10

23 5 0
                                    

THE MAP KEEPER

"MAMAMATAY-TAO ba 'yon?" Nakatitig lang ako sa rearview mirror ng sasakyan-sa lalaking tumatakbo patungo sa direksiyon namin.

"Ano'ng malay ko? Mukha bang kilala ko 'yan? Basta ang alam ko, sa ganitong scenario nagsisimula ang karamihan sa horror movies tungkol sa teenagers na naliligaw kung saan!" Palingon-lingon din siya sa likuran ng sasakyan.

Hindi namin kayang itulak ang kotse para tuluyang makaalis sa lugar na ito. Wala na nga yatang dumadaan dito. Hindi ko alam kay Jiovanni kung bakit dito pa naisip dumaan. Parang ito na ang gubat kung saan matatagpuan ang punong Piedras Platas. Baka bigla na naming makita ang Ibong Adarna rito.

Sinubukan naming contact-in sina Estelle pero walang signal.

"May tao ba riyan!?" sigaw ng lalaking tumatakbo palapit sa amin.

"Mukha bang wala, mokong," natatawang sabi ni Jiovanni at napailing.

Tumingin ako sa side mirror at nakita kong malapit na siya-isang lalaking may malaking travel bag, like some sort of traveler.

By some miracle, biglang napaandar ni Jiovanni ang sasakyan at agad kaming umalis pero sobrang bagal ng andar nito. Dahil dito, naabutan niya kami at sumampa siya sa likurang bahagi ng kotse.

"Tulungan niyo kaya ako?!" malakas niyang sigaw sabay kalampag sa sasakyan. Inihinto ni Jiovanni ang sasakyan at saka bumaba. "Hay, salamat!" hinihingal niyang usal habang nakahilata sa likurang bahagi ng kotse.

Sumunod ako kay Jiovanni at bumungad sa akin ang lalaki. Nagkatitigan lang kami ni Jiovanni habang nakatulala.

"Sino-"

"Allestair. Allestair Cervantes."

Naguluhan kaming dalawa ni Jiovanni. Base kasi sa ikinikilos niya, para siyang sanay sa lugar na ito. Base sa ikinikilos niya, mukhang sanay siya sa lugar na ito. Mukhang matutulungan kami ng isang ito.

"Wala kayong gas?" tanong niya habang nakahiga pa rin sa kotse.

"Yes, sir," sagot naman ni Jiovanni at sumaludo pa sa kaniya.

Tumayo siya, pumasok sa sasakyan at saka muling humilata.

"Oh, yeah, ang mahiga sa foam." Nakatagpo ba kami ni Jiovanni ng baliw dito sa gubat? Mas weird pa sa akin ang taong 'to. "May bahay ako rito, malapit lang dito. Mga thirty-three steps and a half," sabi niya. "Oo, sa 'kin nga." Itinuro niya iyong cabin na nakita namin. "Galing ako sa gitna ng gubat para sana magpalapa sa lion, kaso nakabalik naman ako nang buhay. Napagod lang ako."

"Okay?" Malamang, makakabalik ka talaga nang buhay dahil wala ka namang makikitang lion sa gubat na pinuntahan mo.

"Matutulungan ko kayo at mabibigyan ng gasolina," sabi niya.

"Bakit hindi mo pa ibigay ngayon? Ano pang inihihilata mo riyan?"" tanong ni Jiovanni.

"At saan mo nakuha ang kakapalan ng mukha mo?" Nilingon niya kaming dalawa. "Pero sige, bibigyan ko kayo ng gasolina, sa isang kondisyon," dugtong niya at saka bumangon mula sa pagkakahiga.

"Ano?" Saglit akong nilingon ni Jiovanni, nakikiramdam.

Napangisi siya sabay bukas ng bag niya. Inilabas niya ang isang lumang mapa at iniabot sa akin. "Dalhin niyo ako sa mga lugar na may pulang marka."

Inagaw at binuklat ni Jiovanni ang mapa-mapa ng Luzon. Nag-flashback bigla ang sinabi ko noon. Kung hindi sa Tagaytay, saan? Sa Manila? Bataan? Ilocos? Dalawa sa mga nabanggit kong lugar ang may pulang marka sa mapa niya: Bataan at Ilocos Sur. What's with those places?

The Night We Met in IntramurosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon