Seth's Pov
"Tyler Santiago?"nagugulat na banggit ko sa pangalan ng taong kaharap ko.
Oo sya nga si Tyler hindi ako nagkakamali dahil hawig nya 'yong nasa picture sa information ng mga dating SS.
Dahan dahan kong binitiwan ang braso nya habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko halo halo ang kaba, tanong, gulat. Ang alam namin ay nawala sila at si Aryan lang ang nakaligtas imposible naman na pati sya hindi talaga nawala?
'What the fuck is happening right now?!'
Napatingin ako sa kanan ko at doon ko nakita ang mga kaibigan ko pati sila ay nagulat ng makita si Tyler ang kaharap ko. Si Tommy pa nga ay nakaturo na kay Tyler habang ang isa ay nakatakip sa bibig nya.
Napailing na lang ako dahil ako mismo ay hindi alam ang sasabihin ko lalo na sa nakikita ko ngayon lang. Ang dahilan ng lahat kung bakit lumawak ang kuryusidad ko sa mga nangyayare, sa mga sulat nya na hindi ko maipaliwanag kung matagal na ba 'yon o ngayon lang nya nagawa 'yon?
"Tangina! Ano 'to?!"nagtataka na tanong ni Noreen habang nakatingin din ng deretso kay Tyler.
"I though he was missing? But why is he here now?"tanong ni Claire, napasabunot naman ni Hunter ang sariling buhok at mangiyak ngiyak na tinignan si Tyler.
"Cousin."naiiyak na usal ni Hunter, napatakbo sya at niyakap si Tyler dahilan para mas lalo kaming guluhan.
"Cousin daw? Ibig sabihin pinsan ni Hunter si Tyler?"mahina na sabi ni Kenny tsaka naman napatango ang iba. Napangiwi ako dahil hindi naman sinabi sa amin ni Hunter na pinsan nya pala si Tyler.
"Ang daming nabibisto ngayon ha?"natatawa na lang na sabi ni Andrew. "Sana sa susunod alam na namin no? Para hindi na kami nagugulat diba Hunter?"sarkastiko na tanong ni Andrew. Natawa na lang si Hunter at bumitaw ng yakap sa pinsan nya tsaka pinunasan ang luha at natatawa na tumango kay Andrew.
"Nakakabaliw maging isang SS."napapabuntong hininga na sabi ni Jay.
"Sino pa susunod? Sabihin nyo kung kapatid nyo din si Aryan para hindi na nakakalito."natatawa na usal ni Patrick.
"Monica baka naman kapatid mo si Aryan? Magsalita ka naman dyan para may ideya kami."tanong ko kay Monica dahilan para manlaki ang mga mata nya sa gulat.
"What?! Tsk, no!"agad na sabi nya, natawa na lang kaming lahat at kahit papaano nakahinga naman kami ng maluwag dagdag isipin lang talaga 'tong si Hunter.
'Sarap nyang iuntog sa pader! Sa totoo lang!'
"Sorry hindi ko nasabi sa inyo ang tungkol dito hindi ko naman kase alam na makikita kong ligtas si Tyler ngayon."nakangiti na sabi ni Hunter, tinaas ko ang kamay ko tsaka ko sya pinakyuhan.
"Ano bang nangyare sayo Tyler? Ang alam namin na nawala kayo at si Aryan lang ang nakaligtas."nagtataka na tanong ni Reign.
"H'wag natin dito pag-usapan."sabi ni Tyler tsaka sya naglakad nagkibit balikat na lang ako tsaka kami sumunod sa kanya.
Sabay sabay kaming umalis sa Room namin tsaka kami pumunta sa dorm ko at naupo kami sa sahig habang ako kumuha na muna ako ng tubig sa ref at chips tsaka ko sila binigyan.
"So what happend?"tanong ko agad pagkaupo ko sa tabi nya.
Tyler's Pov
Habang nakatingin ako kay Seth ay muli kong inaalala ang nangyare sa amin doon na nagsilbing kulungan na sa amin lahat.
YOU ARE READING
The Special Students (COMPLETED)
Teen FictionLumipat ako ng school dahil nagsasawa na ako sa mga paulit ulit na nakikita ko, pero sa paglipat ko may napansin akong kakaiba magagawa ko bang lutasin ang tinatago ng school na 'to? o mabibigo ako? Papayag kaya ang mga kaibigan ko na sumama sa akin...
