Seth's Pov
Mabilis akong naupo at sinalo ang ulo ni Louie na tila ay nagmamakaawang tumingin sa akin. Alam ko sa puntong ito ay kasalanan ko dahil nilagay ko sa panganib ang mga kaibigan ko na halos wala pa sa edad para sumabak sa gantong Gera para lang sa kapayapaan na gusto namin mangyari.
"Hoy Louie!" Tawag ko sa pangalan nya, lumuhod ako tsaka ko binuhat ang katawan nya ang pinatong sa mga binti ko. "Hoy magsalita ka! Ayos ka lang ba?!"nagpapanic na tanong ko sa kanya. Tinapik tapik ko ang pisngi nya pero nakapikit na ang mga mata nya.
"H'wag mo syang galawin masyado Seth!" Sigaw sakin ni Andrew, tsaka sya nakaluhod din at hinawakan ang pulso ni Louie. "Nararamdaman ko pa ang pulso sya. Anyone who wants take him to Hospital?"kalmado na tanong ni Andrew, napakunot ang noo ko tsaka ko sya kinatukan. "What?!"iritang hiyaw nya sakin.
"Ganyan ka maghahanap kung sinong magdadala sa kanya sa Hospital? Masyado ka naman kalmado kapag may nangyareng masama sa kaibigan natin ako ang malalagot!"
"Tanga! Kung magpapanic naman ako masyado edi mas lalo ka kakabahan!"inis na sabi nya sa'kin hindi na ako nakapagsalita dahil dumating ang isa sa mga Pulis at sinakay na sya kotse.
"H'wag ka na mag-alala malayo sa bituka ang tama nya." sabi pa ni Andrew sumama naman ang tingin ko sa kanya.
"Malayo sa bituka pero sa tiyan ang tama ng bala no?"sarkastiko na sabi ko, ngumiwi lang sya at tinalikuran ako. Napapadyak pa ako sa lupa bago ako maglakad at sumabay kay Tyler.
"Be ready Seth."walang emosyon na sabi ni Tyler. Tumango na lang ako sa kanya at prenteng naglakad na parang akala mo wala akong takot kahit na anong mangyari.
Alam kong masakit sa kanya ang mawalan ng kaibigan lalo na yong nakasama mo sa maraming bagay diba? Pero isang araw mabibigla ka na lang sa balita na 'yong kaibigan mo e wala na.
Hindi naman natin hawak ang mga buhay nila, may sarili tayong buhay kung oras na natin wala na tayong magagawa dahil hiram lang naman natin 'yong buhay natin na 'to e.
Mabilis kaming nagtago sa mga puno na malalaki dahil may nagpapaputok na ng baril, sa dami nila ay baka magkaubusan kami dito. Iilan lang kami kase akala namin ay makukuha na namin sila agad pero nagkamali pala kami.
"Ano gagawin natin ngayon?"sinabi ko 'yon sa woki toki na hawak namin.
"Wala tayong laban sa kanila dahil may mga baril sila habang tayo tapang lang ang pwede natin iharap sa kanila."sabi ni Hunter. Napabuntong hininga ako tsaka ako napatingin kay Andrew na nakatapat ko lang.
"Mag-iingat kayo please lang!"rinig kong sabat ni Claire sa woki toki.
"Sinong nagsabi na makinig kayo sa Channel namin? Gawin nyo na lang kung ano ang nasa plano, kami naman gagawin namin ang lahat mailigtas lang ang lahat na nandito. Oo mag-iingat kami para sa inyo."sabi ni Andrew, tumayo ako tsaka ako napatingin sa mga kasama ko.
"Patrick be careful sa mga madadaanan mo."paalala ko sa kanya. Napatango na lang sya sa akin nga maanigan ko syang nagtatago. "Tommy ang bunganga mo isantabi mo muna okay?"
"Yes Master!"sabi ni Tommy napangiti naman ako.
"Kenny, alam mo na kung ano ang dapat mong gawin."sabat ko uli.
"Oo."kalmado na sabi ni Kenny, napatingin kami lahat kay Tyler ng makita na kumilos na sya, sumunod kami sa kanya ngunit magkakalayo kung magsasama kamimg lahat mas lalo lang kaming mapapahamak.
Lumapit ako kaagad kay Tyler ng makitang lumiko sya habang ang iba ay nag kanya-kanyang pasok sa mga pwedeng madaanan para mailigtas pa ang iba.
Pumunta kami sa nag-iisang kulungan sa pinakadulo, naanigan ko ang mga estudyanteng pamilyar sa akin. Nakunot ang noo ko ng maalala na sila 'yong mga kaibigan ni Tyler.
YOU ARE READING
The Special Students (COMPLETED)
Teen FictionLumipat ako ng school dahil nagsasawa na ako sa mga paulit ulit na nakikita ko, pero sa paglipat ko may napansin akong kakaiba magagawa ko bang lutasin ang tinatago ng school na 'to? o mabibigo ako? Papayag kaya ang mga kaibigan ko na sumama sa akin...
