun." sabi ni Papa.

"Alis na kami, Pa." paalam ko.

Tumango lang si Papa at tumingin ulit kay Elmo.

"Yung sinabi ko ha." paalala ulit ni Papa.

Ano ba kasi yun? Nacucurious tuloy ako.

"Opo, Tito. Sige po, alis na kami." paalam niya kay Papa.

Pagkapasok namin sa kotse nya nagtanong agad ako.

"Ano yung sinabi ni Papa sayo?" curious kong tanong.

"Secret!" sagot nya.

"Ano nga? Ano yung napag usapan nyo kanina?" tanong ko sa kanya.

"Basta. Samin nalang yun, babe." sagot nya naman.

I just rolled my eyes. Ayan na naman sya sa babe nya. Feel na feel nya talaga. Akala mo naman kami na.

"I love you, Julie." sabi nya sabay sulyap sakin.

"Magfocus ka na nga lang sa pagdadrive!" sabi ko at naiwas ng tingin.

Natawa naman sya sa inasta ko. "Kailan ko kaya maririnig ang 'i love you too' mo?"

"Akala ko ba maghihintay ka?"

"Ofcourse, Julie. I will. Binibiro ka lang." nakangising sabi nya.

"Kapag sinagot mo ako, ako na yata ang pinaka masaya at pinaka swerte." sambit nya.

"They said, i have everything daw. Pero hindi pa. Wala pa sakin ang lahat, Julie. Kasi hindi ka pa sakin." pagpatuloy nya at nakangiti pa.

Feeling ko talaga pulang pula na mga pisngi ko sa pinagsasabi nya.

This TimeWhere stories live. Discover now