FAMILY PICTURE
"BALIK muna ako sa loob, ha?" paalam ni Allestair habang kumukuha pa ng isang slice ng pizza.
"Kumusta kayo?" pahabol kong tanong nang buksan niya ang pinto.
Napangiti siya pero kita sa mga mata niya na naguluhan siya sa tanong ko. "Kami?"
"Wala, wala. Bumalik ka na sa loob, susunod na lang kami mamaya."
Pagkabalik ni Allestair sa kuwarto, saktong nag-ring ang cell phone ni Jiovanni.
"Oy, sino naman kaya 'to?" pabulong niyang tanong habang dinudukot sa bulsa ang cell phone. "Oh, napatawag ka, bunso?" bati niya sa kausap, si Faith. "Si Faith," bulong niya sa akin habang itinuturo ang cell phone.
Hindi naman ako tsismoso pero ano pa nga ba ang gagawin ko? Siyempre, maririnig ko ang pinag-uusapan nila. Bingi yata 'to, eh, naka-loudspeaker pa.
Hindi naman gano'n katagal ang pag-uusap ng magkapatid. Ibinalita lang ni Faith na nakapasa siya sa entrance exam sa Baguio. Tuwang-tuwa nga itong si Jiovanni. Tanggap daw niyang bongol siya dahil naniniwala siyang napunta kay Faith ang talino niya. Naputol na lang ang pag-uusap nila nang ma-low batt ang cell phone niya.
"Tara na sa loob, may pagsasaksakan ka naman ng charger do'n," yaya ko sa kaniya. "Teka, may pag-uusapan pala tayo," pahabol kong sabi nang akmang papasok na siya ng kuwarto.
Napahinto siya at bumalik sa puwesto. "Ano naman?"
Kinuha ko ang mapa ni Allestair na galing sa kaniyang lolo. "Ipinakita niya sa atin 'to noong nasa Bulacan tayo, 'di ba?" Ipinakita ko ito sa kaniya. "Ngayon, ang sabi niya sa atin, bibigyan niya tayo ng gasolina kung dadalhin natin siya sa mga lugar na may pulang marka sa mapa na 'to: Ilocos Sur at Bataan. Hindi ako naniniwala na misyon lang para sa sarili niya ang tinutukoy niyang misyon na kailangan niyang gawin." Napahawak ako sa baba ko at nag-isip. "Naaalala mo pa ba 'yong panyo na ipinakita niya sa atin na may nakaburdang L.V.J.? Ibinigay sa kaniya ng lolo niya ang mapa at panyo. Ibig sabihin, kung hindi ang lolo ni Allestair ang L.V.J., mayro'n pa tayong kailangang makilala at mahanap," pagpapatuloy ko.
"Hindi kaya 'yan na ang kakambal niya? Malay mo, L.V.J. pala ang initials niya," suhestiyon ni Jiovanni.
"Hindi," pagkontra ko sa sinabi niya. "Cervantes ang surname ni Allestair, imposible naman na kambal sila pero magkaiba ang apelyido nilang dalawa."
"Malay mo, 'di ba? Kung sa teleserye nga laging ninanakaw ang isang baby 'tapos after nineteen years, magkikita ulit sila. Ang plot twist pa n'on, 'yong mayaman na tumutulong sa kaniya, real parents pala niya. Kabisado ko na 'yan. Pa'no kung ganiyan ang nangyari sa kanilang dalawa?" pangangatwiran niya.
"Hindi." Umiling ako. "Imposible pa rin. Nakita ko sa panaginip ko ang nangyari sa kanila dati, at hindi ganiyan. Nabanggit din niya ang kuwento nila sa atin, hindi related ang hypothesis mo sa story nila." Komontra ulit ako.
"Huwag kang galit, aba. Napapa-English ka na naman. Pa'no ako sasagot sa 'yo niyan?" aniya at pinakalma ako. "Relax lang, alam kong matalino ka, huwag mo akong torture-n sa pa-hypo-hypothesis mo."
Alam kong may mas malalim na dahilan kung bakit ibinigay 'to ng lolo niya sa kaniya.
"Baka naman sa lola ni Allestair 'yan?" patanong at mahinang sabi ni Jiovanni. "Never mind, wala rin palang connect."
Nang banggitin niya 'yon, agad kong naalala ang imahinasyon ko noong nasa Bulacan pa kami-isang binata at isang dalaga na masayang nagsasayaw sa daan. Hindi kaya connected ang mga iyon kay Allestair? Hindi kaya lolo at lola niya ang nakita ko?
BINABASA MO ANG
The Night We Met in Intramuros
Teen FictionWhat would happen if an introverted teenager unexpectedly had an imagination about a girl he hadn't met before, that provoked him to travel out of his comfort zone only to find out if she was real or not? As Kielvinson Ybañez travels, he gets to kno...