Prologue:Kakalabas ko lang sa ospital kahapon. Kahit medyo mahina pa rin katawan ko, naisipan ko pa ring puntahan si Elmo. Ang sabi ng kaibigan nya, wala daw sya sa condo nya. Ibig sabihin nasa Antipolo sya. Sa bahay nila.
Kasama ko si Maq, ang bestfriend ko, papunta sa kanila. Kinakabahan ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda.
"Ang tigas ng ulo mo, Julie. Patay tayo pag nalaman to nila Tito." pag-aalalang sabi ni Maq.
I smiled. "Dont worry, sasabihin ko mamaya na galing ako dito. Tsaka di tayo magtatagal. I just need to talk to him."
"Pwede namang pag nasa condo na sya diba? Gaga ka talaga! Sana nagpahinga ka nalang!" panenermon nya sakin.
Natawa naman ako sa kanya. "Im okay, Maq. Gusto ko kasi malaman nya agad. Hindi pwedeng hayaan kong mawala sya sakin, Maq. Hindi ngayon." I said to her.
"Hay bahala ka nga." pag give up nya sa usapan.
Napatingin naman ako sa malaking bahay na nasa harap namin. Its been 3 weeks din since last kong punta dito. Naging magulo yun dahil sa hindi namin pagkakaintindihan. We broke up last week. Pero ngayon, hindi pwedeng ganun nalang. Kailangan ko sya.
"Sasama ka ba? Or dito ka nalang?" tanong ko kay Maq.
"Sasama ako. Baka mapano ka. Awayin ka ni Magalona naku!" sagot nya naman na nagpatawa sakin.
"Ang OA mo naman dyan. Tara na nga" sabi ko at naglakad na papuntang gate nila.
Sa pangalawang doorbell ko, lumabas mula sa bahay nila si Tita Pia.
"What are you doing here?" tanong nya sakin while raising an eyebow to me.
"Tita, gusto ko lang po sanang kausapin si Elmo." mahinahong sagot ko.
"What for? Akala ko hiwalay na kayo?" masungit nyang tanong.
"Kailangan ko lang po sya makausap tita. Importante lang po talaga." i said and looked at her.
"He's busy. Hindi ka nya maientertain ngayon." malamig nyang sambit.
"Tita please. Kahit saglit lang po." magmamakaawa ko sa kanya.
"I said ---" hindi nya na natuloy ang sasabihin nya dahil sa pagtawag sa kanya ni Jamine.
"Tita P, what took you so long sa labas?" tanong nya habang papalapit samin.
"Oh, dear kinausap ko lang si Julie." sagot ni Tita sa kanya.
Nagtaka naman ako.. bakit sya andito?
"Oh. Hi Julie! Bakit ka andito? Si Elmo kailangan mo? Sorry to disappoint you pero hindi ka nya mahaharap. As you see, andito pamilya ko kaya he's busy." mataray nyang sabi sakin.
"Julie, uwi nalang tayo. Mukhang busy nga si Elmo." si Maq na hinihila ako papuntang kotse.
Pinigilan ko sya. "Hindi, Maq. Andito na nga tayo eh." sabi ko sa kanya at lumapit ulit kela Tita Pia.
"Tita, please. Importante po to. Please." magmamakaawa ko sa kanya.
"He's busy, Julie. Umuwi ka nalang." sabi ni Tita.
"Oh she doesnt know pala Tita?" maarteng tanong ni Jamine kay Tita.
Nagkibit balikat lang si Tita Pia. "Let's go, Jam." akmang tatalikod na si Tita pero nagsalita si Jamine.
"Today is our engagement party. And at the same time, merging ng kompanya namin. So if i were you, aalis nalang ako." mataray nyang sambit at tumalikod na sila samin.
"Anong sabi mo?! Engagement? Paanong nangyari yun? Please naman oh! Ilabas nyo si Elmo. Kailangan ko sya makausap." naiiyak ko ng sambit sa kanila.
Galit na nilingon ako ni Tita Pia. "Wag ka magsimula ng gulo dito, Julie."
"Gusto ko lang po sya makausap." I said, hopelessly.
