Seth's Pov
Matapos kong ipahinga ang sarili ko at ipagamot ang sugat ko. Pumunta ako sa Police Station dahil tumawag na ang Chief ng Pulis na nahuli na ang lahat na natitira don sa abandonadong lugar na 'yon.
Walang akong sinama pinagbantay ko silang lahat kay Tyler at pinagpahinga dahil pare-parehas kaming pagod sa nangyare.
Blangko ang expression ng mukha ko ng makita ko ang Prinsipal pagkapasok ko sa kulungan. Halos siksikan sila sa loob non alam kong hindi sya sanay sa ganon lalo na mainit sa loob at ang iba ang amoy.
"Kamusta sa kulungan Mr. Prinsipal?"walang gana na tanong ko sa kanya. Masama ang tingin ko sa kanya kahit na blangko ang itsura ko. "Hmmm sa patong patong na kaso mo ay habang buhay kang makukulong dito. Hindi ko alam kung ilang estudyante silang lahat lalo na may namatay din sa kanila."
"Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita!"sigaw nya sa akin. Napangisin ako tsaka ako humawak sa rehas.
"Saan moko banda pinaniwalaan? Simula nong napasali ako Special Students ay kahina-hinala naman talaga. Ang daming matatalino sa School na hinahawakan mo pero iilan lang kaming nakapasok sa SS na 'yon. Simula't umpisa 'yong SS na pinagkatitiwalaan mo ay patagong gumagawa ng plano para siraan ka."
"Hayop!"
"Sino ba mas hayop sating dalawa hindi ba't ikaw? Ang dami mong pinatay na estudyante kahit hindi mo sabihin ay alam ko na. Kasabwat mo pa ang mga pulis na 'yon at sabihing hindi na mahanap ang mga nawawalang estudyante. Lintek na Pulis akala mo mapagkakatiwalaan isa din palang taksil sa bansa. Isang salot sa lipunan!"
Hindi sya nakapagsalita dahil totoo naman ang mga sinasabi ko sa kanya ngayon. Ang dami nyang kasabwat na kung sino sino para mapagtakpan ang mga ginagawa nya sa School.
"Magkita na lang tayo sa Korte Mr. Prinsipal."sabi ko tsaka ako umalis sa Police Station.
Nakahinga ako ng maayos ng makita ang labas at feeling ko ay malaya na talaga kami. Laman na din sa balita ang nangyare sa School madaming nagalit na magulang syempre sobrang daming nagagalit sa Prinsipal at parang pinapatay na talaga sya pero dapat lang talaga sa kanya 'yon dahil madaming buhay ang sinayang nya para sa pansariling kagustuhan nya.
Ang lahat ng ginawa namin ay para sa School na pinapasukan namin balita ko ipapasara muna ang School ng mga ilang buwan dahil maraming natatakot na ang estudyanteng makapasok don dapat lang nilang ayusin ang patakaran sa School na 'yon para bumalik na sa dati ang lahat.
Matapos non bumalik na ako sa Hospital nagstay lang kami ng ilang araw don at si Louie ayos na din sya. Nakalabas na din silang pareho sa Hospital dahil huling lamay ngayon ng kaibigan ni Tyler kaya pupunta kami kay Liza.
Nakagayak na kaming lahat at nasa Van kami walang balak magsalita alam ng lahat kung ano ang pupuntahan namin dahil sa oras na 'to si Tyler lang ang iniisip namin. Masakit para sa kanya ang mawalan ng isang kaibigan kahit sino naman diba? Kapag namatayan ka ng isang importante sa buhay mo ay magdudusa ka din.
Nang makarating na kami kung saan nakaburol si Liza naunang bumaba si Tyler at sumunod kaming lahat. Katabi ko lang si Reign nakahawak sa kamay ko ng mahigpit. Tahimik kaming naglakad at nakita namin sa labas 'yong ibang kaibigan ni Tyler namumugto ang mga mata nila ngumiti lang sila sa amin pagkakita sa amin pero hindi umabot hanggang sa mata, ngiti na sobrang lungkot. Ngiti na ayaw mong makita kase pati ikaw masasaktan.
Hindi na kami pumasok sa loob hinayaan na lang namin si Tyler para tignan ang kaibigan agad na dumalo sa kanya ang Girlfriend na si Ayra. Tahimik lang na umiiyak si Tyler pero makikita mo sa balikat nya kung gaano sya kahagulgol kung umiyak. Pati kami ay hindi makatingin sa kanya.
YOU ARE READING
The Special Students (COMPLETED)
Teen FictionLumipat ako ng school dahil nagsasawa na ako sa mga paulit ulit na nakikita ko, pero sa paglipat ko may napansin akong kakaiba magagawa ko bang lutasin ang tinatago ng school na 'to? o mabibigo ako? Papayag kaya ang mga kaibigan ko na sumama sa akin...