Chapter 2

293 28 14
                                    


Halatang nagulat sya na makita ako. At ako heto, halos hindi na nga makakilos dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Bakit kelangan pang pagtagpuin ulit ang landas namin? Okay naman na ang buhay ko na wala sya. And i'm sure masaya na din sya sa buhay na pinili nya.

"Julie? Are you okay?" tanong sakin ni Tita Dani.

Pilit ko namang kinalma ang sarili ko. "O-okay lang po." sagot ko at ngumiti sa kanila.

"Okay, shall we proceed na?" tanong ni Tita Dani.

Tumango lang ako. At nag-umpisa na nga nilang idiscuss yung sa photo shoot today. Yung cover pala hindi ganun ka romantic, may part lang sa magazine na kelangan romantic yung theme since launching din ng perfume brands nila and their newest clothing lines.

Halos wala na din akong maintindihan sa sinasabi sa amin dahil sa halo halong nararamdaman ko ngayon.

Ang layo na pala ng narating nya. Dati naman sunod sunuran lang sya sa parents nya. Gusto nya mag culinary noon, yun ang pinaka pangarap nya pero kinailangan nyang magtake ng business course para sa company nila. Lihim nga syang kumuha ng kursong culinary arts nun. Pinagsabay nya pa nun. Pero natigil sya dahil nalaman ng parents nya. Kaya napilitan nalang syang magfocus sa kursong gusto ng mga magulang nya.

I wonder sino na nagmamanage ng kompanya nila ngayong may sarili syang kompanya? Sya din ba? Anong nangyare sa pagpapakasal nila ni Jamine?

Napakunot naman ng noo ko sa naiisip ko.

Tiningnan ko naman ang mga kamay nya. Wala syang suot na singsing. What does it mean? Hindi natuloy? Pero hindi eh. Nabalita pa yun. Baka hindi nya lang suot? Siguro nga or baka hindi sila okay.

Ano bang pakialam mo Julie? Ano naman sayo kung wala syang suot na singsing?

Napabuntong hininga nalang ako.

"Jules are you really okay?" tanong ulit ni Tita Dani sakin.

Napaangat naman ang tingin ko sa kanya. At napatingin din ako sa mga kasama namin. They're all looking at me.

"Y-yeah. I'm fine, tita. I'm sorry po may bigla lang akong naisip." paghingi ko ng paumanhin sa kanila.

Napatingin naman ako sa kanya. He's looking at me na para bang kanina nya pa ako sinusuri. Inirapan ko nalang sya.

Julie focus. Si Elmo lang yan. Wala na syang halaga sayo diba? Then, prove it.

Ilang instructions pa binigay samin then tinawag na yung head writer nila para sa magazine na gagawin for their company.

Kunting ayos lang din kelangan namin and ready for takes na.

"Glad to meet you again, Julie." bigla nyang sabi habang papunta kami sa pwesto namin.

Tahimik lang ako. Ayokong makausap sya. Gusto kong matapos nalang to agad.

Sobrang uncomfortable ako ngayon. Parang bawat kilos ko kontrolado. Sana matapos to agad.

"Okay, solo muna, Mr. Magalona ikaw muna then sunod si Ms. San Jose. Unahin natin tong shoot na to then proceed sa inyong dalawa na magkasama." Sabi nung photographer na si Sir Jay.

"Madam Chan, ready na lahat?" tanong ni Sir Jay kay Miss Chan.

"Yes, simulan na." sagot naman ni Miss Chan.

"Okay! Mr. Magalona, pwesto ka na. Tingin sa camera. Give me a serious pose, Mr. Magalona! Okay! Look at your right! Ayan. Good!"

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagshoshoot sya.

This TimeWhere stories live. Discover now