CHAPTER 5

2 0 0
                                    

Seth's Pov

Maaga palang ay naglalakad na kami papasok sa Room namin pero dahil napapadaan kami sa mga corridor ng mga estudyante na hindi kasama sa SS ay pinag-uusapan na kami lalo na ako na kakalipat ko lang ng School pero isa na agad akong SS.

Kahit man din ako magugulat sino ba naman na bago palang sa School na 'to SS na agad, alam kong hindi ako matalino pero napasa ko ba agad 'yon? Bobo ako e bakit napasa ako?

Hanggang ngayon hindi pa binibigay pa sa amin 'yong resulta ng exam namin, hindi ko alam kung bakit pero naniniguro ko na hindi namin naperfect ang exam namin baka nascam kami tsaka dinaya lang ganon.

"Kamusta 'yong nahanap nyo kagabi?"tanong sa akin ko Andrew. Napatingin naman ako sa kanya at nagthumbs up.

"Sa dorm ko na lang natin pag-usapan lahat para hindi tayo makita ng kung sino sa gagawin natin."sabi ko, tumango lang sya sa akin at pumasok na sa Room namin pag-upo namin sya naman pagpasok ni Sir Aiden.

"Magandang umaga may sasabihin ako sa inyo, ito na ang huling quarter natin at bukas magkakaroon kayo ng exam kailangan nyo maghanda dahil mahirap ang exam na 'yon keysa sa mga ibang estudyante na hindi kasali sa SS na 'to."napakamot na lang ako sa ulo ko, dahil sa sinabi ni Sir.

"Gaano kahirap ang exam Sir?"tanong ni Tommy. Napangisi sa kanya si Sir.

"Sasabihin kong mahirap kaya kailangan nyong maghanda guys dahil hindi 'yon madali."

Napayuko na lang ako, nagturo lang sa amin si Sir sa buong maghapon hindi nagbago 'yong Teacher namin sya lang talaga at nakakainis isipin na sya ang mukha na nakikita namin maghanapon.

"Hoy Seth! Lunch na!"sigaw sakin ni Claire, napabuntong hininga na lang ako tsaka ko kinuha ang bag ko at sumabay sa kanila maglakad.

"Ang lalim naman ng iniisip mo. Ano iniisip mo?"tanong sa akin ni Reign.

"Wala 'to, iniisip ko lang kung ano ang magiging plano natin."

"Mamaya ka na mag-isip kumain na muna tayo."sabi nya.

Nang makarating na kami sa canteen namin nakahain na ang mga pagkain namin sa lamesa tunay nga na mahalaga kami sa School na 'to higit na sa inaasahan ko.

"Wow! Sarap itapon ang mga pagkain na 'to."inis na sabi ni Tommy tsaka naupo.

"Kumain na lang tayo h'wag tayo magpahalata na may ginagawa tayo. Ayokong mabuko ng maaga sa ginagawa natin."sabi ni Andrew at gaya ni Tommy naupo na din sya. Nagsiupuan na din kaming lahat at kumain.

"Guys sabi nga pala ni Sir Aiden magkita daw tayo mamayang alas diyes sa Gym may sasabihin daw sa atin ang Prinsipal."sabi ni Reign, napatigil ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

"Ano na naman 'yon?"tanong ko sa kanya.

"I don't know, sinabi lang sa akin ni Sir kanina 'yon."kibit balikat na sabi ni Reign.

"Hey, kailangan parin natin sumunod baka mahalata tayo sa binabalak natin."si Hunter.

"Pag-uusapan nga natin ang plano natin mamaya kaso tinatawag naman tayo."nauubusan  na ako ng pasensya sa sinasabi ko masyado na akong naiinip.

"May ibang araw pa naman dyan kailangan natin mag-isip kung paano at ano ang magiging plano natin sa ngayon magfocus muna tayo sa pinapagawa nila para hindi tayo mahalata."si Andrew.

"Tama si Andrew hindi natatapos ang araw kaya h'wag kang mainip dahil nag-uumpisa palang tayo hindi natin kailangan magmadali."si Louie.

"Paano na yan? Hinding pwede si Seth lang ang mag-isip ng plano kailangan pati tayo para marami tayong gagawin na pwede."tama si Tommy, hindi lahat ay sa akin na lang kailangan pati sila mag-isip ng plano para hindi kami maubusan kung sakaling matalo sa unang plano at may nakareserbang plano kami.

The Special Students (COMPLETED)Where stories live. Discover now