JAIMEE
KASALUKUYAN kaming nananghalian sa isang fastfood chain sa loob ng mall. Malapit lang siya sa aming University.
At ang mode ng mga bakla. Bumibilang ng gwapong nasa loob at labas ng fastfood na kinakainan namin. Nakakahiya pero nakikisali pa rin ako.
" Ilan na gwapo nabilang natin?" Tanong ni Peter. Pumalatak si Tina at sinagot si Peter.
" Tatlumpu." Magiliw na sabi niya. Hmp magantihan nga.
" Isa." Sabay turo ko kay Dave. Sumulyap si Tina kay Dave at nagtagpo ang mga mata nila. Kisap-matang umiwas ang loka.
Natawa ako. Halata ka girl.
" Hindi pa ba kayo tapos? Anong oras na ba para makagala pa tayo palibot sa mall." Tanong ni Peter.
Kumakain pa si Dave pati kaming dalawa ni Tina. Pano kaso nag diet naman ang bakla kaya umayaw agad sa pagkain. Buto't balat na nga diet pa rin. Magka - TV to. Iyong walang antenna.
" Bulag ka, kita mo pang kumakain pa kami. Sino kasing may pakana na magbilang ng lalaki?" Sumbat ni Tina kay Peter.
" Sino namang engot ang sumunod?" Pamimilosopo nito kaya hindi na ako nakatiis. Binatukan ko siya ng malakas.
" Bopkols ka pala. Alam mong kumakain pa kami nagsabi ka pa na magbilang ng dumadaang lalaki." Sermon ko sa kaniya.
Nagpa-awa epek siya. Iyong kalimitang linya ni Vice Ganda sa pelikula niya. "Ah-Hmm-hmm" parang kabayo yung mukha. Echos lang. Way niya lang ni Vice iyon sa pagpapatawa niya sa pelikula.
Hindi kasi bagay kay Peter ang make-face na iyon. Naalala ko kapangalan niya ang isa sa ginanagapan ni Vice Ganda sa isang pelikula. Iyong sinumpa siya bilang kabayo.
Natahimik ang table namin. Konting minuto pa natapos rin kaming kumain at ako pa ang nahuli.
Napagpasyahan namin pumunta ng bookstore. Wala na kasi akong mabasa na bagong novela rin. Mahilig kaming bumili ng novel tatlo. Kahit nga libro pa kagaya kay Dave. Pero di masyado nagbabasa yang lalaking yan ng novel. Informational books binabasa.
Nasa section ako ng paborito kong pinagpipilianng babasahin. Bigla na lang may nabangga akong matigas na bagay. Ay di pala tao.
" Sorry. Sorry po." Paumanhin ko rito ng nakayuko.
" Jim?" Kilala ko ang boses na yun.
" Kuya Greg?" Sambit ko.
Nagulat ako na makita siya sa bookstore na ito. Naka-T-shirt na hakab sa katawan niya si Kuya at Pants.
(See multimedia, Kuya Greg, photo not mine, its from the internet.🥰)
Syet nakakapanglaway. Kakain ko pa lang ng tanghalian may ulam na sa harapan ko. Baka ma-empatso na ako sa sobrang kain.
Bigla kong naalala ang naganap sa pagitan namin dalawa sa loob ng aking kwarto. Pinag kibit balikat ko na lamang at sana hindi niya binuking ang milagrong naganap sa pagitan namin. Knowing sila mama at papa hindi na iyon mag-u-usyoso pa kapag si Kuya Greg.
Nakaka lito pa rin bakit ako nagparaya sa init ng katawan. Palaisipan iyon sa akin. Ngunit magpa ganoon pa man masaya ako sa pagniig namin ni Kuya Gregory. Kahit hanggang ngayon ay parang ramdam ko pa rin sa aking sistema ang mga naganap.
" Ano ginagawa mo rito?" Tanong niya. Luminga siya sa paligid.
Nagtaka ako. " Bibili ng libro, kuya. Di ba halata?" Balik kong tanong sa kaniya. Ano naman kaya ang ginagawa nito dito.

BINABASA MO ANG
Lay Your Love On Me
Romance[SLOW - UPDATE] Lay Your Love On Me [ BxB ] [ MPREG ] Para kay Jaimee, it was against all odds na pagbabalingan siya ng pagtingin ni Gregory. Isang hamak na kapatid lamang ang turing nito sa kaniya. Hanggang doon lamang iyon. Isang panaginip na l...