Chapter 8

272 25 11
                                    

Flashback...

Enrollment na for second sem. Andito ako ngayon sa school at syempre kasama ko si Maq. Since same course naman kami, same subjects din kukunin namin.

"Grabe bes! Kukunin na natin grades natin. Kinakabahan ako!" sabi nya habang naglalakad kami.

"Sus, bat ka kinakabahan? Panigurado naman mataas grades mo." sabi ko naman sa kanya.

"Hoy itulad mo ako sayo! Sana all deans lister noh? Di ka naman namomoblema eh. Jusko bes, eh ako? Hirap na hirap kaya ako dun sa subject natin kay Ms. Diumano!" pagrereklamo nya.

"Tiwala lang kasi. For sure naman wala kang tres." natatawa kong sabi sa kanya.

"Hi girls!" bati naman samin ng nasa harap namin ngayon.

"Oy Elmo! Aga mo din dito ah. Mag eenroll ka na din ba?" tanong ni Maq sa kanya.

"Actually, tapos na. Kaya..." tumingin sya sakin. "Sasamahan ko nalang kayo."

Siniko naman ako ni Maq. "Taray! Haba ng hair ng bestfriend ko ah."

"Hoy Elmo, nililigawan mo na ba tong kaibigan ko?" dagdag nya pa.

"Bilisan kaya natin, Maq? Baka dumami na ang nagpapaenroll eh." pag iiba ko ng topic.

"Tumahimik ka dyan, Julie! Change topic ka dyan eh!" bulyaw sakin ni Maq.

"So ano na nga? Nililigawan mo to?" sabay nguso sakin na katabi nya lang.

"Uhm, actually last month pa." sagot naman nimg mokong.

Anong sabi nya? Last month? I never let him court me. Baliw yata to.

"Anong last month? Hoy Elmo! Hindi naman ako pumayag ah!" sambit ko.

"Gaga! Choosy ka pa talaga? Mygawd Julie Anne!"

Kahit kelan talaga tong si Maq. Alam nya naman kasi kung bakit.

"Tara na nga! Bilisan nyo, ayoko matagalan sa enrollment." sabi ko nalang at nauna pa sa kanila na maglakad.

Almost 6 months na din kaming magkakilala ni Elmo. At last month lang, sinabi nya sa akin na gusto nya ako. Na liligawan nya ako. Pero di ako pumayag. Pakiramdam ko kasi ang layo ng agwat naming dalawa. Langit sya, lupa ako. Hindi bagay. At isa pa, ang focus ko lang talaga ngayon ay ang pag aaral ko. Ayokong madisappoint sila Mama sakin. Ang mahal mahal pa naman ng tuition.

"Hoy bes!" mahinang tawag sakin ni Maq.

"Bakit?" tanong ko.

"Bakit di mo pinayagan si Elmo manligaw?" takang tanong nya. "Mukha namang seryoso sya."

"Maq, wala pa sa isip ko ang magboyfriend." sagot ko.

"Gaga! Ligaw pa naman. Tsaka tignan mo oh." tumingin sya kay Elmo na naghihintay samin.

"Mukha naman syang seryoso. Naalala mo sinabi ko sayo dati? Balibalita noon dun sa dati nyang school na playboy yan. But he proved us wrong. Simula nung nangungulit sya sayo, never nya pinansin kahit isa dyan sa mga bitch sa tabi tabi." litanya ni Maq.

"Kahit na, Maq. Tsaka sabi nya naman willing syang maghintay. Then, lets see nalang." sabi ko sa kanya.

"Hay ewan sayo. Mukha din namang bet mo sya naku julie anne! Yung mga tinginan mo sa kanya." nanunukso nyang sabi.

Napailing naman ako. "Ewan ko sayo Maq. Okay naman kami, as friends."

"Edi friends! Pabebe ka pa. Tsaka tignan mo. Ikaw pa rin top sa deans list. Sana all, matalino." she said and rolled her eyes.

This TimeWhere stories live. Discover now