CHAPTER 7

1 0 0
                                    

Seth's Pov

Pinag-isipan na muna namin kung anong klaseng plano ba ang gagawin namin ngayon araw at sa magiging plano pa namin sa mismong pagdating ng mga stockholders ng school na 'to.

Nanghiram kami ng woki toki na magagamit namin sa misyon at para na din may kominikasyon habang nasa misyon kami o nasa malayo kaming lahat pwede namin magamit ang woki toki na 'yon.

Sa plano namin ay kukuha kami na maraming ebidensya na totoo ang lahat ng sinasabi namin. Naniniwala kase kami na 'yong iba ay hindi kakampi ng Prinsipal.

Si Tommy at Andrew ang naghahanap ng ebidensya laban sa Prinsipal ang mga babae naman ay kunwaring nag-iikot sa school pero nagmamasid din sila para maicheck kung sino ba ang kumukuha sa mga estudyante para ikulong sa sinasabi ni Tyler na building na kung saan sila nakakulong.

Si Kenny and Patrick sila naman ang mag- aasikaso sa mga cctv cameras para kapag may nakita sila sasabihin na lang nila sa amin 'yon. Si Jay at Hunter, Louie sila naman ang kakausap sa mga estudyante na gustong sumama sa laban namin.

Habang kami naman ni Tyler nag-uusap sa magiging plano namin lahat, inaaral pa namin ang blue print ng school na 'to dahil ang sabi nya may mga nakatago daw dito sa school hindi ko lang alam kung ano.

"Paano natin malalaman kung ano ang tinatago ni Prinsipal kung hindi tayo kikilos Tyler."sabi ko sa kanya, nandito kami ngayon sa dorm kung  sa room kami mag-uusap delikado dahil may makakarinig.

"Hindi tayo basta basta kikilos Seth kailangan natin mag-isip ng plano para dito hindi tayo pwede mabigo dahil ayokong habang buhay makukulong ang mga kaibigan ko don."

"Ano ba ang unang gagawin natin? Ang puntahan ba sila o unahin na muna natin ang Prinsipal?"

"Uunahin natin ang Prinsipal kung nagawa man natin sya talunin dagdag sa kaso nya ang mga nawawalang estudyante maging ang mga tinatago nya sa school na 'to."

"Tayo lang ang nandito para mag-isip kung ano ang magiging plano natin."

"Kakayanin naman natin 'tong dalawa e, tinutulungan na tayo nila para sa gagawin natin lahat at sa plano lang natin dalawa sila umaasa kailangan natin magtulungan."

"Hindi ko alam kung ano ang plano ni Prinsipal dahil wala kami masyadong nakuha na impormasyon sa kanya."

"Dahil masyado syang misteryosong tao, ang alam ko ay isa lang syang normal na tao pero simula nong maging Prinsipal sya nag-iba ang ugali nya. Kataka taka na rin kase na may nawawalang estudyante at kung wala manlang silang ginagawa kung may nag-aayaw man at tayong mga SS hindi nila ginagalaw kase tayo nalang ang natitirang pag-asa nila."napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Lalo pang naguluhan ng banggitin nya ang huling sinabi.

"Paanong tayo ang huling natirira nilang pag-asa? Ano ba meron sa atin at kailangan nila tayo?"

"Malaking pakinabang ang mayroon tayo Seth kaya nila 'to binuo ay para lamang sa pansarili nilang desisyon wala silang pakialam kung makasira sila ng maraming buhay ng mga estudyante."

"Ang sama naman nya."sabi ko, ngumisi lang sya sa akin at tumango.

"Ganon talaga sya kasama Seth, kaya ako gumawa ng paraan para mawala ang SS dahil bumuo sila ng Special Students na hindi naman dapat dahil sa programang ito maraming may nagagalit at maraming nawawala na estudyante."

Hindi na lang ako nagsalita hindi ko din nanan na alam ang sasabihin ko ang nasa isip ko lang ay kung gaano kasama ang Prinsipal namin.

Hinayaan ko si Tyler na magtingin sa blue print na 'yon, nakatitig lang ako sa kanya iniisip kung bakit nag-iiwan sya ng sulat sa kung saan.

The Special Students (COMPLETED)Where stories live. Discover now