CHAPTER Six✓

656 39 5
                                    

🚫 This story may contains explicit words and scenes which young readers may not allowed to read.🚫

JAIMEE

" OH, BAKIT mo ako pinapapunta dito, Dave?" Tanong ko sa kaniya ng makarating ako sa parke ng village namin.

May mga poste ng ilaw dito kapag gabi. Kaya nga lang palalim na ang gabi at di na masyadong matao rito.

Maliban sa aming dalawa may iba pang tao bukod sa amin. Nag - message kasi sa akin si Dave at pinapapunta ako dito. Nag-reply nga ako kung bakit. Ngunit walang tugon akong natanggap na rason kun'di pumunta daw ako dito.

Nagpa alam ako sa aming maid na maglalakad ako kung sakaling lumabas ng kwarto nila ang aking magulang. Kung magtanong ito kung nasaan ako ay may isasagot ito sa kanila.

" Nahihiya ako, e." Tingin sa baba niyang saad.

" Ke lalaki mong tao nahiya ka pa. Sabihin mo na. Alam kong importante yan at pinapunta mo pa ako rito." Tumingin ito sa akin ng may kalungkutan sa mata. Mabilis na inilayo niya ang tingin sa akin.

Kanina ko pa napapansin ang kinikilos ni David. Ng magkita kami lunch time matamlay na siya. Akala ko may sakit wala naman pala ng matanong ko siya.

" Pa'no ko sasabihin to." Aniya. Hinintay ko lang na magsalita siya.

Lumipas ang ilang minuto bago siya nagsalita. Nababalisa ang kaniyang kilos habang pinagmamasdan ko siya. May kinikimkim ata itong problema.

" Oh, ano na pumuputi na ang uwak. Ano ba--"

" Gustong paaralin ako ng magulang ko sa ibang bansa." Putol niya sa akin.

"Aalis ka lang pala papuntang ibang bansa." Ulit ko sa sinabi niya. Ngunit narealize ko ang sinabi niya.

" Aalis ka?! Iiwan mo kami. Unfair mo naman. Isang taon na lang ga-graduate na tayo. " Puno ng gulat ako sa kaniyang sinabi. Bakit ba siya aalis maganda naman takbo ng buhay niya dito sa pilipinas tapos aalis siya.

" Hindi mo naiintidihan, Jim."

" Alin ang hindi naintindihan, Dave. Ang pangingibang bansa mo?" Puno ng hinanakit ko sa kaniya. Binigla niya naman ako sa pinagtapat niya sa akin. " Alam na ba ito nila Tin at Peter?"

" Hindi. Kasi natatakot akong sabihin sa kanila. Ikaw pa lang ang sinasabihan ko kasi ayaw ko silang magtampo o magalit sa akin. Masasaktan lang sila." Sambit niya na naiiyak.

" Masasaktan at masasaktan pa rin sila Dave. Masakit sa akin ang pinagtapat mo ngayon."

Hinawakan niya ang aking kamay. " Mahirap din sa akin ito. Wala akong ibang mapagpipilian. Di madaling sumuway sa sinasabi ng magulang ko, Jim. Alam mo yun." Nahaplos nito ang puso ko.

Nag-iisang anak naman ito ng kaniyang magulang. Kadalasan ang mga nag-iisang anak gusto ng magulang sumunod sa family line nila. Maging perpekto ang anak nila at maipagmamalaki sa lipunan. Pressured sa gusto nila para sa magiging anak.

Isa s'ya sa mga iyon. Narito ako bilang kaibagan na dapat intindihin at damayan sa mga problema. Ano pang saysay kung magtampo ako sa kaniya. Madalang lang ang mga tunay na kaibigan. Maraming beses niya na napatunayan ang pagiging kaibigan niya. Nariyan siya palagi sa aming tabi kung kinakailangan namin ng tulong.

Lay Your Love On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon