Seth's Pov
"Tangina saan naman natin hahanapin 'yon? Sa lawak ng Pilipinas hindi natin basta basta mahahanap ang dating SS kung tayo lang."naiinis na usal ni Tommy ng magsimula na kaming maghanap.
"Tama si Tommy, hindi natin basta basta mahahanap 'yon at isa pa baka talagang nagtatago sya dahil natatakot sa Prinsipal?"si Reign, napabuntong hininga na lang ako kase tama naman 'yong sinasabi nila e pero ako hindi ko kayang sumuko.
"Paano na 'to? Kailangan natin mahanap agad 'yon."nadidismaya na sabi ko, sila naman ang napabuntong hininga.
"Wala ba nakalagay sa record ng mga dating SS? Kung saan sila nakatira masyadong nakakapagod ang paghahanap ng wala manlang tayong alam lalo na ang mga picture nila!"sumusuko na sabi ni Reign tsaka sya naupo sa waiting shed na pinaghintuan lang namin sandali.
"Bili na muna tayo ng pagkain Reign gutom na gutom na ako feeling ko wala na akong lakas para maglakad."napapagod na usal ni Tommy tsaka sila bumili ng pagkain.
Ako naman ang naupo sa waiting shed, hindi alam ang gagawin ko hindi ko kase dala 'yong record na 'yon kung saan nandoon ang mga impormation ng mga dating SS. Kinuha ko 'yong cellphone ko at sinubukan magsearch ng mga name na natatandaan ko sa facebook baka don meron nakalagay kung saan sila nakatira.
Sa mga nakikita ko naman masyadong malayo hindi na namin kakayanin maglakad wala din kaming dalang sasakyan umaasa lang kami sa mga taxi na nakikita namin. Napangiti na lang ako ng malaman na isa sa mga dating SS dito lang sa malapit nakatira.
"Ano na? Uuwe na ba tayo?"tanong ni Reign ng makabalik sila inabutan nya din ako ng coke mismo at lava cake.
"Meron nakatira dito sa malapit si Aryan Espinosa."nakangiti na sabi ko tsaka ko binuksan 'yong coke at ininom.
"Tara na!"
"Pahinga na muna tayo saglit bago natin sya puntahan mabuti na lang meron silang nakalagay na place sa facebook."
"Sana kanina pa natin yan ginawa bwisit hahaha."natatawa na sabi ni Tommy kahit man din ako ay natawa sa kaabnuan namin.
"Nawala sa isip ko lintek!"napapailing na usal ko, sana isa sya sa mga nakaligtas don para may ideya kami sa mga gagawin namin para sa school at sa mga estudyante na nag-aaral don.
"Reign tawagan mo nga si Claire tanong mo sa kanya kung may nahanap na sila."sabi ko, kinuha na ni Reign 'yong cellphone pero nahinto din sya.
"Teka, ang sabi iisang SS lang ang nakaligtas hindi dalawa Seth."
"Kailangan natin makasigurado baka kase mamaya hindi si Aryan ang hinahanap natin na nakaligtas."napabuntong hininga na lang si Reign tsaka nya tinawagan si Reign. Napatingin naman ako sa harapan ko tsaka ako uminom ng coke mismo.
Naramdaman ko naman na mas lalong lumapit pa sa akin si Tommy napatingin naman ako sa kanya. Mukhang may gusto syang sabihin sa akin.
"Anong mangyayare ngayon?"tanong nya, halata naman kase sa mukha nya na may gusto syang sabihin e.
"Kailangan natin mahanap 'yong sagot sa mga kagaluhan sa School masyado na kaseng delikado at hindi ko na nagugustuhan 'yong nangyayare bago lang ako sa School na 'yon pero kung ano ano na ang nararanasan ko."
"What if we failed? What are we doing?"
"Sana hindi mangyare 'yon but if we failed edi h'wag tayong sumuko kase buhay ng mga estudyante ang nakasalalay don hindi natin alam kung patay na ang mga nawawalang estudyante o buhay pa."
"Hindi natin alam kung sino ang makakalaban natin sa loob ng School na 'yon Seth."
"Pero kung sino naman makakalaban natin kailangan pa din natin mag pakatatag kase 'yon na lang ang kailangan natin e."

YOU ARE READING
The Special Students (COMPLETED)
Fiksi RemajaLumipat ako ng school dahil nagsasawa na ako sa mga paulit ulit na nakikita ko, pero sa paglipat ko may napansin akong kakaiba magagawa ko bang lutasin ang tinatago ng school na 'to? o mabibigo ako? Papayag kaya ang mga kaibigan ko na sumama sa akin...