Claire's Pov
Ako ang pinakamaganda sa lahat na nandito sa SS, ayoko kay Reign masyado syang papansin kay Seth but actually I like her become my friend kahit na ayaw ko sa kanya dahil masyado nga syang papansin sa mga kaklase namin lalo na kay Seth.
Napairap na lang ako ng makita na pumunta sya kay Seth at kinausap, hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil masyadong seryoso ang mga mukha nila pareho.
"Bakit ka ba palagi nakatingin kay Seth?"bigla ay napayuko ako ng marinig ang boses ni Hunter, napalunok ako tsaka ako nakangiti na tumingin sa kanya. "Don't tell me, gusto mo sya?"natawa ako sa sinabi nya tsaka ako nakapalumababa na tinignan sya.
"Do you think I like him huh?"maarte na tanong ko sa kanya napaiwas sya ng tingin at napailing. "See? I like you no matter what happend. Duh! Bakit ko naman magugustuhan si Seth no? Yes he's handsome but your so handsome too, he's kind but your so kind too tsaka ikaw lang ang nagpatibok sa puso ko."malambing na sabi ko, napatingin sya sa akin at ngumiti ng malaki.
"Okay na ako na ako lang ang gusto mo."
"See."mayabang na sabi ko tsaka ko pinagkrus ang binti ko tsaka ko sya mas lalong tinitigan. "Ikaw lang talaga Hunter kaya h'wag mo akong gagaguhin."
"Believe me Claire hindi kita lolokohin gaya ng iba pangako ikaw lang at ikaw lang ang papakasalan ko."
"Just give me a ring right now para hanggang tayo na hanggang dulo."bigla ay sabi ko tsaka ko pinakita sa kanya ang kamay ko, napatingin sya sa kamay ko at hinawakan at dinala sa bibig nya sabay halik sa likod ng palad ko.
"Not today Claire, but soon I give you a ring just stay with me and please don't leave me without for no reason."
"Yes."nakangiti na sabi ko sa kanya dahil medyo kinilig ako sa sinabi nya na 'yon. Im so lucky I met him.
Kinahapunan ay sabay kaming lahat na lumabas ng classroom, bigla ay napatingin kami sa likuran namin dahil may narinig kaming nagtatakbuhan. Napaatras agad kami ng makita na naghahabulan sila na may dalang baseball bat o kahoy na makapal.
Sisigaw na dapat ako pero bigla tinakpan ni Hunter 'yong bibig ko. Tumingin sya sa akin tsaka nya nilagay 'yong isang daliri sa bibig nya.
"Shhh!"sabi nya, napatango na lang ako tsaka ako napayakap sa kanya.
"Ito na naman tayo sa kaguluhan."rinig kong sabi ni Andrew.
Tuwing hapon ay may nangyayaring ganito na hindi naman dapat ginagawa dito sa school, hindi ko alam kung bakit hindi pinagbabawalan ni Prinsipal ang ganitong bagay. Sa halip ay hinahayaan nya dahil pagkatapos ng gulong 'to mamaya ay mawawala na lang sila bigla ng parang bula tapos hindi na mahahanap ng kung sino o kahit na pulis man yan.
Minsan ay hindi ko maintindihan ang pinasok kong eskwelahan, wala akong magagawa dahil dito gusto ng parents ko na dito ako mag-aral dahil gusto nila na makapasok ako sa SS dahil mas maganda daw ang serbisyo don.
Hindi ko sinabi sa kanila na nakapasok ako dahil ayokong kung ano ano na naman papuri ang sabihin nila pero kapag mas umangat naman 'yong pinsan ko sasabihin na naman nila sa akin bakit hindi mo ganyahin si ganyan si ganito. Lagi na lang nakakasawa din minsan hindi ba nila alam na napapagod na 'yong tenga ko kakarinig sa mga sinasabi nilang mas lalong pinapasakit 'yong damdamin ko?
"Ayokong may madamay na naman, magtago tayo bago pa nila tayo makita at masaktan!"sabi ni Patrick, sabay sabay kaming tumakbo at hindi alam kung saan magtatago.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Hunter ng mabilis kaming tumakbo kahit na hindi ko mahabol 'yong bilis ng takbo nila kinakaya ko kase hawak ni Hunter 'yong kamay ko.
YOU ARE READING
The Special Students (COMPLETED)
Novela JuvenilLumipat ako ng school dahil nagsasawa na ako sa mga paulit ulit na nakikita ko, pero sa paglipat ko may napansin akong kakaiba magagawa ko bang lutasin ang tinatago ng school na 'to? o mabibigo ako? Papayag kaya ang mga kaibigan ko na sumama sa akin...
