LOST ALONG THE WAY
SA biyahe papunta sa unknown destination, we have to say 'bye to Bulacan. Pero sa ngayon, wala akong ideya kung saan kami papunta. I did not get to see Blythe here in Bulacan, not even in Nueva Ecija. Siguro, hindi pa rito. Hindi pa sa ngayon.
Nandito na kami sa gitnang bayan ng Bulacan. Naisipan namin ni Jiovanni na magluto ng sarili naming ulam mamaya. Pumunta kami sa palengke at bumili ng mga kakailanganing kasangkapan sa lulutuing ulam. Menudo ang napagkasunduan naming lutuin kaya namimili ako ng carrots, patatas at karne. Nang makabili ako ay bumalik agad ako sa sasakyan dahil mukhang iiyak na naman ang mga ulap. Weird, ang taas ng sikat ng araw kanina 'tapos biglang uulan. 'Sabagay August na, rainy season na nga pala.
"Okay na ba lahat ng pinamili?" tanong ni Jiovanni pagkasakay sa kotse.
Nailagay ko na sa back seat ang mga plastic bag na naglalaman ng mga pinamili namin. Umalis na rin kami sa parking space dito sa palengke pero hindi pa kami nakakapag-decide kung saan kami tutuloy.
***
PAGPASOK namin sa isang simpleng hotel ay mas lalo kaming gininaw dahil napakahangin sa labas na sinabayan pa ng malakas na ulan. Naupo si Jiovanni sa sofa ng hotel lobby, ako naman daw ang magbabayad kaya ako na ang bahala.
"Sir, wala na po kaming available na double bed, small size bed na lang po ang mayro'n, small room din po. Marami rin po kasi ang nag-check in kanina. You may check the room now, sir," wika ng receptionist.
Sumenyas ako kay Jiovanni at pinalapit ko siya. "Small bedroom lang ang available, 'tapos small bed din daw."
"Okay lang, sanay ka naman matulog sa sofa."
Tumango na lang ako, hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil kaharap ko ang receptionist. "Kunin na namin itong room, ma'am."
Habang nasa elevator ay mukha kaming magkapatid na namalengke. Kung ano-ano ang bitbit namin na para bang hindi na kami lalabas ng kuwarto.
"Ay, tanga! Wala nga palang lutuan sa hotel room," bigla niyang sigaw.
Dahil dito, nagpalipas lang kami ng isang gabi sa hotel. Lumabas din kami kinabukasan dala ang mga gulay na pinamili namin.
"Hindi ba mabubulok 'tong mga carrot?" tanong ko sa kaniya pagkasakay sa kotse.
"Sa ilalim nga ng lupa hindi nabulok, sa aircon pa kaya?" Tiningnan niya ako nang masama. "Common sense lang 'yan."
Nandito pa rin kami sa parking space ng hotel. Hindi pa kami nakakaalis dahil nagtatalo pa kami kung saan kami pupunta.
"Saan?" tanong ni Jiovanni habang nagdo-drawing ng kung ano-ano sa mahamog na bintana ng sasakyan. "Magbigay ka nga ng letter."
"Letter? T."
"Oh, letter T. Eh, 'di Ti-" Natigilan siya at biglang naningkit ang mga mata habang nakatingin sa akin. "Bastos iniisip mo, 'no?"
"Tagaytay."
"Uso ngayon ang mga Korean food, 'di ba? Tara," bigla niyang suhestiyon nang mabanggit ng DJ ng radio station ang Korean barbeque.
Pagdating namin sa request niyang Korean restaurant, um-order na agad kami at saka naghintay sa lamesa. Ramen house itong napuntahan namin, sakto lang sa medyo malamig na panahon. Umaambon pa hanggang ngayon. At wala pang five minutes, nai-serve na ang order namin.
Humigop ako ng sabaw at hindi kami nagkamali ng pinuntahan, masarap ang pagkain dito. Sinundan ko na rin ng noodles at muling humigop ng sabaw. Tahimik lang akong kumakain pero napahinto ako nang may kumalabit sa akin. Napalingon ako sa likuran ko pero walang tao. Pagharap ko, nakita ko si Jiovanni. "Uto ka, hindi pala ako marunong mag-chopsticks, nakalimutan ko na."
BINABASA MO ANG
The Night We Met in Intramuros
Teen FictionWhat would happen if an introverted teenager unexpectedly had an imagination about a girl he hadn't met before, that provoked him to travel out of his comfort zone only to find out if she was real or not? As Kielvinson Ybañez travels, he gets to kno...