CHAPTER Seven ✓

584 44 19
                                    




JAIMEE

NANGINGINIG AKO sa lamig. Mabigat ang aking pakiramdam. Nahihilo rin ako. Ang buo kong katawan napakasakit tila nasagasaan ng truck. Hindi ko magalaw ang buo kong katawan. Umuungol ako at nagdedeliryo sa situation hindi ko makayanan ang aking kabigatan ng pakiramdam ko.

Naaninag ko na tirik na ang araw. Tanghali na pala parang kulang pa ang aking tulog. Tumunog ang pagbukas ng pinto. Narinig ko ang yapak ng paa palapit sa akin.

Dumampi ang kamay niya sa noo ko. Pati na rin sa aking leeg. " Fuck! Inaapoy ka ng lagnat, Jim. Sorry. Sorry. Idadala kita sa hospital ngayon." Sambit na na natataranta.

Tang ina mo pagkatapos mo akong pagsawaan at angkinin ng marahas siguradong lalagnatin ako. Winasak mo ang pagkabirhen mo kuya Greg. Ikaw pa na mahal ko. Napagtanto ko na hindi na pagkagusto ang nararamdaman ko sa iyo. Kasi kung hindi kita mahal hindi ako masasaktan ng ganito.

Wala sanang epekto kung babuyin mo ako. Ngunit hindi, bago pa mangayare ang kagabi nahulog na ako ng lubusan. Mas malala pa naloko ako. Akala ko wala na kayo.

Binuhat niya ako nagpupumiglas pa sana ako. " A...yo...ko. Ano ba."

"Huwag ka ng makulit pa, Jim, nag-aalala ako sa kalagayan mo."

Naisakay niya ako sa kaniyang sasakyan nakapikit lamang ako. Pagdating sa hospital pinahiga ako sa stretcher at natataranta ito. Nakahawak lamang ang kamay niya sa akin.

Naputol lamang ang pagkakahawak niya sa kamay ko pagpasok sa ER. Pinabawalan siyang pumasok sa loob. Doon na lamang ang natandaan ko. Ginupo na ako ng antok at di ko na kinaya pa ang kabigatan ng katawan ko at pagka hilo.

Nakakalito ka naman Greg. Nawalan na ako ng galang sa iyo.

" Matindi ang trauma ng katawan niya sa katawan, pare. Matagal bago mawala ang pasa at sugat sa kaniya. Pati na rin ang internal bleeding sa kaniyang lagusan tila pinasok ng marahas. Kailangan niyang ma-admit dito ng isang linggo o lagpas 7 araw. Kailangan obserbahan ang kaniyang kalagayan." Narinig kong paliwanag ng doctor.

" Mahalaga maging okay siya. Salamat, bro." Sabi ni Greg. May himig na ginhawa sa boses niya.

" Naku, bro, huwag mong sabihin ikaw ang may gawa niyan?" Tanong ng doktor. Tahimik lamang at wala akong narinig na sagot.

" Fuck, bro, tinalo mo kapatid ni Ethan. Tindi mo bro 'pag ito nalaman n'on. Bugbog sarado ka. Special pa naman sa kaniya iyang bunso nila. Hindi lang tinalo, ginahasa mo pre. Masaklap ang pinaranas mo kay Jaimee, bro. Kaya humanda ka, Greg. Hindi mo lang basta ginalaw, you raped the poor young man." 

" Pota! Alam ko yun bro. Handa akong harapin ang galit niya. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako." Sagot niya.

" Nadala ng alin, bro?"

" Iyon nga, bro, I don't know why I did it. Sising-sisi ako."

" Na-inform mo na ba magulang niyan?"

" Oo, papunta na rito. Kung magtanong man paki-sagot ang totoo. Ayaw kong magsinungaling sa kanila." Request ni Greg sa kaibagang doctor.

" Sige bro makaka asa ka." Narinig ko ang pagtapik." Una na ako."

Bakit mo pinaparamdam sa akin ngayon na nagsisisi ka. Hayop ka Greg ang laki ng kasalanan mo sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangba-baboy mo sa akin.

Hindi pa rin mabuti ang pakiramdam ko. Nakatulog ulit ako.






NAGMULAT ako ng aking mga mata. Medyo nasilaw ako sa liwanag ng ilaw. Nagising ako sa paghaplos sa kaniyng buhok.

Lay Your Love On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon