CHAPTER Three ✓

876 42 0
                                    

🚫 This story may contains explicit words and scenes which young readers may not allowed to read.🚫

JAIMEE

MASARAP PAKINGGAN ang pagpatak ng ulan sa aming kisame. Maulan ang gabi at ako ay nag-iisa lamang nakatunganga sa TV at nanonood. Mahina lamang ang volume nito kasi kasabay kong pinakikinggan ang buhos ng ulan.

Wala ang aking mga magulang nasa isang handaan ng kanilang kaibigan. Naiwan ako sa aming bahay sapagkat ayaw kong sumama sa kanila. Wala ako sa mood sumama sa kanila at baka mabagot lang ako doon.

Iniisip ko pa rin ang paghihiwalay ni Kuya Greg at ng girlfriend niya. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Narito naman ako. Pero hindi ko alam kung gugustuhin niya ang isang tulad ko.

Ngunit hindi ako tumitigil sa kaasa na sana magkaroon ng chance na maging kami. Sapagkat tanging sa kaniya lang ako nagkagusto. Wala akong ibang hiling kung hindi makasama si kuya at maramdaman sa kaniyang piling, ang pagmamahal ng isang Gregory.

Katok sa pinto ang nagpatigil sa pakikinig ko sa pagbuhos ng ulan. Naglakad ako patungong pinto at binuksan iyon. Tumambad sa aking harapan ang basang basa na machong gwapo na si Kuya Greg, ang aming kapit-bahay. Matangkad ito sa tantya kong 5'10 to 6 flat. Matangkad na siya dati pa mas lalo pa siyang tumangkad.

"Oh, Kuya, ba't basang basa ka?" Tanong ko kay kuya Greg. Medyo nangingig ito sa lamig buhat ng ulan. Tumagal na atang nakababad sa ulan.

Tumango siya sa akin. Napatulala ako sa bakat na bakat niyang maskuladong katawan. Mantakan niya ang mala-greek god na bumaba sa Olympus nasa aking harapan.

" Pasensya na Jim pwede bang makituloy muna sa inyo? Wala pala sina Mama sa bahay. Kung pwede sana." Saad niya.

"Ahh, sige kuya tuloy ka. Nabigla naman ako sa iyo. Akala ko hindi ka uuwi dito sa atin?"

" Naku biglaan lang nga e. Namiss ko kasi dito sa atin. Lalo ka na." Sabi niya pero may nasabi siyang hindi ko narinig.

Nasa tapat na kami ng banyo dito sa baba ng aming bahay. Humarap ako sa kaniya at tila nilalamig na siya sa sobrang basa ng ulan. Ginabay ko siya papuntang banyo namin para makaligo siya. Baka magkasakit pa siya.

" Kuya, maligo ka na kukuha lang ako ng damit ni Papa. Para di ka matuyuan ng tubig ulan baka magkasakit ka pa. Nilalamig ka na." Ani ko sa kaniya. Ngumiti siya ng bahagya sakin. Kinilig ako.

" Sori sa abala talaga, Jim. Kung nariyan sana sila mama 'di na sana ako makaka-istorbo sa iyo ngayon." Labas dimples niyang sabi kasi nakangiti. Naku kahinaan ko pa naman yan kuya.

" Hindi kuya. Okay lang buti nga dito ka dumiretso kung sakali nandoon ka pa sa tapat niyo magkakasakit ka na. Sige kuya kompleto naman kagamitan dyan sa banyo."

Pumasok na siya sa banyo na siya ko namang talikod at pumunta na sa taas.

Pagbalik ko sa banyo para sana ibigay ang damit na gagamitin ni kuya. Kakatok na sana ako pero nakabukas lang pala iyon.

Sumiwang ang pinto at nakita ko ang nakatalikod na naliligong lalaki na nasa banyo namin. Napatalikod ako upang iwasang mapatingin sa kaniyang hubad na likod. Sa laking tao ni Kuya Greg, malaki din ang kaniyang hinaharap. Pilyo akong napa-isip.

" Andyan ka na pala Jim." Salita niya na nagpapukaw sa akin.

" A-ah. Bu-buka-ss kas-si ku-ya kakatok na sana ako nagalaw ang p-pinto." Nauutal kong sambit sa kaniya habang di makatingin ng diretso. "Ibibigay ko lang itong damit na isusuot mo."

Nakatalikod pa din akong ibinigay sa kaniya ang tuwalya.

" Sige salamat, Jim. Lagay mo na diyan sa may sampayan. Di ko pala nasarado ang pinto kanina." May pilyo sa himig ng boses nito.

Lay Your Love On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon