Seth's Pov
"Ano 'to?"nagtataka na tanong sa akin ni Tommy, pagkapasok na pagkapasok ko sa room si Tommy agad ang pinuntahan ko at binigay sa kanya ang nakita ko kagabi sa closet ko.
"Sa tingin ko isa sa mga dating Special Students ang nagsulat nyan. Basahin mo."seryoso na sabi ko, kumunot ang noo nya ng mabasa ang nasa sulat.
"So totoo nga ang pinag-uusapan natin kahapon?"
"Sa tingin ko totoo 'yon Tommy."sabi ko tsaka ako naupo sa lamesa nya halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga dating Special Students na nawawala.
"Ano 'yan? Patingin nga!"bigla ay hindi namin inaasahan na aagawin ni Reign ang papel na hawak ni Tommy, gaya ni Tommy ay napakunot ang noo nya at nagtataka na tinignan nya kaming dalawa.
"Hindi sa amin yan, nakita ko lang kagabi sa closet ko."agad na sabi ko baka sabihin nya ako ang may gawa nyan.
"Pero bakit ganito ang nasa sulat?"tanong nya tsaka nya binulsa ang sulat na 'yon.
"Baka siguro isa yan sa mga clue sa mga pinag-uusapan natin kahapon kahit na papaano may sagot na sa mga tanong natin pero hindi pa sapat 'yon."seryoso na sabi ko, tsaka ako napahawak sa baba ko at sa ganon posisyon ako nag-isip. "May mga dating record ba ang mga Special Students noon dito?"
"Sa tingin ko meron Seth, hindi naman siguro mawawala ang mga record na 'yon."si Tommy, napatango na lang ako tsaka ako umayos ng tayo.
"Mamaya pumunta tayo sa library at tignan ang mga record na nandoon."si Reign, tsaka kami napabalik sa mga kanya kanyang upuan dahil dumating na si Sir Aiden.
"Magandang umaga sa inyo Students, may mahalaga akong sasabihin sa inyo nais ng Prinsipal na subukin ang talino nyo kung kaya't maghanda na kayong araw dahil bukas na 'yon sisimulan."nakangiti na sabi ni Sir Aiden, napakunot ang noo ko hindi na siguro mawawala ang kunot sa noo ko dahil sa sinasabi ni Sir.
"Sir may ideya po ba kayo kung ano ang gagawin namin bukas?"tanong ni Patrick napatingin sa kanya si Sir at umiling.
"Wala akong ideya ang Prinsipal ang pupunta dito para sabihin sa inyo kung ano gagawin bukas. Please prepared your brain and yourself."
"Tsk Sir kinakabahan na agad ako sa sinasabi nyo e."maarte na sabi ni Claire.
"That's why I am saying this to you."Nakangiti padin na sabi ni Sir, napasiring na lang ako tsaka ako napayuko sa desk ko at iniisip kung ano ba ang gagawin namin bukas.
Pagdating ng lunch ay kumain na muna kami bago kami pumunta sa library since mga Special Students kami pwede kaming pumasok dito at magtagal kahit na ilang oras pa.
"Saan tayo magsisimula?"tanong ni Reign sa akin, nagtingin tingin ako sa paligid kung saan kami magsisimula maghanap ng record.
"Doon sa dulo tayo magsimula."turo ko sa kanan ng dulo, tumango sa akin si Reign at pumunta na nga kami sa dulo.
"Kung ano man ang hinahanap natin sana manahanap na natin 'yon."si Tommy tsaka sya nagsimula maghanap ng record na 'yon.
Nagsimula na din ako maghanap at halos sirain ko ang mga folder na nahahawakan ko dahil gusto ko ng mahanap agad ang record na 'yon para malaman ko kung ano ang tunay na nangyare sa mga dating Special Students at kung sino sino silang lahat.
Sa kalagitnaan ng paghahanap namin may napansin akong nakaipit na papel sa gitna ng dalawang libro na 'yon kinuha ko 'yon tsaka ko binuklat 'yon.
"Guys, may nakita na naman akong sulat."sabi ko, agad na lumapit sa akin ang dalawa at pinaggitnaan ako para basahin din ang nasa sulat.
YOU ARE READING
The Special Students (COMPLETED)
Ficção AdolescenteLumipat ako ng school dahil nagsasawa na ako sa mga paulit ulit na nakikita ko, pero sa paglipat ko may napansin akong kakaiba magagawa ko bang lutasin ang tinatago ng school na 'to? o mabibigo ako? Papayag kaya ang mga kaibigan ko na sumama sa akin...