Chapter 7

225 27 14
                                    

It's already 5pm. Kakatapos lang ng meeting regarding sa contract ko with EMC. Tsaka sa mga assigned teams for the photoshoots. Diniscuss din yung changes and schedules since nung pumirma ako, wala nun si Elmo.

Psh. Elmo.

Ewan ko sa kanya. Be professional daw pero sya itong parang ewan kanina sa meeting. Napaka init pa ng ulo. Nakakabwesit! Napatagal tuloy dahil sa kaartehan nya.

"Jules, thank you talaga! And sorry, Kiel time pala dapat ngayon. I didn't know." paghingi ng paumanhin ni Tita.

Biglaan naman kasi yun at nangyayare naman talaga yun kahit dun sa previous contracts ko.

"Okay lang po Tita. Naintindihan naman po ni Kiel. Tsaka babawi nalang ulit ako sa kanya." ngiting sabi ko kay Tita.

"You have your car naman diba? Una na ako." paalam ni tita.

"Opo. Sige po." sagot ko.

"Okay, una na ako. Bye Jules! Ingat ha?" sabi ni Tita at nauna na umalis.

Hindi na rin ako nag tagal dito at nagpunta na sa parking area.

Pabukas na sana ako ng sasakyan nang may tumawag.

Mama calling...

Sinagot ko naman agad.

"Momma, where are you na po?" bungad sakin.

"Pauwi na po." I said.

"Okay po momma. Don't forget my jollibee po momma huh?" he sweetly said.

"Opo, my Kiel. Noted na po. Wait for me, okay? I love you baby." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Momma! You called me baby!" sabi nya na pagalit.

Natawa naman ako.

"Ops sorry. I forgot." I said na natatawa pa rin.

"I'm not a baby na momma. I'm a big boy na po."

"Hmm yes po, my Kiel. I wont call you baby na nga." I said.

"Hmp! Okay po. Hurry na momma! Keil is hungry na po eh." Sabi nya at alam kong nakapout na naman ang anak ko.

"Sige na. Pauwi na ako. Bye na muna. I love you, my Kiel." paalam ko.

"Okiedokie momma! Byebyeee i love you more my momma." He sweetly said and ended the call.

Nilagay ko sa bag ko ang phone ko at binuksan ang pinto ng sasakyan ko.

"Ang clingy naman ng boyfriend mo, Ms. San Jose." biglang sabi ng nasa likod ko.

Napatingin naman ako sa nagsalita.

"Hindi ko yata napansin nung una nating pagkikita ulit na tumawag yang boyfriend mo?" nakapamulsa nyang sabi.

Ano daw? Boyfriend? Pano nya naman nasabing boyfriend ko kausap ko? Tsk. Ewan. Bahala sya sa buhay nya.

Imbes na sagutin ko sya. Pumasok nalang ako sa kotse ko at umalis sa kompanya nya.




Dumaan muna ako sa drive thru ng Jollibee at nag order ng mga request ng anak ko.

Pagkatapos, dumeretcho na ako sa bahay.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay, sinalubong agad ako ng anghel ko.

"Mommaaaaa!!" sigaw nya at yumakap sakin pagkatapos ay hinalikan ang pisngi ko.

"Jabeeee!!!" excited nyang sabi pagkakita sa dala kong request nya.

"Oh teka. Hindi ka dito sa sala mag eat. Halika dun tayo." sabi ko sabay turo sa dining area.

Tumakbo naman agad ang anak ko papunta sa dining area at pumwesto agad.

"Yeheeey jollibeeee!! Thank you momma, you are the beeeest momma in the world!" tuwang tuwa na sabi nya.

"Aww, you're welcome, my Kiel." I said.

Nagsimula na din syang kumain.

Pinagmasdan ko lang sya habang bibong bibo na kumain ng favorite nyang chicken joy.

Since nag five sya. Ayaw nya na talagang sinusubuan sya sa pagkain. Kasi ang sabi nya, big boy na daw sya.

Nakakatuwa lang. Worth it lahat ng pagod ko. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon.

Nasa harap ko yung anak ko. Nasa harap ko ang buhay ko.

