Chapter 9

222 26 6
                                    


(this chapter is dedicated to lizjaps04 thank you for reading and supporting #ThisTime! ❤)

Mabilis lumipas ang mga araw. Isang buwan na din simula nung inaya nya akong mag lunch. Isang buwan na din since nag umpisa ang 2nd semester namin.

Simula nung nagstart itong sem na 'to. Walang araw na tahimik ang buhay ko dahil may isang Elmo Moses Magalona na laging andyan para bwesitin ako.

Naging usap usapan din kami sa department namin dahil nga lagi nalang kaming magkasama. Nakailang taboy na ako sa kanya pero ang kulit nya eh.

Seryoso daw sya talaga na gusto nya ako at nanliligaw daw sya. Kahit naman hindi ako pumayag wala daw akong magagawa. Edi bahala sya sa buhay nya.

Andito nga pala ako sa library para mag-aral. Prelims na din kasi at hindi pwedeng pachill chill lang ako.

"Dito ka lang pala." napaangat naman ang tingin ko sa nagsalita sa harap ko.

Nakangiti sya habang dala dala ang mga gamit nya.

Sino pa ba? Edi si Elmo na naman.

Tiningnan ko lang sya habang nilalagay nya sa table mga reviewers nya at umupo sa tapat ko.

"Wala ka ng pasok?" I asked him. Ang alam ko kasi may klase pa sya ngayon.

Ngumiti lang sya sakin.

"Wag mo ko daanin sa pangiti ngiti mo dyan. Diba may klase ka pa dapat?" Inis kong tanong.

"Yep. Pero early out. They have to make sure pa daw na okay yung gagamitin tomorrow for the meeting." He said at tumango lang ako.

Binalik ko nalang ang pansin ko sa binabasa ko. Goal ko ngayong sem, mag top pa rin. Ayokong madisappoint sina Mama at Papa sakin.

"Labas tayo mamaya? Nightout daw?" Aya nya sakin.

"Mag aaral ako." Sagot ko habang nasa libro ko pa rin ang atensyon ko.

"Saturday naman bukas." Sabi nya.

"Eh ano naman? Mag-aaral ako. Prelims na next week." Sabi ko naman sa kanya.

"Maq will be there too. Sabi nya, when it's friday and bored kayong dalawa, lumalabas daw kayo." Sambit nya.

Hinawakan nya yung isang kamay ko na nasa table.

"You have the weekends to study, Julie. Magrelax ka muna mamaya." Sabi nya habang nakahawak pa rin ang kamay nya sa kamay ko.

"Kayo nalang. Enjoy nalang kayo." I said at inalis yung kamay ko sa table.

"Ipaalam kaya kita sa parents mo?" Agad naman ako napatingin sa kanya.

"Wag na wag mong gagawin!" inis kong sabi.

He smirked. "Edi, sumama ka nalang. I'm sure kukulitin ka din ni Maq. I'll drive you home naman."

"Ayoko nga kasi. Bat ang kulit mo?" inis ko syang tinignan.

"Alam ko kasi na puro ka nalang aral this past few days. Kelangan mo din magrelax, babe." Sabi nya at ngumiti sakin.

Bwesit na yan! Dinadaan talaga ako sa ngiti nya. Akala nya siguro madadala ako. Medyo lang naman.

"Babe mo mukha mo!" sabi ko nalang.

"So ano? Sama ka ha? Sunduin nalang kita mamaya." nakangiti nyang sabi.

I rolled my eyes. "Fine. Pero uuwi din ako ng 10 pm." I said.

This TimeWhere stories live. Discover now