CHAPTER 8

1 0 0
                                    

Seth's Pov

"This is my Special Students."pakilala sa amin ni Prinsipal. Kasulukuyan kaming nasa opisina ni Prinsipal kasama ang mga stock holders.

Nakaready na ang lahat maging ang estudyante na gustong tumulong sa amin ngayon. Sino ba naman hindi diba? Kapayapaan ng school ang ginagawa namin at para sa lahat din 'to.

Si Tyler nakaabang lang malapit dito sa opisina ni Prinsipal maging ang iba, nakatabi rin 'yong woki toki na magagamit namin ngayon araw sa mismong misyon na 'to na sana maging matagumpay.

Nakikinig lang kami sa mga usapan nila wala kaming balak na makigulo dahil hindi naman namin alam kung ano ang kailangan nila sa amin lalo na ang Prinsipal.

"Ano naman ang magiging pakinabang ng mga estudyante na yan?"tanong ng isang lalaki na stock holders din. Natuon sa kanya ang atensyon ko sya na ba ang hinihintay namin? Na hindi sumasang-ayon sa mga gusto ng Prinsipal?

"Hindi lang sila basta basta estudyante kundi Special Students."nakangiti na sabi ni Prinsipal.

"Iyon nga ang sabi mo pero mas gusto ko silang tawagin na estudyante. So ano naman ang pakinabang nila? Kung gayong mga talino lang naman ang mga kaya nila."

"At ano naman ang inaasahan mo sa kanila? Na magkaroon ng isang kapangyarihan? Isa ka ng hibang kung ganon. Sila ang mga kabataan na kailangan ng lahat para hindi na maghirap ang bansa na 'to."

"Sa tingin ko nagkakamali ka dahil ang mga hindi rin matatalino ay kaya nilang mapaunlad ang bansa na 'to pero tanong lang nasaan na ang huling Special Students na pinakilala mo rin sa amin?"lahat kami ay napatingin sa kanya mas lalo napakunot ang noo ko dahil ngayon alam ko na hindi sya kalaban kundi kakampi namin sya.

Unti-unti ay nawala ang ngiti sa mukha ng Prinsipal at naging seryoso ang mukha nya pero nagawa padin nya ngumisi.

"May karapatan akong malaman 'yon nasaan na ang mga dating Special Students? Prinsipal ka lang ng School na 'to pero halos lahat ng dito sa School ay pagmamay-ari ko. Kaya wala kang karapatan na hindi sagutin ang tanong ko."nakangisi na sabi nong lalaki na 'yon.

"Nag-aaral sila sa ibang school."yon lang ang nasagot ni Prinsipal kinuyom ko ang kamao ko bigla naman hinawakan ni Reign ang kamao ko napatingin ako sa kanya. Tumitig sya sa akin ng nakikiusap. Napabuntong hininga na lang ako.

"Ipaliwanag mo sa akin ngayon ang bagay na 'to."sabi ng lalaki at pinakita ang picture na nasa loptop kung saan nandoon ang karamihan ng mga Special Students na halos naghirap na. Doon ko nakita ang mga Kaibigan ni Tyler naawa ako sa kanila dahil talagang naghihirap na sila.

Ang mga babae na pinagbubuhat pa ng sobrang bigat na bagay. Ang mga lalaki naman ay ganon din. Sa isang litrato na 'yon masasabi ko sobra na ang paghihirap nila.

"Hindi mo kayang ipaliwanag no? Kase nga tama ako na ang mga nawawalang estudyante at ang huling Special Students ay pinapahirapan mo. Anong silbi mo bilang isang Prinsipal kung ang mga students ay nawawala at tinago, pinahirapan pa."inis na sabi ng lalaki na 'yon. Hindi nakapagsalita si Prinsipal nakatitig lang sya ng masama sa lalaking 'yon. "Concern ako sa mga batang pumapasok sa School na 'to na halos lahat ah pagmamay-ari ko pero ang Prinsipal ng School na 'to ay walang kwenta. Ano naman ang gagawin mo sa bagong Special Students na pinakilala mo sa amin ngayon? Itatago mo ba sila gaya ng nahuling Special Students?"

"Kahit anong sabihin mo ay hindi totoo ang sinasabi mo may sapat ka ba na patunay para paniwalaan ka namin?"tanong ni Prinsipal napangisi naman ang lalaki.

"Sa tingin mo ay magsasalita ako ng ganto kung wala akong sapat na ebidensya?"tatango tango na sabi nya. "Si Tyler Santiago ay Special Students din sya diba? At si Aryan Espinosa. Sila lang naman dalawa ang nakaligtas sa ginawa mo habang si Tyler ay nasa kulungan mo na nagsilbing impyerno sa kanya at maging sa mga kaibigan nyang nandon."ngumisi ng nakakaloko ang lalaki at tumingin sa amin isa isa. "Hindi mo alam ang mga estudyante mo pala ay may tinatagong sikreto na magpapatumba sa posisyon mo."kinabahan ako sa sinabi nya, tumingin sya sa Prinsipal at don tumingin ng masama.

The Special Students (COMPLETED)Where stories live. Discover now