"Umalis ka na! Guguluhin mo lang ang araw na to para samin! And oh, if you're wondering how did this happened, well, kasi pinili nya ako over you. Ayokong mas masaktan ka pa sa oras na isampal sayo ni Elmo ang totoo. Kaya umalis ka na if you still respect yourself." maarte nyang sambit at tuluyan na kaming iniwan.
Umiiyak kong tiningnan si Tita Pia. "Tita.."
"Just leave, Julie. Ako na makikiusap. Wag ngayon." Sabi nya at tinalikuran din ako.
Dinaluhan naman ako ni Maq. Umiyak lang ako habang niyayakap nya ako. Paanong engagement party nila ngayon? Akala ko ba gagawa sya ng paraan? Bakit? Ganun ganun nalang ba? Paano ako?
"Tama na, Julie. Tama na. Alis na tayo" pagpapatahan ni Maq sakin.
"Maq, paano naman ako? Ganun ganun nalang?" umiiyak kong tanong.
"Gagu si Elmo pero im sure may dahilan sya, Julie. Tara na muna. Magpahinga ka na muna." sabi nya sakin at inalalayan ako papunta sa kotse nya.
"Ah! A-araaay! Maq!" impit na sigaw ko. Ang sakit ng puson ko.
"Oh shit Julie! Dinudugo ka! Fuck!" natatarantang sambit nya.
"Maaaq, please aaahhh ang sakit! Yung baby kooo!" umiiyak kong sabi sa kanya.
"Fuck shit, Julie wag kang pumikit!" naiiyak nyang sabi.
"Save my baby, Maq please." pagmamakaawa ko sa kanya bago ako nawalan ng malay.
"Julie, anak? Julie!" gising ni Mama sakin.
Nagising ako na ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Napanaginipan ko na naman yun.
"Okay ka lang nak? Narinig kitang umiiyak kaya ginising kita." pag aalalang tanong ni Mama.
I wiped my tears. "Okay lang ma. Napanaginipan ko lang ulit."
"Yung nangyari na naman 6 years ago?" tanong ni Mama.
Huminga ako ng malalim. "Opo. Pero okay lang ma. Siguro dahil stress ako ngayon kaya binabangungot ako." i said and tried to smile.
"Oh sya, mag ayos ka na. May photo shoot ka pa today." sabi ni Mama tsaka tumayo.
"Okay ma, nasa baba na ba sya?" tanong ko kay Mama.
"Oo, alam mo naman yun ang aga nagigising. Sige na, mag ayos ka na dyan. Ako na muna bahala sa kanya." sabi ni Mama at umalis na sa kwarto ko.
Napabuntong hininga naman ako. Its been 6 years. 6 years na mula nung mangyari yun. Ang isa sa pinaka-pinagsisihan ko. Sana pala hindi nalang ako nagpunta non sa kanila. Sana nakinig ako kay Maq. Sana nagpahinga nalang ako nun sa bahay. Hindi sana nangyari sakin yun. Hindi sana...
"Wag mo na isipin pa yun Julie. Nakamove on ka na diba? Stop thinking about the past." I said to myself.
I sighed. "Sana lang hindi na magkrus pa landas natin Elmo. Mabuti na ang buhay ko. Ayoko na magkaroon pa ng kahit anong connection pa sayo. Hindi ko na gugustuhin pang makita ka pa. Dahil hindi ko na kaya pang masaktan ulit dahil sayo. Not this time."
A/N: hi guys! sorry for the grammatical errors and typo errors. Walang edit edit yan ni author haha. And please bare with me, kasi every week ang update nito since busy sa modules and work si author. In short, napaka-slow ang update nito. But still, i hope you'll support this story of ours. Thank you! ❤
Dont forget to vote and share your thoughts about this story. We'll be reading comments, btw. hihi. Much love, itlog at patatas! 💋
YOU ARE READING
This Time
FanfictionJulie and Elmo met 10 years ago. Undoubtedly, they loved each other. They even had a clear plans for their future. They were passionate at their dreams and relationship. But.. sometimes, LOVE isnt enough. Their world had crashed. And choices had to...