Seth's Pov
"Good morning class, ngayon ang unang araw nyo bilang isang Special Students alam kong naninibago kayo dahil na rin sa kakaunti lang kayo at hindi na kayo babalik sa mismong section nyo. Any question?"sabi ni Sir Aiden. Nasa pinakadulo lang ako nakaupo ayoko sa harap lalo na naguguluhan din ako bakit mas espesyal ang mga nandito at bakit parang sa mababang section ay baliwala lang sa kanila?
"Sir Aiden paano po kung may isa na masaktan sa amin ano po ang gagawin nyo?"tanong ni Hunter. Nakilala ko silang lahat dahil nagpakilala kami isa isa kanina lang.
"H'wag nyong hilingin na sana ay may masaktan pa sa inyo pero dahil Teacher nyo ako, nasa akin lahat ang sisi ako ang mag-aasikaso sa inyo sa principal ay tunay na espesyal kayo sa kanya at kung nangyare na ma-ospital kayo sagot 'yon ng prinsipal."nakangiti na sagot ni Sir Aiden. Kung ganon kapag may nasaktan sa amin sagot nila ang lahat?
'Kung ganon bakit kailangan may ganitong Section?'
"Sir."si Claire, napatingin ang lahat sa kanya mukha syang maarte sa kilos palang nya.
"Yes?"
"Bakit may ganito pang section kung pwede naman na sa dati na lang kaming section."sabi ni Claire, halos lahat ay naging interesado sa tanong nya.
"Gustong malaman ng prinsipal natin na kung gaano kayo katalino at gusto nya na sanayin pa kayo, lalo't na kailangan kayo ng bansa natin dahil sa angking talinong tinataglay nyo."
"Sir maraming mas matalino sa amin bakit kami pa ang napili?"tanong ko, sumang-ayon naman ang iba.
"Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko ay napili kayo dahil naperfect nyo ang exam na 'yon."
"Hindi nga po namin nagawang tignan 'yong resulta ng exam namin."medyo naiinis na sabi ko kase naguguluhan talaga ako ng sobra sa patakaran ng school na 'to.
"Mamaya Seth ibibigay ko sa inyo sa ngayon ay may ibibigay ako sa inyo."sabi ni Sir Aiden. Isa isa nya kaming tinignan habang nakangiti. "Sa ilalim ng mesa nyo may maliit na box kunin 'yon at tignan ang nasa loob ng box na 'yon."sabi ni Sir, kinapa ko ang nasa ilalim ng lamesa ko at kinuha ang box na 'yon dahan dahan kong binuksan 'yon at tumambad sa paningin ko na isang Pin na kung saan nakaukit ang dalawang malaking titik na S don na ibig sabihin ay Special Students.
Kami palang ang mayroon na pin na ganito sa ibang school wala, na maging sa mga estudyante na nandito walang ganito na pin kami lang ang naiiba at may pin pa nga talaga.
"Ang pin na yan ang mismong magpapatunay na isa kayong Special Section, h'wag nyo yan tanggalin dahil importante yan."nakangiti na sabi ni Sir Aiden.
"Ang ganda naman na 'to."rinig kong sabi ng katabi ko na si Tommy at sa harapan ko naman si Reign.
Napabuntong hininga na lang ako bago ko ikabit ang pin sa uniform ko, hindi ko maipaliwanag ang kaba dahil pakiramdam ko may mali pero may kaunting tuwa sa puso ko dahil nakakaranas ako ng bago sa school na 'to.
"May mga sarili kayong dorm at makakatabi lang kayo. Ang lahat ng mga gamit nyo ay pinapaayos ko na sa mga dorm nyo bawat labas ng pinto may mga pangalan nyo na 'yon kaya hindi kayo malilito kung saan ang dorm nyo. Yon lang mag pakasaya lang kayo sa bago nyong section."seryoso na sabi ni Sir tsaka sya lumabas ng room namin.
"Shit! Kakaiba naman 'yong section na 'to!"namamangha na sabi ni Jay. Sumang-ayon naman sa kanya ang iba.
"Mukhang masaya naman pala dito."si Noreen na kanina pa tahimik at hindi manlang nagsasalita.
"Talagang masaya kakaunti lang tayo e."si Andrew. Sa boses palang ay maharot na pero may ibubuga naman.
"May mga nauna na bang Special Students noon?"tanong ko bigla, napatingin naman sila sa akin pero ang mas lumapit sa akin si Monica. Napalayo naman ako kaagad sa kanya.
YOU ARE READING
The Special Students (COMPLETED)
Teen FictionLumipat ako ng school dahil nagsasawa na ako sa mga paulit ulit na nakikita ko, pero sa paglipat ko may napansin akong kakaiba magagawa ko bang lutasin ang tinatago ng school na 'to? o mabibigo ako? Papayag kaya ang mga kaibigan ko na sumama sa akin...