"Naalala ko na naman noong panahong naglilihi ka, anak." biglang sabi ni Mama na hindi ko namalayang katabi ko na pala.

"Kahit 1am na, naghahanap ka pa ng jollibee, particularly, chicken joy ng jollibee. Iniiyakan mo pa talaga pag hindi ka nakakain." natatawang kwento ni Mama.

Natawa na din ako.

Oo, naalala ko yun. Ang emotional ko din noon eh. Lahat iniiyakan ko.

"Lumalaki na si Mikelle, anak." sabi ni Mama.

"At habang lumalaki sya, mas nagiging kamukha nya ang daddy nya." napatingin naman ako kay Mama.

"Ma..."

"Nalaman ko from Dani na itong new project mo, under EMC, na pag-aari ni Elmo." napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi nya.

"Wala ka bang balak sabihin sa kanya, anak?" tanong ni Mama.

"Wala, Ma. Kaya ko naman eh. Nabuhay naman kami ni Kiel na kami lang. Hindi namin sya kailangan, Ma." sagot ko habang nakatingin na sa anak ko na masayang kumakain.

"Pero anak, karapatan din nya na makilala si Kiel. Anak nya din ang apo ko."

"Tapos ano mangyayari, Ma? Makikilala ni Kiel ang pamilya ni Elmo? Paano kung hindi nila tanggapin ang anak ko, Ma? Ayoko. Hindi ko kayang makita na masaktan ang anak ko. Okay na yung ako lang yung nasasaktan." mahinang sambit ko.

Napabuntong hininga naman si Mama.

"Pero sana anak maisip mo na karapatan din ni Kiel makilala ang daddy nya. Hindi habang buhay anak eh maitatago mo sya." sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko.

"Alam ko, Ma. Pero ayoko muna. Ayokong magulo ang buhay ng anak ko."

"Sana anak, mabuksan din ang isip mo sa mga bagay bagay. Alam ko, galit ka. Nasaktan ka. Pero 6 years na ang nakalipas anak. Sana kahit para sa anak nyo nalang." sabi ni Mama at tumayo.

"Iprepare ko lang yung mga niluto ko para sa dinner natin. Tawagin ko din ang papa mo at mga kapatid mo." paalam ni Mama.

Tumango lang ako at napatingin sa anak ko.

"Momma, can i eat my ice cream na po?" tanong nya sakin.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Oo naman. Tapos ka naman na kumain tsaka ayan oh lusaw na ang sundae mo."

"Okaaaay Momma!" sagot nya at kumain na ng sundae nya.

Tinitignan ko lang sya. Tama si Mama. Habang lumalaki si Kiel, mas nagiging kamukha nya si Elmo.

Dapat ko bang sabihin sa kanya?

"Pero paano kung hindi nya matanggap, Julie?" pag epal ng isang bahagi ng isip ko.

Paano nga? Ayokong masaktan ang anak ko pag nagkataon.

Ayokong maramdaman nya ang naramdaman ko noon. Yung panghuhusga ng pamilya nya sakin. Ayokong pagdaanan ng anak ko lahat ng yun.

Sa akin lang ang anak ko. At gaya ng sabi ko noong muntik na syang mawala sakin, gagawin ko lahat maprotektahan lang sya.

Hindi ako hahayaan na makilala nila ang anak ko at mareject lang ang anak ko sa pamilya ng daddy nya.

"I'm sorry, anak. Ayoko lang masaktan ka nila." tahimik kong sabi habang nakatingin sa anak kong masayang kumakain ng sundae.




---

A/N: Hello! :) sorry, dapat nung sunday pa to pero nagdelete ako ng wattpad app dahil sa nag eerror sya sa phone ko. Anyway, ito na chapter 7. Sana nagustuhan nyo. Salamat sa pagbabasa 💙🧡 tsaka yung media na nilagay ko, yung Elmo the CEO na may galit sa mundo. 😂 HAHAHAHAHAH

Dont forget to vote and comment na din if bet nyo 😂 nagbabasa din ako eh. Thank youuu! Lovelots! 💗

#ThisTime

This TimeWhere stories live. Discover now