"Hoy! Tulaley ka dyan!" pang-gugulat ni Maq sakin.
Napatingin naman ako sa kanya.
"Oh ano? Bat ka tulaley dyan?" tanong nya.
"Wala, may naisip lang." sagot ko sa kanya.
"Ano naman yun at natutulala ka dyan?" takang tanong nya.
"Ay wait. Baka naman kasi sino? Si Elmo ba yang iniisip mo?" dagdag pa nya.
"Hindi. Ano lang... Basta!" sagot ko.
Iniisip ko lang talaga yung mga what ifs. Alam ko dapat hindi ako mag isip ng kung ano ano, tiwala naman ako kay Elmo. Pero di ko maiwasan. Natatakot ako. Lalo na at alam ko sa sarili kong mahal ko na sya. Naguguluhan ako. First time ko din naman kasi maramdaman to. Swerte na nga ako kay Elmo kung tutuusin pero ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi hindi talaga kami bagay sa isat isa. Natatakot ako sa nararamdaman kong to. Simula nung unti unti akong nahuhulog sa kanya, hindi na maalis sa akin yung takot. Pero dapat ba akong matakot? Alam ko namang mahal nya ako at sincere sya sa akin. Pero...
Hayy ewan.
"Bes, kung tungkol ulit to sa nangyari nung nakaraan, wag mo na masyado isipin yun." sabi ni Maq sakin.
"Tsaka diba sabi ni Elmo sayo na kahit anong mangyari papanindigan ka nya kasi mahal ka nya. Wag kang masyado mag overthink dyan." sambit nya pa.
"At kung mahal mo naman sya, wag mo pigilan ang sarili mong sumaya. Sumugal ka. Gaya ng pagsugal ni Elmo sayo."
Tama naman si Maq. Tsaka I trust him. I trust his love for me.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Balak mo na ba syang sagutin? Mahal mo na?" tanong ni Maq sakin.
"Honestly, naguguluhan ako Maq. Alam mo naman diba? Wala to sa plano ko. Hindi ko inasahan na makikilala ko sya. Na liligawan nya ako. Na mahuhulog ako sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka masaktan lang ako, Maq." sagot ko sa kanya.
"Pero mas nakakatakot Jules kung mapuno ka lang ng what ifs tapos sa huli pagsisisihan mo lang din na hindi mo sinubukan, na hindi ka sumugal." sabi nya at tiningnan ako.
"Kita ko naman na mahal ka talaga nya, bes. Give it a try. Basta support lang ako sayo." ngiting sabi nya sakin.
"Basta hoy wag mo na isipin yung nangyari nung nakaraan ha. I'm sure naman matatanggap ka din ni Tita Pia, syempre ganyan sa una eh, di ka pa bet pero i'm sure kapag naman naging kayo, at nakita nyang mabuti ka namang tao at matino pa, magugustuhan ka din nun para kay Moks! Aba, wala na silang hahanapin pang iba sayo!" sabi nya at napairap pa.
Natawa ako. Kahit kelan talaga tong bestfriend ko. Pero tama naman sya. Siguro iwasan ko nalang mag isip ng kung ano ano.
"Pero seryoso nga Julie ha, give it a try. Kita kong mahal mo na sya at mahal ka naman din nya. Wag na pabebe, sige ka, baka maagaw pa ng iba."
Napatingin naman ako sa kanya.
"Kaya kung mahal mo, bakuran mo. Bigyan nyo na ng karapatan ang isa't isa."
Sapat na ba yung pagmamahal na yun? Paano kung hindi? Paano kung oo? Paano kung hindi mag-work? Paano kung mag-work? Paano kung ako lang din ang masasaktan?
Aish!! Gulo mo, Julie Anne!
Haynako Julie Anne, hanggang kailan ka ba ganito? Wala namang nagmamahal na hindi nasasaktan.
YOU ARE READING
This Time
FanfictionJulie and Elmo met 10 years ago. Undoubtedly, they loved each other. They even had a clear plans for their future. They were passionate at their dreams and relationship. But.. sometimes, LOVE isnt enough. Their world had crashed. And choices had to...