CHAPTER One ✓

924 60 1
                                    

JAIMEE


BANAYAD NA humahaplos ang lamig ng aircon sa aking balat. Ang living room ang naging study place ng kuya ko at ang kaniyang kaibigan slash classmate. Sa mura kong edad, nagsimula ng mahumaling ang munti kong puso sa isang lalaki.

Nawawala ako sa aking katinuan kapag nakikita ko si Kuya Greg. Nandito naman kasi siya sa bahay namin para mag-group study silang dalawa ni Kuya.

Kaibigan siya ni kuya Jonathan, ang Kuya ko. Kaya hindi na maipagtataka na palagi silang magkasama.

Sa kabilang bakod lamang ang kanilang bahay kasi kaya madali ko lang siya makita araw-araw. Since childhood pa lang ako, maka-kapit tuko na silang dalawa. Parang magkapatid na hindi magkahiwalay.

Kagaya ngayon tuliro akong pinagmamasdan siya habang abala sila sa ginawa nila. Ang guwapo niya talaga sa malapitan o malayuan. Ang walang muwang kung puso tila nagkakagusto na sa kaniya.

Binata na pareho sila at pareho ring kurso ang kinuha. Business Administration. Palaging nagpapaligsahan ang dalawa sa babae. Para lang silang namamalit ng damit.

Hindi na bago sa akin kasi palagi ko silang naririnig kapag nag-uusap. Kahit walang pahintulot pumupuslit ako para pakinggan ang boses ni Kuya Greg.

Ang pamilya namin alam na ang pagkatao ko. Sa kabila n'on tanggap nila ako parati nga nila akong ini-spoiled. Sobra kong saya kasi malaya ako sa kung ano ako. Kung ano ang preference ko sa buhay. Ang pusong babae na ipininganak.

Ang mukha ko ay may wangis ng aking ina. Tanging ako lamang sa aming magkakapatid ang kamukha ni mama. Si Kuya Jordan na panganay sa amin at ngayon isa nang Engineer sa isang Company Firm na pinagtatrabahuhan niya. Matanda siya sa akin ng 13 years. Kamukha niya ang pogi naming Papa. Si Alvin Josef Santiago. Katulad ni Papa gwapo rin si kuya na ngayon ay may nobya na.

Sumunod si ate Charmaine. Kumukuha ng kursong Education Major in Secondary. Graduating na ngayon taon. Malambing si ate Maine, palagi siyang tumuro at nakikipaglaro sa akin kahit medyo malayo ang agwat namin. Napagitnaan ba naman ng dalawang lalaki. 9 years ang agwat namin. Kahit ganunpaman ramdam ko ang pagmamahal ng isang ate.

Si kuya Jonathan ang pangatlo. Ang matinik kababaihan. Pilyo at mapaglaro pero kapag sa akin, iba siya. Mapagmahal rin si kuya Jon sa kanilang tatlo siya ang nag-spoiles aa akin. Freshman sa college, 5 years naman ang aming agwat.

Kung tatanungin niya naman ako. Jaimee Santiago, 12 years of age at graduating sa elementary. Balingkinitan ang aking katawan tulad ng sa babae. Mayroon rin akong makinis na balat at mukha na mapagkakamalang babae. Kahit ang boses ko walang pagbabago. Pero thankful ako para doon. Kamukha ko si mama Felicity ko.

" Bunso, matunaw si Greg sa titig mo. Ano gwapo ba?" Pang-aasar ni kuya. Namula ako at nag-init ang buo kong mukha. " 'Di hamak na mas lamang ako diyan, Bunso. Pogi yata 'tong kuya mo."

" Naku bro, huwag mo na ngang asarin kapatid mo. Namula tuloy. Tumitig ka lang, Jim sa akin. Pikon lang kuya mo kasi mas gwapo ako sa kaniya." Tumawa ito.

Lumabas ang biloy niya sa kaniyang pisngi. Lalong gumwapo siya sa paningin ko. Makarisma talaga si kuya Greg hindi sa kababaihan pati sa mga binabae.

May katawan na rin siyang maipagmamalaki. Nagkakaroon na siya ng mga muscles at abs. Nakita ko na kasi kapag naka hubad baro siya.

Lay Your Love On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon